𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 32

36 4 0
                                    

Day2

***** XERCES

           "Xerces Gising!" sigaw ni Aiola habang niyuyugyog ako, ano ba tong babae na ti? ang hilig mang yugyog ng tulog.
           "Hmmmm" ungol ko. Ang bigat pa ng mata at katawan ko ayaw ko pang bumangon.
           "Gissssiiinnggg..." mahabang pangungulit nya
          "Bakit ba kasi?" tanong ko habang nakapikit
          "Samahan mo ako" sagot nya. Huminga ako ng malalim
          "Ikaw na lang, kaya mo yan" bagot kong sagot sabay talukbong ng kumot.
          "Okay!" haay, salamat ang bilis lang kausap ni Aiola "Pag hinanap ako nina nanay sabihin mo pinuntahan ko si Jepoy"  biglang nabuhay ang diwa ko nang marinig ko ang mortal enemy ko. Mortal enemy saan? kanino? bumalikwas ako at agad tumayo
          "Teka! mag hihilamos lang ako! iligpit mo yang hinigaan ko" utos ko at tumakbo papuntang banyo

************* Sometime later********

            "Nagsisisi ako na sumama ako sayo" reklamo ko kay Aiola, ikaw ba naman pag buhatin ng sangkatutak na bote at dyaryo para dalhin sa junkshop at ang napag bentahan ay sosolohin daw dahil...
'Aanhin mo ang 100 pesos? barya lang naman sayo to ang yaman yaman mo tapos kukunin mo pa yung kalahati ng napag bentahan ko?' eksaktong ayan ang sinabi sa akin ni bruha. Hindi man lang mag aya ng pameryenda gutom na gutom na ako tapos naglalakad lang kami pauwi.
           "Uy nood tayo ng basketball" aya ni Aiola at hinila nya ako papunta sa crowd. Nanonood kami nang mahagip ng paningin ko si Jepoy na nag lalaro
           "Tara uwi na tayo" hinila ko si Aiola para hindi nya makita si Jepoy pero kasabay ng pag cheer ng mga nanonood nang naipasok nya ang bola ay syang pag lingon nya sa direksyon namin kaya nakita nya si Aiola.
          "Aya!" sigaw ni Jepoy
          "Tara na!" pagmamadaling hila ko kay Aiola palayo pero naabutan kami ni Jepoy
          "Aya!" tawag ni Jepoy at syang hatak sa kamay ni Aiola kaya napatingin si Aiola sa humawak sa kamay nya.
          "Jepoy!" masayang wika ni Aiola. Oh hinde! mahaba habang kumustahan nanaman tong dalawa na to!
          "Ano na Aiola? gutom na ako" reklamo ko
          "Teka lang kasi nakita nang may kausap ako eh" masungit na sagot ni Aiola at kumuha ng pera sa pitaka nya "O! bumili ka ng pagkain mo"
          "Saan naman?" tanong ko
          "Kahit saan bahala ka na" iritableng sagot ni Aiola "Alis na" grabe kung bugawin nya ako akala mo naman langaw ako.
          Bumili na lang ako ng street food kung saan makikita ko silang dalawa, abat! parang nalimutan na ako ni Aiola ah, maya't maya akong tumitingin sa orasan ko, ang tagal mag usap ng dalawang to
          "Friend Zone?" tanong ng tindero ng fishball na halos ka edad ko lang ang itsura.
          "Ha?" tanong ko
         "Kanina pa masama ang tingin mo sa dalawang yun" nginuso nya sina Aiola at Jepoy "Kung makatitig ka parang gusto mong gutay gutayin ang bituka nung lalaki eh" nagtawanan ang mga ibang costumer na nakikituhog ng fishballs at kikiam, napakamot ako ng buhok.
          "Hindi ah, kuya ako nung babae binabantayan ko lang ang kapatid ko kasi baka itanan ng nobyo nya" pag sisinungaling ko.
          "Aaahhhh" sabay sabay na pakiki sabat ng ibang costumer na tila ayaw maniwala
          "Kaya pala..." tila chinachallenge ako ng mga costumer na mag bigay ako ng proof na magkapatid nga kami.
         "Magkapatid kami sa Ina" pag sisinungaling ko. Duon ay parang naniwala ang iba pero may ilan na may malisya parin.
         "Ang sarap mo namang maging kuya" puri ng isang babae
         "Swerte naman ng 'KAPATID MO' may overprotective kuya" talagang nag quote yung babae na KAPATID MO dahil isa sya sa ayaw maniwala na magkapatid kami. Napansin kong aalis silang dalawa NG HINDI MAN LANG AKO INAAYA!
         "Teka! tatakasan na nila ako" nag labas ako ng 500 at iniabot sa tindero "Keep the Change" sabay takbo papunta sa dalawang kolokoy.
*********************
          Tila kinalimutan na talaga nila na may kasama silang dalawa o di kaya sinasadya nilang i ignore ako para mag mukhang chaperon nila. Kung saan saan sila pumunta na parang hangin lang ako sa paligid nila at nag meryenda silang dalawa nang hindi man lang ako inaalok o inaaya, nagtanghalian at meryenda ulit ng walang! anak ng! kalama Xerces! di nila alam ginagawa nila.
*********************
          Gabi na nang umuwi kami, hinatid pa kami ni Jepoy! how sweet *vomit! tingin nya sakin di ko kayang ihatid ng ligtas si Aiola? bored ako na pumasok sa bahay kasunod si Aiola
          "Ginabi na kayo, saan ba kayong dalawa galing?" tanong ni Mama Bell, napansin kong umamoy sya sa paligid "Ano ba yang amoy nyo? ang babaho nyo" sita nya.
          "Gumala po kami Ma" sagot ni Aiola at umupo sa upuan.
          "Maliligo na po ako" wika ko at pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalya.Pasipol sipol ko pang inilagay ang tuwalya sa towel rack at isinara ang pinto ng banyo, pagkatapos non ay isa isa kong hinubad ang damit ko. Unang buhos ko palang ng tubig ay biglang namatay ang ilaw. Shete! pauso ng black out dito kapag naliligo ako ah! kapa kapa na lang tuloy ang ginawa ko. Una sabon at nang tapos ko nang hilurin ang buo kong katawan ay shampoo naman kaya kinapa ko ulit ang lagayan hanggang sa may nahawakan akong maliit na botelya. Naglagay ako sa palad ko at ikinuskos sa buhok ko. Hmm! ang lamig sa ulo at ang bango pa.
            "Xerces" tawag ni mama Bell
            "Po?" tanong ko
            "Eto oh, shampoo" sagot ni mama Bell
           "May shampoo dito ma" wika ko
            "Ha? walang shampoo jan, inubos ko kanina kaya nagpabili ako ng bago kay Jayson" paglilinaw ni Mama
            "Meron talaga Ma! nakalagay sa maliit na botelya" sagot ko.
           "Ha?! Feminine wash ko yan!" sabat ni Aiola. Napakunot ako ng nuo "Panghugas ng Pempem ko yan!" Agad akong nag banlaw ng ulo, narinig kong nagtatawanan sina Mama Bell, Aiola at tatay Jayson sa labas. Paglabas ko sa banyo ay inaabangan ako ni Aiola sa pinto habang naka cross arms sya
           "Hmmmmm!" hinagod nya ng amoy ang katawan ko "Ang bango ni Xerces ah" Pang aasar nya kaya nginitian ko sya ng plastic at nag isip ng ipangtatabla sa kanya.
           "Ang bango pala ng panghugas mo, ngayon alam ko na ang amoy nyan" sagot ko at tumingin sa bandang ibaba ng ano nya, biglang namula ang mukha ni Aiola kaya napa ngisi ako at naglakad papasok sa kwarto "Now I know"
*********

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon