𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 22

39 2 0
                                    

Kung may pinag tagpo pero di tinadhana,
In this chapter
Pinagtagpo, Pinag layo at Itinadhana
********************************************************************************

***** MAVZ

Pag baba ko ay nakita kong nakaupo lang si Jana sa sofa, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Huminga ako ng malalim,

"Ahem" pag papapansin ko, tumingin sa akin si Jana "Anong pangalan ng baby natin?" biglang tanong ko.

"Maviz" matipid na sagot ni Jana.

"Maviz?" napangiti ako, "Pangalan pa lang halatang akin talaga sya nag mula"

"Cute sya" nakangiting wika ni Jana.

"May picture ka ba nya?" tanong ko.

"Oo" kinuha nya ang isang maliit na wallet sa bulsa nya at binuksan iyon upang ipakita sa akin.

"Wow, ang cute nga nya" puri ko.

"Kamukhang kamukha mo no?" tanong ni Jana.

"Carbon copy ko talaga sya, di talaga ako magtataka na ako ang daddy nya" sagot ko.

"Mavz, okay lang naman sa akin kung di mo panagutan si Maviz, di naman kita ino obliga kaya nga hindi na kita ginulo nuong nabuntis mo ako, ang sa akin lang, sapat na sa akin na makilala ka ng bata bilang Ama nya at makilala mo sya bilang anak mo" paliwanag ni Jana.

"Jana, nuong may nangyari sa atin kahit bata pa tayo wala sa bokabularyo kong mang abandona ng anak, totoo gag* ako at hanggang ngayon gag* parin ako pero kahit ganon may pangarap din naman ako, ang magkaroon ng maayos na pamilya kaya kung maibabalik natin ang nakaraan, sabihin mo man o hindi sa akin na nabuntis kita ay pananagutan parin kita kahit anong mangyari" paliwanag ko.

"Pero kasi-" agad kongpinutol ang pag sasalita nya.

"Wag ka nang mag isip ng kung anu ano Jana, trust me kaya kong ayusin lahat ng gusot na nangyari sa buhay natin, just trust me please" wika ko. "Anong niluto mo na almusal?" tanong ko

"Fried rice, bacon at ham" sagot ni Jana.

"Tara mag almusal tayo" aya ko.

"Naku! Wag na nakakahiya" wika ni Jana.

"Wag kang mahiya, akong bahala sayo" hinila ko si Jana sa kusina at inasikaso para pakainin.

***** XERCES

Pag baba ko ay nakita ko si Mavz at Jana sa kusina, tsk! Heto nanaman si Mavz, nanghaharot nanaman ng babae, inaasikaso nya si Jana habang nakain, feel at home tong gag*ng Mavz na to, walang kaso sa akin kung kumain sa kusina ko si Jana, tinuturing na namin syang parte ng pamilya because of her loyalty to us, dumiretso ako sa kanila at umupo ako sa tapat ni Mavz, halatang nagulat si Jana sa pag sulpot ko kaya kahit susubo pa lang sya ng pagkain ay huminto sya at tumayo

"Sir" kabadong wika ni Jana at akma sanang ililigpit ang plato nya.

"No Jana, don't stop eating" wika ko sa kanya, hindi parin umuupo si Jana. "You can sit and continue" pagka upo ni Jana ay tiningnan ako ni Mavz, "Honestly Jana payong kaibigan lang ha, wag ka masyadong mag papaniwala jan kay Mavz malandi yang bitch na yan" nagtinginan sina Jana at Mavz.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon