𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 58

35 1 0
                                    


***** NARRATOR

Nalaman nina Kiel Salcedo at Sun Salcedo na nagkakagulo ang pamilya nila kaya bilang pinakamatanda sa pamilya ay pinatawag ang lahat ng miyembro para mapag usapan lahat ng gusot.

Binigyan ang lahat ng miyembro ng pamilya ng sapat na araw para magkitakita sa loob ng mansion kahit hindi nagpapansinan dahil sa di pagkakaunawaan hanggang sa nag set sina Serene, Aluza, Summer (Friend nina Serene at Alyza na tinuring na miyembro ng pamilya) Sapphira, Jenas, Nieves at Mierr ng slumber party pero kawawa si Jenas dahil sa nag iisa lang siyang lalaki sa magpipinsan at pinaka matanda pa kaya obligado syang sumama sa mga girls, kahit hindi nagpapansinan sina Graecious at Alyza ay naki join sila sa card games, make up make up at iba pa.

samantala pinagtulungan nina Serene at Jenas na pagsama samahin sina Aiola, Graecious at Alyza sa isang lugar pero dahil alam nilang hindi magandang maiwan sila ng walang aawat at nag suggest si Aluza na sya ang sasama sa tatlo

"Nauuhaw na ako" wika ni Jenas "Ay sus! bakit nalimutan nating mag dala ng tubig at snacks?" tanong ni Jenas "Aluza, Alyza, Aiola bumaba naman kayo para kumuha ng pagkain natin oh tutal tatlo kayong magkakapatid"

"Dapat ikaw tapos si Nieves at si Mierr ang bumaba kasi tatlo rin kayo tapos malaki pa kamay mo" sagot ni Alyza

"Oo nga no? ang galing talaga ng pinsan ko" tumayo si Jenas at tumore sa tapat ni Alyza "Inuutusan mo kuya mo?" tila nananakot si Jenas, natawa ang magpipinsan

"Sabi ko nga kami na ang kukuha di to makapag hintay" bawi ni Alyza

"Yan gusto ko sa inyo eh, gumagalang sa nakakatanda" puri ni Jenas at niyakap si Alyza habang ginugulo ang buhok

"Kuya naman" reklamo ni Alyza "Kaka relax palang ng hair ko"

"Tara na bago ka pa makalbo ni kuya Jenas" wika ni Aiola

"Graecious samahan mo kami please" pakiusap ni Aluza. Nagtinginan sina Alyza at Graecious, ayaw sanang sumama ni Graecious pero tinulak sya ni Sapphira palabas at pati sina Nieves at Mierr ay tinulak sina Alyza at Aiola, kusa namang lumabas si Aluza at sinara ni Serene ang pinto

"Walang papasok hanggat wala kayong dalang snacks" wika ni Serene.

****
Lumakad sila pababa sa hagdan

"Di ba natin bubuksan yung ilaw Ate?" tanong ni Alyza kina Aluza "Ang creepy para tayong nasa hunted house" Natawa si Aluza

"Ang active ng imagination mo Lyza" sagot ni Aluza

"Pati ako nahahawa sa imagination mo, feeling ko may zombies dito" sagot ni Aiola "Ikaw ba Graecious?" tanong nya

"Wala naman ako nararamdamang paranormal dito, wala pa namang namatay sa mansion na to" sagot ni Graecious. Nakarating sila sa kitchen na di napapansin sa garden na nag uusap sina Kifer at Megan.

Kumuha sila ng snacks at bottled water at lumakad na pabalik sa kwarto nang mapansin ni Aluza sina Kifer at Megan na nag uusap napahinto siya kaya naumpog si Graecious sa likod nya at si Aiola ay naumpog sa likod ni Graecious at si Alyza naman ay naumpog sa likod ni Aiola

"Outch!" sabay sabay na reklamk ng tatlo

"Shhhh..!" pag hush ni Aluza "Wag kayong maingay" dahan dahang lumapit si Aluza sa pwesto nila Kifer at nagtago sa malaking pader, sumunod ang tatlo sa kanya

"Ano ba yun?" tanong ni Graecious at nakitang nag uusap sina Kifer at Megan

"You know what eaves dropping is rude" sita ni Alyza

"Shhh.." pag hush ulit ni Aluza.

******
Nasa garden mag isa si Megan habang naiyak dahil walang pumapansin sa kanya ni isa sa pimilya. Pakiramdam nya ay galit ang lahat ng tao sa kanya dahil sa pag iwan nya kay Alyza nuon at mga nagawa nyang mali kina Aiola at Graecious ngayon. Pakiramdam nya nag iisa na lang sya nang biglang may taong nag abot sa kanya ng kopita ng alak. Agad niyang pinunasan ang luha nya. Hindi man nya nakita ang nag alok ng alak pero alam nya ang pabango ni Kifer, simula nang magkita ulit sila ni Kifer ay hindi sya naglakas loob na tumingin sa mukha ng asawa

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon