***** XERCESNapansin kong busy sa pag uusisa ang mga pinsan ni Aiola sa mga guest nila wala ko pake! Nakita ko si Aiola na nakikipag kwentuhan kina Cerrah at Jenas. Napangiti ako dahil masaya akong close nya na si Cerrah, nang mapatingin sa akin si Aiola ay nagtama ang mga mata namin kaya nagka ngitian kami pero tila nag paalam sya kina Jenas at tumayo para lumapit sakin
"Bakit nandiyan ka lang?" tanong ni Aiola "Bakit ayaw mong makihalubilo sa kanila?" tinuro nya sina Coud
"Medyo naiilang kasi ako sa mga Van Heilden Babe, malupit kasi sa negosyo ang pamilya nila at muntik nang masagasaan ni Coud ang distillery namin kung sa kanya lang pinamana ang distellery de Van Heilden baka napabagsak na nya ang King Barcelona agad agad at dahil kay Coud naging workaholic si kuya kasi nasapawan nya sa pag ma manage ng negosyo ang utol ko" paliwanag ko. Totoo yun, kilala si Coud sa larangan ng negosyo dahil sa titulong Youngest billionaire nuong kabataan namin, at the age of nine naka earn na si Coud ng first billion nya sa hindi namin malaman na paraan basta tactician sya at napaka utak talaga sa negosyo.
"May sama ka ng loob sa kanya?" tanong ni Aiola sa akin, umiling iling ako
"Wala ah, iniiwasan ko lang na mag tama ang landas namin dahil alam kong taob ako sa kanya, mahirap na, mabuti nang nag iingat" sagot ko "Tara babe!" hinawakan ko sya sa kamay
"Saan tayo pupunta?" tanong nya sa akin
"Stroll" matipid kong sagot
"Teka, uulan na" awat ni Aiola
"That's the best part of strolling" sagot ko
"Hindi lang yan ang unang beses na narinig kong 'Thets deh best pert ef strelleng'" pag mimic ni Aiola sa sinabi ko halata nyang nag taka ako sa reaction nya "Ganyan din ang sinabi sa akin ni Mierr kanina" napangiti ako
"Totoo naman kasi babe, tara na" aya ko at tumakbo kami palabas ng bahay.
Gamit ang motor ay gumala kami, moderate lang ang pag da drive ko pero ramdam ang lamig ng paligid lalo na nang dumaan kami sa mala tunnel na branches ng mga puno both sides ng kalsada na nag krus ng landas, maganda ang shade na na create ng puno, nakaka presko sa pakiramdam, naramdaman kong humigpit ang yakap ni Aiola sa baywang ko.
******
Nawili yata ako sa tanawin at hindi ko na alam kung saan kami nakarating, mukhang nakahalata na rin si Aiola kaya binasag nya ang katahimikan sa pagitan namin
"Alam mo ba kung anong pupuntahan mo?" tanong ni Aiola sa akin
"Hindi" pag amin ko
"Sabi ko na ng aba naliligaw na tayo" reklamo nya
"Wag kang mag alala, diretsong daan lang ang technique jan" pagyayabang ko "Wala ka bang tiwala sakin?"
"Wala" casual nyang sagot
"Awtz!" pagkukunwari kong na hurts ng so much! char! nagagaya na ako kina beks Shone at beks Shine ah!
"Umuwi na tayo, bumalik na tayo baka mawalan pa tayo ng gas, di ako nag dala ng cellphone di tayo makakahingi ng rescue" utos sa akin ni Aiola, sumunod ako sa sinabi nya dahil nag simula nang pumatak ang malakas na ulan, kung sabagay tama sya, naka reserve nalang yung gasolina baka magtulak talaga kami pag maubusan sa daan. "Teka! teka!" bigla nya kong tinapik tapik
"Bakit?!" tanong ko loko to ah! sumakit yung heart ko sa gulat
"Bayabas!" sigaw nya
"Ha?" tanong ko
"Ayun bayabas!" tinuro nya ang maliliit na bunga sa puno ng bayabas "Kunin mo!" biglang kumulog at kumidlat
"Seryoso ka? Ang taas taas nyan! baka makidlatan ako" reklamo ko
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...