𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 42

29 2 0
                                    


***** AIOLA

Alam kong nagkamali ako sa nasabi ko tungkol kay Franchesca. Masisisi nyo ba ako? Nag seselos ako sa babaeng wala naman akong laban. Una Minahal sya ni Xerces, ikalawa Mahal na mahal parin sya ni Xerces at ikatlo Sobrang mahal syang talaga ni Xerces. Mariin kong hinawakan ang kumot ko habang umiiyak na nakatalukbong sa kama. Akala ko langit na, akala ko lang pala dahil tulad ng isang magandang panaginip ay matatapos din kapag gumising ka na. Bakit hinayaan kong mahulog ng husto ang loob ko kay Xerces gayong wala akong kasiguraduhan? pangako nya lang ang pinanghahawakan ko. promises are made to be broken

"Ang sakit" bulong ko sa sarili ko at tumulo ang luha ko. Sobrang sakit pala ng nadudulot ng first love, Ang first love ko... dun ko lang narealize na hindi pala love ang naramdaman ko nuon kay Jepoy kundi simpleng attraction lang, tama ang sinabi nuon sa akin ni Xerces, puppy love lang ang naramdaman ko kay Jepoy. Naalala ko ang mama ko, nagparaya sya kaya kami naging kawawa, ini idolo ko ang katatagan ni mama pero ayaw kong magaya sa kanya na naging talunan. Bakit ang mama ni Aluza? bakit kahit hindi mahal ni Daddy Kifer si Jenesis dahil naging babae lang naman nya sa beer house ay nakuha parin ni Aluza ang karapatan na maging Salcedo? bakit ako hindi? si mama ang mahal ni Daddy, sya ang nauna sa buhay ni Daddy bago pa dumating sa buhay nila si Megan at Jenesis pero bakit naipagkait sa akin ang identity ko? bakit kailangan ko pang may mapatunayan bago ako humarap sa pamilya ng Ama ko? kailangan kong maging matapang, Kailangan kong lumaban, nakasalalay sa pagpapakasal ko kay Xerces ang ikapagbabago ng buhay ko kaya hindi ko sya dapat sukuan diba? Tutal may nangyari na sa amin kaya akin na sya pero... may nangyari na rin sa kanila ni Franchesca panigurado yun plus mahal pa sya ni Xerces.. argh! ang sakit na ng ulo ko kakaisip!

Kinabukasan

Nakatingin ako sa salamin habang tinitingnan ang aking itsura, medyo mugto ang mata ko pero maganda parin ako naka ayos ang kilay ko, naka pulbo at pina pula ng bahagya ang labi ko, nag suot rin ako ng spaghetti strap na sando kung saan hapit na hapit ang katawan ko at bahagyang naka litaw ang aking cleavage, naka suot din ako ng maiklit short at naka dirty bun ang aking buhok na may ribbon head band. Ngayon ko lang gagawin to ah! ang mang akit ng lalaki. Buti na lang at sa mga nagdaang panahon ay pumayat ako. Nawala ang love handles ko at lumiit ang tiyan, hita at braso.

"This is it Aiola! Operation akitin si Xerces!" wika ko sa sarili ko, ngumiti ako ng pilit at tumakbo pababa, naabutan kong kumakain sa kitchen counter ang dalawa nang magkatabi. Huminga ako ng malalim at lumapit kina Xerces na nakatalikod sa direksyon ko.

"Good Morning Babe!" bati ko at yumakap sa baywang ni Xerces habang nakaupo at nakatalikod sakin. Naramdaman ko ang pag stiff ng katawan ni Xerces at pag hinto ng pag subo nya sa pancake "Good Morning!" masaya ko ulit na bati at hinalikan sya sa pisngi "Ang bango ng kinakain mo ah, niluto mo?" napansin kong nginuya ni Xerces ang pagkain at lumunok "Hindi" sagot nya "Franchesca cook this" kumunot ang nuo ko nang marinig ang pangalan ng karibal ko.

"Nagluto rin ako ng para sayo, naka tabi sa mesa" sabat ni Franchesca. Hindi ko sya sinagot bagkos ay pinilit kong nagpakandong kay Xerces

"Ang bango mo babe, may lakad ka ba? hindi ka na ba susupended sa trabaho?" tanong ko at inilayo ang plato nya "Gusto mong magluto ako ng sinangag? diba paburito mo yon?" sure naman akong nagustuhan nya ang sinangag na niluto ko nuon, simple lang naman ang fried rice eii.

"Since kailan ka pa naging maasikaso sakin?" inis na tanong ni Xerces. Natigilan ako sa sinabi ni Xerces. Tiningnan ko ng masama si Franchesca nang dumapo ang kamay nya sa braso ni Xerces dahilan para kumalma ang g*go!

"Xerces" mahinahong tawag ni Franchesca. puF! kumalma nga ang g*go! huminga ako ng malalim at lumunok

"Simula ngayon aasikasuhin na kita, kasi nga diba tayo na? ilang buwan na lang ikakasal na tayo" pag didiin ko habang nakatingin ng matalim kay Franchesca Hindi ako magpapatalo sayo, sa akin si Xerces. Bahagya akong tinulak ni Xerces para mapatayo ako sa harapan nya at syang tayo naman nya

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon