BONUS PARTnoun
suc·ce·da·ne·um | \ ˌsək-sə-ˈdā-nē-əm \
plural succedaneums or succedanea \ ˌsək-sə-ˈdā-nē-ə \
Collegiate Definition
: SUBSTITUTE
*********************************************************************************************************
Kami ay miyembro
ng isang organisasyon
mayroon kaming misyon...
mayroon kaming misyon....
bakit ko nakikita ang mga pangyayaring ito?
(Binigyan ako ng files ni Salvador, Pumasok ako sa teritoryo ng kalaban at.)
(May isang babae, maganda pero matigas ang kanyang ulo)
(Sino sya? Sino ka ba?)Jenas! (Bakit may tumawag sa akin?)
Jenas! (Sino ka? nasaan ka?)
Jenas! (Pamilyar ang boses mo)
Jenas! (Wag kang umiyak)
Jenas! (Ikaw yung babaeng maganda)(Binuksan ko ang files, nandoon ang letrato mo)
(Anong pangalan mo?)
(Cerrah Jane BuenaVista)Jenas! (Cerrah)
Jenas! (Cerrah?!)***** JENAS
Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Cerrah na umiiyak, nakita ko sya sa panaginip ko
"Jenas!" tawag ni Cerrah, napatingin ako sa kanya "Jenas thank goodness you're awake!" niyakap nya ang katawan ko
"A!" napa aray ako nang masanggi nya ang balikat ko. Uupo na sana ako makadama ako ng kirot sa aking tagiliran, napahawak ako dito "Anong nangyari?" tanong ko. Naka benda ng tela ang tiyan at balikat ko "Nasaan tayo?" hinawakan ko ang aking ulo para alalahanin ang lahat ng pangyayari. Nasa isang liblib na lugar kaming dalawa, madilim at medyo maputik ang inuupuan ko. Sumandal ako sa isnag mamasa masang bato.
"Hindi ko alam kung nasaan tayo ngayon but don't worry we're safe" sagot ni Cerrah "For now" mahinang pahabol nya. Unti unti ko nang naaalala, Nasa field trip kami nang biglang dinukot si Cerrah, hinabol ko sila at nakipag mano mano sa tatlong lalaki pero mayroong pumalo ng matigas na bagay sa ulo ko, Nagising na lang ako na nakabitin ng patiwarik ang katawan ko sa isang kwarto nakatali ang paa at kamay ko, naaalala kong mayroon akong maliit na kutsilyo na nakatali sa binti ko, pinilit kong angatin ang katawan ko para maabot ng nakatali kong kamay ang laylayan ng pantalon, tiniis ko ang pag init at pagkirot ng kalamnan ko para mabunot ang kutsilyo at nang mahawakan ko na iyon ay bumalik ako sa posisyong nakabitin para i relax ng kaunti ang kalamnan ko. kahit palagi akong nag si sit ups ay mahirap parin na mag curls up ng naka bitin patiwarik. Nang humupa ako kirot sa kalamnan ko ay muli kong pinilit na mag curls up para laslasin ang tali pero bumalik ulit ako sa posisyong nakabitin nang mapagod ako at nang makapag pahinga ako ng kaunti ay pinilit ko nanamang mag curls up para tuluyang malaslas an g lubid kaya nang masira ang tali ay nalaglag ako sa sahig, ginawa kong pang dependsa ang aking balikat para hindi mapuruhan ang ulo at ibang parte ng katawan ko.
Pagkatapos nun ay nilaslas ko ang pagkakatali sa paa ko at nang nakakalakad lakad na ako ay humanap ako ng mapang iipitan ng kutsilyo para malaslas ko ang pagkakatali ng kamay ko.Nagawa ko iyon ng payapa, humanap ako ng tiyempo na may mag bubukas sa kwartong kinaroroonan ko at nang may pumasok ay agad ko itong hinila paloob at binalibag, pinag susuntok hanggang sa makatulog, kinuha ko ang damit ng lalaki at sumbrero para mag disguise.
Nang makita ko kung nasaan ang kwarto na kinaroroonan ni Cerrah at tumakas kami agad pero natunugan kami ng mga lalaki at hinabol kami, pinag babaril kami ngunit nakakaiwas din naman kahit papaano. Nakikipag palitan din ako ng putok, pinauna ko si Cerrah para harapin ang kalaban pero bago ko sya napatulog ay nasaksak nya ang aking tagiliran. Kahit na hinanghina ako at tumutulo na ang dugo ko ay kinuha ko ang baril ng lalaki at pilit na hinabol si Cerrah hanggang sa maabutan ko sya. Habang tumatakbo na kami ay hinahabol parin kami ng bala pero pilit kong pinatatamaan sila kahit suntok sa buwan dahil wala kaming makita sa dilim nang may bumaon na mainit na bagay sa aking balikat dahilan para matalisod ako at naupog sa kung anong bagay.
"Paano tayo nakarating dito? may tumulong ba sa atin?" tanong ko. Yumuko si Cerrah habang umiiling iling "Paano tayo naka punta dito?"
"Nung.." parang nag aalangan mag kwento si Cerrah "Nung mabaril ka, naumpog ang ulo mo sa bato kaya ka nawalan ng malay, kinapa ko ang pinagtumbahan mo nang kapain ko ang ulo mo ay nakapatong ito sa nakausling bato at may basa sa pinagpatungan, hindi ko alam Jenas, madilim, wala akong makita takot na takot ako" biglang humagulgol ng iyak si Cerrah "Naabutan tayo ng lalaki, tinutukan ka nya ng flashlight sa mukha at galit na galit sya" humikbi hikbi sya " Sabi nya sinira mo daw ang lahat ng plano nya, pati ang dalawa nyang kapatid pinatay mo pa kaya papasabugin daw nya ang ulo mo pero... pero.. nanghawakan ko ang kamay mo ay may nakapa akong baril, hindi ko alam Jenas, basta ko nalang kinuha ang baril sa kamay mo tapos nagpaputok ako, halos mabingi ang sa tunog na nag echo sa buong paligid, pag dilat ko na lang naka bulagta na sya, yung flashlight nya nakatutok na sa mukha nya na puro dugo" kahit na gabi at madilim ay naaaninag ko sya dahil sa katiting na liwanag na binibigay ng buwan umiling iling sya at sinasabunutan ang buhok.
"Cerrah" awat ko "Cerrah tumigil ka, wag mong saktan ang sarili mo"
"Nakapatay ako Jenas! di ko sinasadyang makapatay! kriminal ako! hindi ko sya gustong patayin! takot na takot ako!" iyak sya ng iyak
"Cerrah! kumalma ka" pinilit kong abutin ang braso nya pero nasaktan talaga ako "A!" nasapo ko ang aking tagiliran. Napatigil si Cerrah nang marinig nya ang pag daing ko kaya agad syang lumapit sa akin
"Oh my gosh Jenas! okay ka lang ba? sobrang sakit ba?" nag aalala nyang tanong, umiling iling ako
"I'm fine Cerrah" sagot ko
"No you're not" natataranta nyang sagot "Ano bang gagawin ko? wala tayong pang contact ngayon, kinuha nila ang cellphone natin" luminga linga sya
"Cerrah, ssshhh, shhh" pag hush ko sa kanya "Cerrah look at me, look at me" hinawakan ko ang mukha nya at tumingin sya "Calm down" muli ay tumulo ang luha nya at humikbi
"How? I killed someone and you want me to calm the hell down?" umiiyak nyang tanong
"Halika dito" utos ko. Lumapit syang lalo "Yakapin mo ako" nag alangan pa sya sa umpisa kaya niyakap ko nalang sya. She's not wearing a cloth? ginamit nya ang damit nya pang benda sa sugat ko "What you did is a self defense, papatayin nya tayo kaya inunahan mo kang sya. We're alive because of you. Wag kang makonsensya kasi kung tayo ang napatay nila, hindi nila mararamdaman ang konsensya, mas matutuwa pa sila" paliwanag ko. "Forget about what happened, you don't need to defend me anymore, It's time for me to protect you"
*************
Woah! ectien be? aksyon na aksyon? hindi naman! may commedy at romance din naman to.
Hope you read my 3rd Book!!𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...