𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 2

110 2 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

🌸🌸🌸🌸🌸

***** XERCES

    After ng usapan namin ay tumambay ako sa cottage sa garden para magkape, paghigop ko ng kape ay huminga ako ng malalim, para akong ne nerbyosin sa tuwing maiisip ko na not so pretty ang mapapangasawa ko.

    "Pangatlong kape mo na yan ah!" biglang sumulpot n aparang kabute si kuya sa likod ko at talagang nagulat ako sa ginawa nya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at napahawak ako sa dibdib ko. "See, ninerbyos ka agad"

    "Sakit ng heart ko" biro ko, natawa si kuya sa akin. "Pero mas masakit sa heart yung panget mapapangasawa ko" kinutusan ako ni kuya sa ulo.

    "Tange, I'm sure maganda mapapangasawa mo" sagot ni kuya at umupo sa tabi ko. "Xerces, seryosohang usapang magkapatid tayo, salamat at pumayag ka na mag sacrifice para sa company natin. King Barcelona Distillery lang ang tanging alaala ng matibay na pag mamahalan at tiwala sa isa't isa nina Mom and Dad, they invest all of their money para maitayo ito, and I know it will hurt their feelings kung babagsak lang ito basta basta. Siguro it's time for you to know about everything"

    Ngayon ko lang nakitang nagseryoso si kuya sa usaping pamilya.

    "To know what?" tanong ko.

    "Una, pwede naman akong magpakasal sa step daughter ni Megan at iwan si Graecious pero the twist is, Graecious also came from Salcedo Family so it means, if I left Graecious for Megan's step daughter mas gugulo ang sitwasyon, may tendency na mag away away sila ng dahil sa akin." Paliwanag ni kuya. Ngayon ko lang nalaman na Salcedo pala si Graecious. Wow, ganun na ba talaga ako ka out of place? "Isa pa, yung step daughter ni Megan ay hindi  nagdadala ng apelyedo ng Salcedo, kung susumahin ang history nya ay napaka gulo talaga, She was the daughter of Kifer Salcedo and his childhood sweet heart, di pa ina arrange ang kasal ni Megan at Kifer ay ipinagbubuntis na ang mapapangasawa mo,pero nagpaka layo layo ang babae sa araw ng kasal nina Megan at Kifer. I don't know what's the motive of Megan kung bakit gustong gusto nyang ipakasal ang step daughter nya, only Megan can answer that question."

    "I'm speechless bro" poker face kong sagot kay kuya habang ninanamnam ang pag absorb ng mga sinabi nya sa akin.

    "You were aware about Dad and Megan's past right? You must also aware about our Mom's real identity" wika ni kuya.

    "Real identity? What do you mean?" tanong ko, I'm so fvck'n confused right now p*chang gala!

    "Mom was adopted, she really don't belong to Savtienco and Cassanova Family, The night when Dad and Megan first saw her is the night where she is in a miserable situation. Walang malay nuon si Mommy, hubo't hubad at puro pasa ang katawan senyales na tinorture at ni rape sya." When I heard kuya, I was in a deep freaking shock, I can't believe his story but the way he tell it ay sinisigurado kong hindi sya nagbibiro. No words came out from my mouth that's why I just listen to his story. "Megan helped Mom to recover to her traumatic experience, Megan's family also paid the Savtienco and Cassanova Family to adopt Mom and change her identity from Andrea Vinson to Cassandra Savtienco Cassanova, And Dad sya ang nagbura ng takot sa puso ni Mommy at nagbigay ng pag asa na mamuhay ng payapa by marrying her"

             Bro explained everything to me, every single detail, napaka exciting naman ng papasukin ng buhay ko, ma I involved ako sa mala prey and predator life cycle ng buhay nila Mommy, Megan at Kifer kaya nacu curious ako sa mystery wife ko, Aiola Perez. A mysterious name for a mysterious person.

Gusto kong mapasok pa ang buhay ng pamilya Salcedo, especially Kifer Salcedo, magiging tulad ko ba sya.? Ikinasal sa babaeng hindi nya minamahal? Pwede naman akong tumanggi sa plano nila mommy at daddy pero bakit sa tuwing naiisip ko at naririnig ang pangalang Aiola ay parang may magnet na humahatak sa akin para kumagat sa planong iyon? May mahal na ako, iniwan nga lang nya ako, pero umaasa akong magkakabalikan kami pero bakit gustong gusto ng isip ko na makita si Aiola? Nalilito ako.

I want to meet Kifer, I want to ask question like how he survive living with the woman he don't love? But in the other side of my brain baka maging offending iyon sa kanya, baka isipin nyang karma ang mangyayari sa anak nya sa pinaka mamahal nyang babae, karma nya sa pasakit na dinanas sa kanya ng napangasawa nyang si Megan Salvatierra. Ano kaya g sasabihin at gagawin ni Kifer Salcedo kapag nalaman nyang may anak sya sa pinaka mamahal nya at ang anak nyang iyon ay aasawahin ng lalaking kagaya nya, lalaking hindi kayang suklian ang pag mamahal sa anak nya. Bigla akong napangisi, baka suntukin nya ako hahah.

Buong gabi kong inisip ang mga kaganapang nagyayari ngayon sa buhay ko, hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog marahil siguro sa antok.

**********
SORRY SA SHORT CHAPTER.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon