Chapter 33

4.2K 71 2
                                    

Jorgette's POV

"Mom pakibantay naman po oh, iihi lang ako" sabi ko kay mommy tsaka ibinaba si Zylan.

"Okay anak" sagot ni mom. Nagmadali akong pumasok sa banyo sabay upo agad sa may bowl.

Hindi pala biro ang pagiging isang ina lalo pa't kambal sila. Puyat at pagod ang kalaban mo. Noon akala ko madali ang maging isang ina, simple lang sa mga mata ko ang mag-puyat sa gabi at mag-alaga pero ngayong nararanasan ko na. Ang hirap pala.

Pero okay lang, dahil sa bawat titig ko sa mga anak ko napapawi lahat ng pagod at puyat ko. Ang saya din pala maging isang ina.

Isang buwan na si Dylan at Zylan kaya ang bilis ko din pumayat. Akalain mo ba namang sa liit kong to, kambal agad ang nauna. Nakiusap pa si mommy at daddy na manguha na lang daw kami ng tutulong sa pag-aalaga ng anak ko para daw may magpupuyat sa gabi at hindi na din masyadong mahirapan lalo pa't palagi silang nasa trabaho pero tumanggi ako.

Gusto ko kasi ako mismo mag-aalaga sakanila. Okay lang kahit halos isang oras lang ang tulog ko, ang importante sakin ay malulusog ang dalawang prinsipe ko.

"Kuha na kasi tayo ng katulong mo sa pag-aalaga sa mga apo ko" bungad ni mommy sakin paglabas ko ng pinto ng banyo.

Lumapit ako sa kama ko tsaka muling binuhat si Zylan upang ipahiga sa crib niya tsaka ko kinuha si Dylan sa isang crib para padedehin.

"Mom I'm okay. Meron naman kayong umaalalay sakin eh" sagot ko.

Napapangiti na lang ako tuwing napapatingin ako sa kabuoan ng malawak kong silid. Maluwang ang kwartong ito para sa aming tatlo dahil limang kama dati ang nandito para sa mga bisita kaso dahil masyadong masikip sa dati kong kwarto kaya pinaayos na ito ni daddy para may space ang gamit ng mga anak ko.

Natawa na lang ako dahil ang mga lagayan ng make-up ko, ngayon lagayan na ng mga gamit ng mga anak ko. Ang iisang cabinet ko noon ngayon tatlong malalaki na. Ang pang isahang kama ko noon ngayong king size na.

Actually apat na ang cabinet dito, lagayan ng diapers, wipes at kung ano anong gamit na kakailanganin ng mga anak ko. Ganon na din ang mga milk nila.

Dahil dalawa sila, halos nauubusan na ako ng gatas kaya dumedede na sila sa bottle pansamantala. Naiinis na din ako sa katawan ko kung bakit ba kokonti ang gatas ko.

"Ate, ako na magbabantay sa dalawa. Matulog kana muna" prisinta ni Mia sabay lagay ng alcohol sa kamay niya tsaka binuhat si Dylan.

"Sure ka?" tanong ko. Antok na antok na din kasi ako.

"Yes ate. Go to sleep na, hi there baby!" sagot nito sabay baling sa anak ko.

Pumunta ako kay manang sa kusina tsaka nakisuyo na i assist si Mia hindi sa wala akong tiwala pero parang ganon na nga hehehe.

Eh kasi kung makagigil sa mga anak ko kala mo kung ngayon lang nakahawak ng baby. Minsan halik ng halik eh kawawa ang anak ko.

"Manang, pagbawala-"

"Alam ko na anak. Matulog kana, para may lakas ka mamayang gabi"

Ngumiti ako tsaka humiga dito sa may sofa dito sa sala kung saan malapit sa dalawang crib ng mga anak ko. Medyo malapad naman ang sofa kaya dito na ako matutulog para na din malapit ako sa mga anak ko. Kahit ilang oras lang na maidlip ko okay na ako dun

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon