****** AIOLAIto ang araw ng kasal namin ni Xerces
Modern Rustic ang theme ang napili namin sa isang garden wedding. Medyo rush ang kasalan dahil atat si Xerces na makabawi sa amin ni Xerceii, bagamat dala na ni Xerceii ang apelyedo nya ay gusto nyang maging legal na King na rin ako. Aiola Perez Salcedo-King ang sarap pakinggan.
Kahit na rush ang kasal ay hindi naman ako nahirapan sa pag pili ng theme color, mga dress code et cetera kasi nuon ko pa na plano ang lahat ng iyon, habang nasa Barcelona si Xerces ay nangangarap ako at nag i sketch ng mga damit na susuotin ko. Ang pinroblema lang naman namin ay ang rush na pag papatahi ng mga gowns at men's suit pati mga damit ng mga sponsors pero dahil na rin sa help ni Phelo na kaibigan ni Xerces ay natahi sa itinakdang oras ang mga damit. Hindi rin kami nahirapan ni Xerces sa mga gastusin dahil tumulong ang buong pamilya namin sa lahat lahat, tumulong ang mga pinsan at mga kapatid ko sa pag o organized ng venue ng kasal at reception. Ang laking tipid talaga. Pero nagulat ako sa mga accessories na isusuot ko. Habang nasa Barcelona kasi si Xerces ay nag ipon pala sya ng malakihan para paghandaan ang kasal namin. Nag ipon sya para makabili ng mga bagay na nakakalula ang presyo grabe!
I am wearing my own design, a White Ivory halter neck with Orange pastel Bouffant skirt gown, a white Ivory Veil with gold linings at red-orange-yellow bouquet. A crystal Orange glass stilleto shoes para akong Cinderella at eto naman ang niregalo sa akin ni Xerces isang 24 Karat Gold earcuff na mayroong orange sea glass dangling. Espesyal daw ang sea glass na iyon at hindi ka basta basta makakakuha non. ang sea glass ay mula sa basag basag na bote na naihulma lang ng alon ng dagat sa paglipas ng panahon, kadalasan ay inaabot ng 30-40 years bago maging maganda ang kalalabasan ng isang sea glass at masasabing isa sa rare na sea glass ang kulay kahel o orange dahil bihira lang daw ang gumagawa ng bote na ganuong kulay. Isa pa sa iniregalo ni Xerces ay ang 24 karat gold tiara na mayroon din orange sea glass sa gitna. Alam ni Xerces na paborito ko ang kulay orange pero di ko inexpect na mag e effort sya ng sobra para sa kasal naming ito. Hindi ako nag hahangad ng bonggang kasal at mamahaling regalo pero ipinagpilitan nyang ibigay sa akin ang mga bagay na iyon. Hindi rin papahuli ang 24 karat gold infinity ring naming dalawa ang pagkakaiba lang ay may isang nakadikit na maliit na mamahaling bato sa aking singsing, isang maliit na diamond.
Ang aking Maid of Honour naman na si Graecious ay naka suot ng Orange pastel sweetheart sheath gown, plain white gold head crown, plain white gold slave earring, Orange Pastel stilleto shoes at isang silver bracelet na mayroong orange seaglass danglings at red-orange-yellow bouquet.
Ang mga Brides Maid ko naman na sina Alyza, Aluza, Sapphira, Serene, Mierr, Nieves, Cerrah at Miranee ay nakasuot ng Orange Pastel Camisole Mermaid style dress, silver chandelier earrings, Orange Pastel stilleto shoes, Orange and Yellow flower crown, orange sea glass bracelet at red-orange-yellow bouquet.
Xerces and Xerceii are wearing a White dress shirt with black neck tie and a dark orange Vest with cummerbund inside the Dark Orange tuxedo jacket with ribbed silk facing on a shawl collar matched with a dark orange trouser with single silk. Their attire also includes a Black cufflinks, black dress socks and a dark brown patent leather oxford.
Ang Best Man naman na si kuya Xenon at mga Grooms Men na sina Kuya Jenas, Adonis, Eugene, Raph, Orphen, Phelo, Mavz at Gray La Corte naman ay nakasuot ng same style o diba? walang arte sa katawan? they are wearing a smart casual attire A Orange pastle well tailored jacket, white shirt, black trousers, Black cufflinks, Black socks and a black highly polished oxfords.
Hindi a absent ang mga taong naging parte ng buhay namin ang mga Pamilya namin mga kaibigan tulad nina Coud, Athrone at marami pang iba.
"Ma'am nandito na po tayo" natauhan ako nang magsalita ang Chauffeur. Kumurap kurap ako at huminga ng malalim, nang buksan ng Chauffeur ang pinto ng limousine ay dahan dahan akong lumabas.
"Momma!" sinalubong ako ng yakap ni Xerceii habang hawak nya ang ring pillow, natanaw ko pa ang infinity ring namin ni Xerces, napangiti ako nang mag flash sa isip ko ang mukha ng lalaking minamahal ko.
"Xerceii punta ka na sa tinurong position mo maglalakad na si Momma sa aisle okay?" malambing na paliwanag ni Mommy Megan, si Daddy naman ay pumuwesto na sa aking tabi dahil sya ang mag hahatid sa akin sa dambana. Nasa Harapan na ang Maid of Honor kong si Graecious, mga Bride's maid ko kasama ang mga grooms men na sina Nieves at Shone, Mierr at Shine, Serenity at Adonis, Sapphira at Orphen, Alyza at Raph, Summer at Eugene, Aluza at Shev, Cerrah, Jenas, Gray at Juvia, Mavz at Jana, Miranee at Lucas. Medyo nag away away pa sila Graecious, Sapphira, Mierr at Alyza dahil gusto nila ay sila ang Maid of Honor ko pero nang pinili ko si Grae ay nagtampo si Alyza at sinabing gagantihan daw nya ako. Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin, baka di nya ako iimbitahin kapag sya na ang ikasal? ewan ko lang.
Breast in, Chest out, Take a deep breath, gently exhale
Dumilat ako, kahit na nakatabing sa akin ang aking belo ay nakikita ko na ang pintuan, pintuan kung saan kami pagbubukludin ni Xerces, mula sa gilid ng aking mga mata ay lumapit sa akin si Papa para ilahad ang kanyang braso, nagtinginan kami at ngumiti sa isa't isa.
"Ready?" nakangiting tanong ni Daddy. nakangiti akong tumango sa kanya
Nang bumukas ang pinto ng Hardin ay bumungad sa akin ang isang mabulaklak na arc syempre kulay orange parin ang bulaklak, nasa harapan ko na ang carpet na kulay kahel parin
😋 wag nyo kong kontrahin kasal ko to ako ang masusunod!
👰🏻Sa kabilang dulo ng Carpet ay natanaw kong nag aabang sina Xerces at kuya Xenon pero hindi ko maaninag ang kanilang mukha dahil malayo pa ang... teka! bakit parang humaba yung Carpet?
*****
Okay Guys, masyadong magastos si Xerces ang sarap kalbuhin, sana pinang donate na lang nya yung ginastos nya sa 24 karat gold na tiara, earcuff at infinity ring pati yung white gold ng maid of honor at mga silver ng mga abay, okay lang naman kay Aiola kung alambre ang singsing nya eh, hindi naman maarte yun kahit lumang brace nsa ngipin ang gawin nyang tiara idikit na lnag sa hair pin! anyways! maikli ang chapter kasi time check: 12:04 a.m August 25, 2020 Martes na!
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...