Chapter 14

4K 67 0
                                    


Jorgette's pOV

"Mula sa bahay hanggang sa school nandon ang pang-aapi ni Unice sa akin. Galit ako kay daddy mom, mula nang magkaroon siya ng bagong pamilya kinalimutan na niya tayo" hagulgol ko

"Ang kapal ng mukha nilang gawin sayo lahat ng yan. Hayaan mo anak, ngayong nagkita na tayo hindi ko hahayaan na may makapanakit pa sayo. I'm sorry kung hindi kita kinuha. Ang akala ko kasi naalagaan ka ng tama"

Nanatili kaming nagkwentuhan ni mommy habang umiiyak. Lahat ng saya, pagkasabik at pagmamahal binuhos ko lahat sa araw na ito. Hanggang sa napansin kong gabi na pala. Tiyak lagot na naman ako nito.

Maayos akong nagpaalam at nagpahatid kay mom dito sa bahay.

"M-mom ingat po kayo" sabi ko. Hinalikan ako sa ulo tsaka ito umalis. humarap ako sa gate ng bahay tsaka huminga nang malalim. Nanginginig kong binuksan ang gate at tsaka pumasok ng bahay nang makita si tita Ruth na nag-aabang sa akin kasama si Unice.

"Magandang gabi po-" napatigil ako nang bigla akong sampalin ni Unice.

"Alam mo ba nang dahil sayo sumakay ako sa mabahong taxi na yon?! pati driver ko inagaw mo!" galit na sigaw nito. Naalala ko, hapon na din pala nung pauwiin ko si kuya Clarence.

"Sorry may-"

"Saan ka galing?! gabi na ah? hindi mo ba alam na madaming trabaho ang naghihintay sayo dito? o baka naman kasi may kalandian kana kagaya na lang ng mama mo-"

"tawagin niyo akong bobo, inutil, tanga, basura pero hindi ang malandi ako! lalong-lalo na ang mommy ko!" Sagot ko. Hindi ko na kayang manahimik. Sagad na ako

"Bastos ka ah!" sabi ni tita Ruth tsaka ako hiniwakan sa buhok at paulit-ulit na sinampal ang bibig ko dahil sa pagsagot ko. Nalasahan ko na din ang sarili kong dugo.

"Wala pang sumasagot sakin ng ganyan!" sabi nito tsaka ako itinulak sa  sofa. Agad naman iniabot ni Unice ang sintron na kanina pa pala niya hawak.

Malakas niyang inihampas sa braso ko ang sintrong makapal.

"T-tama na po" pagmamakaawa ko pero mas lalo niya itong nilakas hanggang sa mamanhid ang braso at mga binti ko. Nang mapagod siya tsaka lang ito tumigil.

"Ito ang tatandaan mo, ayoko ng bastos dito sa pamamahay ko! kami na ang nag-mamay ari dito kaya kung gusto mong lumayas, lumayas ka!" sigaw niya sakin. Bahay ko ito, regalo sa akin ni mommy at daddy nung 10th birthday ko!

"Buti nga sayo" masayang sabi ni Unice tsaka ito umalis.

Napatingin ako sa braso at binti kong namumula dahil sa lakas nang hampas ni tita. Yumuko ako tsaka umiyak ng umiyak hanggang sa diko namalayang nakatulog.

Pagkagising ko ay umaga na, nagising ako dito sa sofa kasama si ate Mae at manang Polly. Teka bakit sila nandito?

"ate? manang?" gising ko sa dalawa. Agad silang nabalikwas at agad lumapit sa akin.

"Jusko" alalang sambit ni manang nang makita ang mga pasa sa braso at binti ko. Konti pa lang ang nagkakapasa sa dami ng masakit na parte ng katawan ko dahil siguro bago palang ito. Ramdam ko din ang hapdi at kirot nang labi ko.

"Okay lang po ako. Kasalanan ko din naman eh" sabi ko.

Pinilit ko na lang makapag-ayos at pinilit pumasok ng school. Nagtitinginan sa akin ang mga classmates ko habang si Unice nakangisi. Wala akong panahon para diyan.

Agad kong hinanap si Tyrob at ang barkada pero absent pala. Nalungkot na lang ako. Pakiramdam ko galit sa akin ang lahat. Masama ba ako?

Anong nagawa ko kay Tyron? Masaya naman kami nung huli naming pag-uusap sa cellphone. Pero bakit bigla na lamang ganito? Nanlalamig na siya sakin. Kahapon pa siya ng umaga walang paramdam, ganun din ang mga kaibigan niya na ani mo'y may tinatagong hindi ko dapat malaman.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon