𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 9

55 2 0
                                    


***** XERCES

    "Saan ka ba nakatira?" tanong ko, ang sakit na ng kamay ko sad ami ng bitbit ko, nangangalay na rin ang braso ko, grabe talaga ang daming pasikot sikot sa lugar nila Aiola ang dami naming dinaanang eskinita. Hindi ako sinasagot ni Aiola, medyo nairita rin ako sam ga batang naglalaro na biglang lumalapit sa akin at nakikipag siksikan sa daan. "Aiola factory ba ng bata dito?" tanong ko ulit. Naiilang din ang sam ga kumpol kumpol na kababaihan na kung hindi nag chichismisan at nag kukutuhan na sinusundan ako ng tingin, shet, parang kakainin nila ako ng buo.

    "Wag mo silang pansinin Xerces" wika ni Aiola. Pinakinggan ko nalang ang sinabi ni Aiola.

    "Aren't you scared?" tanong ko.

    "Saan naman ako matatakot?" tanong ni Aiola.

    "Sa mga tao sa paligid mo, Yung mga lasing na nadadaanan mo, di ka ba takot? Mamaya hipuan ka nila or worst rape-in" sagot ko

    "Sanayan lang yan Xerces, Bakit? Nag aalala ka ba sa akin?" tanong ni Aiola.

    "No" sagot ko, nag aalala ako pero baka kasi iba ang isipin ni Aiola. "Amasona ka kaya takot lang nila sayo"

    "Sabi ko nga sayo hayaan mo sila, di ka nila gagalawin kung di mo sila uunahan" paliwanag ni Aiola. Bigla syang huminto sa pag lalakad. Napatingin ako sa kanya. "Nandito na tayo" papasok sana ako sa pinto pero pinigilan nya ako. "San ka pupunta?"

    "Papasok na, I'm exhausted" sagot ko.

    "Di yan ang bahay namin, eto ang bahay namin" tinuro nya ang itaas ng pinto. "Sa taas kami nakatira, umuupa lang kasi kami" Nag simula na syang umakyat sa hagdan, sumunod din ako sa kanya. "Mama" tawag ni Aiola sa ina nya. Pumasok sya sa maliit na pintuan, sumunod ako. At napahinto ako ng makitang naka wheelchair ang mama nya. "Ma, may pasalubong ako sayo" masayang wika ni Aiola.

    "Ang gwapo naman ng pasalubong mo" biro ng mama nya, bigla akong natawa.

   "Gwapo ba yan?" masungit na tanong ni Aiola.

    "Hello po" bati ko sa kanya, halos kaedaran lang sya ng mommy ko. "Panira ka ng moment" sita ko kay Aiola. dumila lang sya sa akin, napangiti ang mama ni Aiola sa amin.

    "Hi" sagot nya sa akin."Ah! kumain na ba kayo?"

    "Opo ma" sagot ni Aiola.

    "Mag meryenda muna kayo" wika ng mama ni Aiola.

    "Tapos na kami ma" sagot ni Aiola

    "Hindi, saglit at aasikasuhin ko ang kakainin nyo" pagtanggi ng mama nya.

    "Ako na lang ma" pagprisinta ni Aiola at dumiretso sa kusina para mag handa ng meryenda.

    "Umupo ka anak" nakangiting wika sa akin ng mama ni Aiola. "Ako nga pala si Belgium pero pwede mo akong tawagin na mama bell" pag upo ko ay napatingin ako sa kanya.

    "Alam mo po na ako ang mapapangasawa ni Aiola?" tanong ko.

    "Hindi pero kasi ngayon lang nag dala ng lalaki dito si Aiola kaya inisip kong ikaw nga yung mapapangasawa niya " masayang sagot ni Mama Bell at tila nangangarap ang mga mata. "Ang gwapo mo pala, akala ko matanda ang ipapakasal ni Megan sa anak ko" magkahawak ang dalawang kamay nya at nangingintab sa tuwa ang mga mata nya. Uupo na sana ako nang mapansin ang mga picture at awards, sash, ribbons at medals pati trophies na naka display sa dingding at cabinet.

    "Kay Aiola lahat yan" nakangiting wika ni Mama Belle.

    "Talaga po?" di ako makapaniwala, yung painosente ni Aiola hakot awards pala.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon