Chapter 48

4.2K 76 2
                                    

Jorgette's POV

"Mommy whats flavor do you like?" tanong ni Dylan sabay kuha ng ice cream na dala nila Clark kanina. Ngayon pala ang birthday ni Tyron, nakalimutan ko na din kasi. Ni halos diko siya mabati ng happy birthday, nahihiya ako eh.

"Uhmm. Chocolate please..." sagot ko tsaka ngumiti. Ngumiti ito pabalik tsaka nanguha ng kutsara sabay kuha ng chocolate ice cream.

"I want chocolate too" sulpot ni Zylan hawak ang baso ng ice cream.

"Thats enough love, madami ka nang nakain. Next time ulit" saad ko tsaka hinalikan ang labi niyang puro ice cream. Natawa na lang ako dahil sa lagkit ng kanyang labi.

Agad akong nanguha ng basang face towel tsaka ito pinunasan at muling hinalikan.

"Mmm!! Sarap!" saad ko tsaka ngumiti.

"Why did you kiss me mommy?" napataas ako ng kilay sa tanong ng anak ko. Bawal na ba halikan ang mahal ko?

"Kasi anak kita at mahal na mahal na mahal kita" sagot ko. Ngumiti ito ng pagkalokoloko sabay sabing...

"Mahay mahay moko?" *mahal-mahal moko* tanong niyang muli.

"Yes anak ko" sagot ko

"Kiss daddy too" napatigil ako sa sinabi ng anak ko. Napatingin ako kay Tyron na nakangising nakatingin sa akin.

"Nyahahaha" tawanan nila Clark habang nag iinuman. Gabi na din kasi, hayystt ikalawang gabi na namin dito.

"W-what for my love? He's not my son, why do i have to kiss him?" tanong ko.

"Maybe because you love him too" sagot niya. Jusme! Kailangan sa harapan niya? Ang daldal ng anak ko grabe!!

"A-are you done my love? Lets take a shower then we go to bed na" pangiiba ko ng usapan, mabuti naman at tumango ito tsaka nauna na sa kwarto. Ibinaba ko naman si Dylan tsaka inalalayan papuntang kwarto at tsaka kami sabay-sabay nag shower.

Kakatapos lang nila kumain kaya hinayaan ko muna silang naglaro. Inayos ko na lang ang mahihigaan ganon na din ang mga gamit at laruan na ikinalat nila.

"Lets sleep" tawag ko sa dalawa tsaka humiga sa kama kaya agad naman sumunod ang dalawa.

"Mommy do you love daddy?" seryosong tanong ni Dylan habang yakap ako.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa anak ko, kung oo ba o hindi. Napapaisip na lang din ako kung may galit paba ako kay Tyron dahil sa narinig ko kagabi.

Hindi ko na din kasi alam ang tunay na nararamdaman ko, naguguluhan na ako sa mismong nararamdaman ko.

"Sleep na anak ko. I love you both " pangiiba ko ng usapan. Ganito naman lagi eh, kapag hindi ko alam ang isasagot ko, babaguhin ko na lang dahil natatakot din akong marinig ang sasabihin ng mismong bibig ko.

"I love you too mommy " sagot nilang pareho tsaka pumikit. Ilang minuto lang ang nagdaan nang marinig ang munting hilik nila. Haha ang cute,

Pagkatapos ko silang mapatulog ay dahan-dahan akong bumangon at inayos ang sarili tsaka lumabas sa sala at inayos ang mga laruan na kinalat ng dalawa. Ganyan sila eh, kalat dito kalat doon pero okay lang naman.

"Jorgette join us" anyaya ni Vince pero tumanggi lang ako. Langya kang Tyron ka huwag kang tatabi sa amin, may payakap yakap kapang nalalaman kanina! Sinasamantala mo pagtulog ko.

Medyo lasing na din sila pero si Tyron hindi ko pa nakitang uminom ng alak. Problema neto?

"Hindi ka paba inaantok?" malambing na tanong ni Tyron sa akin nang lapitan niya ako dito sa kusina habang naghuhugas ng plato. Napatingin ako sa mga kaibigan niyang natutulog na dahil sa kalasingan maliban kay Yohan na naglalaro sa cellphone.

"Tatapusin ko lang ito, matutulog na ako" sagot ko nang hindi siya tinitignan.

"Let me help you babe" malambing na prisinta niya. Hindi ko maintindihan bakit ba gustong-gusto ng tenga ko bawat malalambing niyang boses. Naiinis na ako! Hindi ako pwedeng mainlove muli sa lalaking to hanggat hindi ko nalalaman ang sikretong tinatago niya.

"Ako na. I can do it by my self" sagot ko. Yumuko ito tsaka tumalikod at maglalakad sana papuntang kwarto nang magsalita muli ako.

"Hep!" pigil ko. Ano siya? Hello? Tatabi sa mga anak ko na amoy alak?

"Sa sofa ka matulog" sabi ko. Tumaas ang kilay nito tsaka nagtanong

"Why?"

"Uminom ka diba? Hindi pwede sa mga anak ko ang amoy alak" striktang saad ko

"I know, kaya nga di ako uminom eh" sabi nito, ganon?

"Pwede na ba ako tumabi sa mag-iina ko?" seryosong tanong niya. Napalunok ako tsaka tumango at agad tumalikod. Nakaramdam ako ng kilig sa 'mag-iina ko'.

"Need help?" sulpot ni Yohan sabay upo.

"Okay lang" Ngiting sagot ko pagkatapos niyan hindi na kami nagkaimikan. Pagkatapos kong maghugas ay isinunod kong pinunasan ang mesa nang muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Tyron kagabi.

Paano kaya kung kay Yohan ko tanungin? Imposible namang wala siyang alam ni isa?. Umupo ako sa harap niya tsaka kumuha ng lakas ng loob para mag tanong.

"A-ahmm Yohan"

"Hmm?"

Hindi ko alam paano ba ito sisimulan kainis.

"G-gusto ko lang sana malaman kung bakit nagawa ni Tyron y-yung ano-yung-y-yung-" pauna ko nang singitan niya ako sa diko masabi.

"Sa panggagahasa sayo?" pagtutuloy nito. Tumango ako tsaka napayuko. Ibinaba nito ang hawak niyang cellphone tsaka humarap sa akin

"Gette, sometimes we do the wrong things for the right reasons" sagot nito sakin. Bakit? Paano?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Yung galit at poot diyan sa puso mo, sa kapatid mo dapat ituon dahil siya ang puno't dulo ng lahat ng ito" saad nito na ikinabigla ko. Biglang pumasok sa isip ko si Unice.

"S-si Unice ba?" tanong ko.

"Mismo" sagot niya.

Anong nangyari? Bakit wala akong alam? Kung ganon aalamin ko.

She's mine (BaFat#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon