***** XERCESNakita ko na ang bahay nila Aiola, pagtingala ko ay napakunot ang nuo ko, Baki umaakyat ng bubong si pandak?, dali dali akong umakyat sa bahay nila at nang makaakyat ako ay hinawakan ko ang binti ni Aiola.
"Ay!" sigaw ni Aiola at sinipa ako sa mukha. Na out balance ako kaya muntik na akong malaglag sa hagdan pababa ng bahay nila buti na lang at napahawak ako sa barikada kahit mahapdi ang braso ko dahil sa nagitgit ako. "Anong ginagawa mo jan?" tanong nya sa akin, nag ayos ako ng tayo.
"Ikaw, anong ginagawa mo at nakasabit ka jan?" tanong ko. "Laki laki ng hita mo parang troso" biro ko, hindi naman malaki hit ani Aiola, gusto ko lang syang asarin.
"Di naman malaki hita ko! Umalis ka jan at tatadyakan talaga kita!" inis na wika ni Aiola. Natawa ako, asar talo.
"Bumaba ka nga jan, para kang unggoy" sita ko., dahan dahang bumaba si Aiola.
"Si tatay kasi nasa itaas gusto ko lang malaman ang kalagayan nya. Bakit ka ba nandito? Napasugod ka ang lakas lakas ng ulan" wika ni Aiola habang kinakapa ang katawan ko. "Basang basa ka na, pumasok ka sa bahay at magpalit ka ng damit mo" tinulak nya ako papasok ng bahay "Tatay, iwan muna kita jan may bwisita ako" sigaw ni Aiola.
"Okay sige!" sigaw ng lalaki mula sa bubungan.
***** AIOLA
Agad bumungad sa amin si mama
"Naku! Xerces! Basang basa ka" nag aalalang wika ni mama."Ako rin ma, basang basa" wika ko pero tila di ako naririnig ni mama, iginulong ni mama ang wheel chair nya at lumapit kay Xerces.
"Maligo ka na Xerces at basang basa ka, baka magka sakit ka pa, nagpakulo ako ng pampaligo nyo ni Jayson" wika ni mama.
Ay! Ayaw nila akong pakinggan, pumunta ako sa kusina at kinuha ko ang takure,
"Ako muna" wika ko at dumiretso sa cr.
"Aiola, si Xerces muna" wika ni mama.
"Ladies first" sagot ko at sinara ang pinto ng cr. Mabilis akong naligo, 5minutes lang tapos na, wala ng hilod hilod, di na uso yan ngayon, wala na akong mahihilod pa. Pinunasan ko ang buhok, ulo at buong katawan ko bago tuluyang tapisan ang katawan ko. Pagbukas ko ng pinto ng cr ay nagulat ako dahil naka abang si Xerces bitbit ang termos at towel.
"Mag kakape ka?" tanong ko, sarcastic dahil gusto ko lang syang asarin tulad ng pang aasar na sa akin.
"Bilis maligo ah, wala pang 3minutes" sagot nya sakin.
"Kapal, 5minutes ligo ko no!" inis na sagot ko, huh! Kapal neto. Ngumisi sya sa akin.
"Nag hilod ka ba?" tanong nya "Nilinis mo ba yan?" nginuso nya ang bandang parte ng vajayjay ko.
"Ang manyak mo!" pasigaw kong bulong at pinag papalo ko sya sa balikat. Pilit syang napalag habang papasok ng banyo at tinutulak nya naman ako palabas at nang tuluyan na akong naka alis ay isinara nya ang pinto. Bigla akong kumatok sa pinto at bahagya nya akong pinagbuksan para tingnan ako. "Anong susuotin mong brief? May extra kang bitbit?" tumaas ang kilay ni Xerces.
"Pahiramin mo na lang si Xerces ng panty mo anak" seryoso si mama sa sinabi nya, lumaki ang mata ni Xerces sa narinig.
"Anong gusto mong kulay, pink o red?" natatawa kong tanong, seryoso, papahiramin ko sya ng bagong bili kong panty naka box pa yun. Namula sa hiya si Xerces.
"Alis, alis!" pagtataboy sa akin ni Xerces. Natatawa akong pumunta sa kwarto at nag kalkal na ng bagong panty na naka stock sa drawer ko, mas inuna kong maghanap kaysa sa magbihis excited na akong makita ang reaction ni Xerces.
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...