Chapter 60

8.1K 174 48
                                    

Months later

Jorgette's POV

"Oh mag-isa ka diyan?" sulpot ni Unice sabay upo sa tabi ko tsaka hinimas ang tiyan nito. 4 months pregnant eh.

"Wala lang" sagot ko.

"Suss wala daw, kilala kita ate!" biglang sulpot ni Mia tsaka umupo sa tabi ko,

"Eh ngayong nagdaang araw napapansin ko hindi na ako kasama sa mga lakad nila Tyron at nang kambal. Pag gising ko sa umaga wala na sila, babalik na lang sila kapag maggagabi na. Ilang araw nang ganito, naiinis na ako" saad ko, kung kailan maayos na ang lahat tsaka pa sila ganyan.

Okay na kasi kami ni Unice, maayos na din sila mommy Ruth at mom. Si Erwin at Unice ikinasal na din last month at ako? Wala atang balak si Tyron. Heto namang Mia at Vince ikakasal na next month dahil nga buntis na.

Nung una nagalit si daddy dahil nga bata pa siya pero nandiyan na yan eh. Wala na kaming magagawa kundi ang mahalin at tanggapin ang bata. Hindi nagtagal, alagang-alaga na din si Mia kay dad at mom dahil sa pagdadalang tao nito.

Napapangiti na lang ako kapag nakikita ko kung paano sermonan ni daddy si Mia kapag pasaway ito baka daw kasi makunan. Nakikita ko sakanya ang sarili ko noon kaya ngayon pa lamang todo suporta na ako para sa kapatid ko.

Ganon din si daddy kay Unice, halos ayaw na din palabasin sa bahay baka daw matagtag ang bata dahil sa kalakwatsaan ng kapatid ko.

Si tita Ruth naman binigyan ni daddy ng restaurant upang palaguin daw. Si Tyron at Erwin naman magkasundo na din, ito namang Clark, Yohan, Josh at Lester ang naging ninong ng kambal.

Masaya na sa ngayon. Pero ang hindi ko nagugustuhan ay ang inaasta ng mag-aama ko. Wala akong ideya kung bakit sila ganyan sa akin.

"Jorgette! Si Tyron at ang kambal napa-away!" hinihingal na sulpot ni Erwin.

"Hon saan kaba galing?" tanong ni Unice.

"Sila Tyron, kailangan mong puntahan!" halos hindi ako makagalaw sa narinig ko. Si Tyron at kambal napaaway?

Ginagawa niya na din bang gangster ang mga anak niya?

"Nasaan sila?" nag-aalalang tanong ko

"Wally's Restaurant"

"Paano sila napunta doon?!" mataas na boses kong tanong.

"Ewan ko basta puntahan mo na" hindi ko na inaksaya ang oras at halos patakbo akong lumapit sa kotse.

"Go ate!" rinig ko pang sigaw ni Mia, bakit parang masaya pa siya?!

"Hindi niyo ba ako sasamahan?!" tanong ko

"Kaya mo na yan!" sagot ni Unice na ngingiti-ngiti pa. May mali eh!

Pagkarating ko dito sa restaurant mukhang maayos naman. Hapon na din kasi at dahil sa bwisit na traffic naabutan ako ng dilim at heto walang kailaw-ilaw.

May takot akong naramdaman pero hindi ko ito pinansin mahanap lang ang mga anak ko. Humanda-handa talaga sa akin ang Tyron na yan!

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon