Chapter 52

4K 73 3
                                    

Jorgette's POV

"Tyron..." tawag ko kay Tyron habang hinahaplos ang ulo niyang nakaupo sa mga hita ko.

"Hmmm?" sagot nito habang nakapikit.

Naisip ko lang kasi, nasaan na kaya si Unice ngayon? Okay lang ba siya? O nakarma na sa mga pinag-gagawa niya.

"Nasaan na si Unice ngayon?" tanong ko.

"Hindi ko na din alam eh, tsaka wala akong pakialam sa kanya. Okay nga yun eh, okay na yung wala siya" sagot nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Si tita Ruth kaya, nasaan na din? Simula nang umalis sila sa bahay wala na din tumira doon kaya sila manang at ang pamilya niya na lang ang pinatira ni daddy doon para naman daw kahit papano'y magkatao.

"A-ahm... Wala kabang trabaho Tyron-"

"Babe" singit nito.

"Kanina kapa Tyron ng Tyron eh."

"Wala kabang work babe?" pag-uulit ko.

"Meron mahal ko. Yung bagong malaking kumpanya na itinayo sa ****ay pagmamay-ari ko yon, ewan ko ba kay daddy kung bakit gusto niya dito sa pinas magpatayo ng kumpanya samantalang okay naman sa ibang bansa" sagot nito. Nakaramdam ako ng sakit sa puso. Ibig sabihin bumalik lang siya dahil nandito ang trabaho niya, hindi siya bumalik para sa amin?

"Pero laki padin ng pasasalamat ko dahil kung hindi dahil sa kumpanyang yan, di ako makakauwi upang makita ka't makilala ang mga anak natin" dagdag nito na ikinapawi ng sakit sa puso ko. Napangiti na lang ako ng palihim.

"Kailan ka papasok ng trabaho?" tanong ko, kung maari kasi sana gusto ko rin maranasan magtrabaho sa kumpanya. Kukuha na lang ako ng mag-aalaga sa kambal upang sa ganon makapag trabaho naman kami ni Tyron ng maayos.

"Next week na siguro mahal ko. Gusto ko pa kayo makasama ng ilang araw bago ulit maging busy"

"Eh paano trabaho mo dun?"

"Nandun naman si Crizel, siya na muna bahala at kung sakaling magkaproblema pwede naman niya akong kontakin"

"Ahmm babe" saad ko.

"Po?"

"Gusto ko sana mag-apply sa kumpanya mo? Wala lang gusto ko lang magtrabaho para sa pangangailangan ng mga bata. Kukuha na lang ako ng mag-aalaga sa kam-"

"No" singit nito sa sinasabi ko. No agad? Dipa nga napapakinggan sinasabi ko eh.

"Bakit naman?" curious kong tanong.

"Anong silbi kong lalaki para di mabigyan ng magandang kinabukasan ang mag-iina ko? Anong silbi kong asawa para pagtrabahuin ka? Kaya kong ibigay lahat ng hihilingin niyo kaya walang magtratrabaho" sagot nito, suss grabe naman,

"Isa pa, ayokong ipagkatiwala sa iba ang anak natin. Gusto ko safe silang palagi, mas baleng ako ang masaktan huwag lang kayo" saad nito, napatango na lang ako at hindi na lamang nagsalita.

Kinabukasan

"Daddy come on!!" masayang tawag ni Dylan kay Tyron habang masayang naglalaro dito sa park. Nakaupo naman kami ni Mia dito sa damuhan habang pinapanood sila Tyron at ang kambal kasama ang mga kaibigan ni Tyron.

Ang sarap lang nilang panoorin na akala mo'y lahat sila bata. Bigla kong napansin ang bolang papunta sa gawi ni Zylan kaya agad ko itong tinakbo ngunit natamaan padin sa ulo kaya ito napaupo at umiyak.

"Shit!" dinig kong mura ni Tyron sabay lapit sa amin,

"Sinong bumato sa anak ko?!" galit na sigaw ni Tyron sa mga tao habang ako pinapatahan si Zylan.

"Shhhh that's okay baby. Big boy kana, huwag na umiyak, i love you" sabi ko habang buhat at yakap ito.

"Oops! Sorry, nabato pala ng anak ko ang anak mo" sabi ng pamilyar na boses kaya ako agad napalingon nang makita kung sino ang nakangising nagsalita. Nagulat ako.

"Sorry, hindi sinasadya ng anak ko. Tsaka bakit ba kasi hindi ka umilag bata, alam mo nang may parating na bola eh-"

"Huwag mong sisihin ang anak ko. Yang anak mo ang sisihin mo-" asik ni Tyron ngunit agad ding napatigil ng sumingit si Unice.

"Hindi ko lang siya anak Tyron. Ah mabuti pala at nandito ang aking kapatid na si Jorgette, gusto ko lang malaman niyong lahat na ang batang ito ay anak namin ni Tyron" nakangiting sambit niya. Biglang may malaking karayom na tumusok sa puso ko. Ano daw?

"Ano nanaman bang kasinungalingan yan?" sabat ni Yohan.

"Hindi ako nagsisinungaling, anak namin ni Tyron to. Kyle, this is your-"

"Kasinungalingan! Paano tayo magkaka-anak na wala naman nangyari satin. Ni relasyon nga walang namagitan satin!" dipensa ni Tyron. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sakanila pero may tiwala ako kay Tyron, ibinigay ko ulit ang tiwala ko sakanya at ayokong mawala yon.

"Anak mo nga to-"

"Tumigil ka Unice!" sulpot nang lalaki. Agad kaming napatingin sa lalaki habang mabilis naman na itinago ni Unice ang bata sa likod niya.

Galit itong lumapit sa amin habang si Unice halata sa takot. Anong meron?

"Mahigit apat na taon mong itinago sakin ang anak ko para lang diyan sa sariling kagustuhan mo! Makasarili ka! Nang dahil sa kagustuhan kong mahalin moko ulit, pumayag akong maging sunod-sunuran sayo! Lahat ng plano mo para sa kapatid mo ginawa ko kapalit ng pagmamahal mo! Pero anong ginawa mo? Pagkatapos magpabuntis sakin iiwan moko upang ihabol sa iba ang anak ko?!" galit at sigaw ng lalaki sabay hawak sa braso ni Unice.

"A-ano ba nasasaktan ako-"

"Kulang pa yan sa pananakit mo sakin! Kunin sila" utos ng lalaki sa mga kasamahan niya at sapilitang isinakay sa van,

"Kapal ng mukha manira ng pamilya! Yan kasi akala mo magugustuhan ka!" sigaw ni Mia.

"Are you okay son?" tanong ni Tyron,

"Yes daddy" sagot ng anak ko tsaka ito niyakap.

"That's my boy" Tyron,

Hindi ko alam kung anong nangyayaro pero sa tingin ko sapat na ang mga natuklasan ko kanina para mas lalong bumalik ang loob ko kay Tyron.

Hindi niya pala ako ginahasa nang dahil sa kagustuhan niya kundi sa kagustuhan niya lang na hindi ako masaktan,

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon