***** XERCESDinala ko si Aiola sa bahay nila Mommy, pag makuha konga ang allowance ko bibili na ako ng sarili kong washing machine hahah! Bakit kasi obligado akong ma suspende dahil sa pag a AWOL ko anak naman ako ng CEO ng kumpanya, kahit kailan talaga walang patawad si kuya.
Pag dating namin sa bahay ay wala sina Mom and Dad nasa opisina sila pareho, ang tanging naiwan lang duon ay ang Mayordoma namin at dalawa pang kasam bahay, wala na duon si Jana at ang anak nya dahil kinuha na sila ni Mavz, medyo nalungkot pa nga si Mommy dahil ma mi miss daw nya ang kakulitan ni Maviz dahil si Maviz ang baby nila di to sa bahay pero masaya na rin sila dahil tinanggap ni Mavz ang responsibilidad nya kina Jana.
"Feel at Home" wika ko kay Aiola habang inaayos ang hose para ilagay sa tub ng washing machine.
"Ako na lang ang mag lalaba ng mga yan Sir" pag presinta ng Kasambahay namin.
"Hindi na okay lang kami na mag lalaba" sagot ko sa kasam bahay namin
"Sure ka sir ah" paninigurado nya "Nag aalala lang ako sir"
"Salamat sa pag aalala mo sakin" sagot ko
"Sa washing machine ako nag aalala sir, baka masira mo, first time lang kita nakitang gumamit nyan ei" sagot ng kasam bahay, biglang natawa si Aiola, natulala ako sa sinabi sa akin, huhuhu judgemental
"Hahah! Wag ka na ma stress ate, akong bahala sa amo mong walang alam sa pag lalaba" wika ni Aiola habang tina tap ang balikat nya.
Habang pinapaikot namin ang washing machine ay tumambay muna kami sa salas, nilalantakan ni Aiola ang binaon nyang pizza at cake habanag ako naman ay nakikitingin lang sa ginagawa nya.
"Ang hilig mo sa junk foods" sita ko sa kanya
"Sino kayang bumili nito?, May pang bara kang pinakain sa akin wala namang panulak" reklamo ni Aiola
"Kain ka nga ng kain di ka naman nag te thank you" sagot ko "Gusto mong panulak? Tulak kita jan"
"Pa coke ka naman jan" wika ni Aiola
"No" sagot ko, "No soft drinks, no cold drinks, no sour drinks"
"Yung mga ininom at kinain ko sa tiyan naman didiretso hindi sa puson" reklamo ni Aiola "Napaka barat neto"
"What ever, no is no" sagot ko "Masakit pa ba puson mo?"
"Bakit mo tinatanong doctor ka ba?" tanong ni Aiola
"Nagtanong ako kay kuya kanina, baka may dymenorrhea ka" sagot ko na lang kanina pa ako binabara ng babae na to.
"Buti pa si kuya mo may alam, nireregla rin ba sya?" tanong ni Aiola, di ko napigil ang tawa ko sa sinabi nya.
"Susumbong kita" pananakot ko.
"If it's not documented, it didn't happen" sagot ni Aiola.
"Galing ah, san mo natutunan yan?" biro ko
"Sayo, magulang ka kasi masyado" sagot ni Aiola, kanina pa to sakin eh, mamaya ka talaga. Kinuha ni Aiola ang mga binili kong chocolates Ferrerro Roche, Toblerone, Hershey's Kisses, Dairy Milk at Goya, tiningnan ko ng matalim si Aiola "Wag mo sabining bawal ko ding kainin to?" tanong ni Aiola
"Hindi ah, binili ko nga para sayo yan para sa emergency period kit mo" sagot ko.After matapos ang pag ikot ng washing machine ay hinayaan kong banlawan mag isa ni Aiola ang Bedsheet, she has her ways para di sya mapwersa sa pag babanlaw, nilagay nya lang sa malaking palanggana ang kobre kama at inapak apakan nya. Nag abang ako sa cottage ng mga gagawin ni Aiola, I enjoyed watching her while she was trying to hung the bedsheet to a stout cord, kahit na nai dryer na nya ang bedsheet ay medyo basa at mabigat parin talaga ito dahil sa kapal, natatawa ako dahil pilit na inaabot ni Aiola ang sampayan pero di nya magawa dahil pandak sya hahah! Joke! Di nya talaga ma pwersa ang pag bubuhat natatabunan sya. Hindi na sana ako maaawa sa kanya eh, buti naalala ko yung pahabol na sabi ni kuya
Don't let her carry heavy things para di bumaba matres nya, mahihirapan sya mag buntis pag mababa ang matres
Kahit diko mahal si Aiola gusto ko rin namang magka anak sa babaeng papakasalan ko ei, agad akong tumayo at lumapit sa kanya
"Ako na" pagpe presinta ko "Pandak mo kasi"
"Demonyo ka, kung kanina mo pa ako tinulungan edi kanina pa ako tapos" Inis na wika ni Aiola sa akin na halos gustong gusto nya akong tirisin na parang garapata. Umiling na lang ako at kinuha sa kanya ang bedsheet para isampay. Pagtapos naming maglaba ay nilutuan ko si Aiola ng steak na maraming mushroom, pinapanuod ko lang ulit sya habang kumakain
"Masarap?" tanong ko, tumungo lang sya dahil punong puno ng pag kain ang bibig nya "Kain ka ng kain tataba ka talaga nyan"
"Wag ka ngang kontra bida, mag luluto ka ng masarap tapos gusto mo konti lang yung kakainin ko? Niloloko ko ba ako?" tanong ni Aiola, Biglang tumunog ang cellphone ko pero pag basa ko sa screen kung sino ang tumawag ay di ko na pinansin "O! Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Aiola
"Si Mavz lang naman yun" bagot kong sagot
"Akin na" kinuha ni Aiola ang cp ko at sinagot nya "Hello, wala akong alam sa sasabihin mo, wag mo saking hanapin sinXerces, mukha ba akong hanapan ng nawawalang panot?bye! good bye!" sunod sunod na wika ni Aiola sa tumawag na tila hindi man lang nakapag salita dahil pinatay nya agad ang tawag.
"Damn! Anong sabi mo? Panot ako?" tanong ko "Hanggang kailan ka ba mau period? Sabihin mo pag wala ka nang dalaw ah, magpapa party talaga ako" seryoso ako, magpapa party talaga ako pag wala ng dalaw si Aiola dahil tapos na ang kalbaryo ko sa buwang ito.
*******************************************************************************
03/23/20 Monday
Novel Corona Virus Disease – 19 (NcoV-19 or CoViD-19)
Medyo naging strict dito sa amin ngayong community quarantine bawat barangay may check point at bawat municipality rin todo check point, worth it naman ang pag hihigpit ng local government dito sa amin awa ng Diyos wala nang positive sa virus although may mga PUM (Person Under Monitoring) at PUI (Person Under Investigation) pa.
Sorry sa short Chapter, naging busy kasi ako kanina pag gising ko, hinarvest ko ang mga dried chilies ko o yung mga pinatuyo kong siling labuyo, hiniwalay ko ang mga buto sa balat then kumuha ako ng ilang buto para itatanim sa angin kasama ng mga buto na sininop at napatuyo ko na buto ng papaya, sitaw at kamatis, eh ngayon, chinop chop ko yung balat ng chili nakalimutan kong mag lagay ng plastic sa kamay ko after non, gumawa ako ng chili oil, pagkahugas ko ayan na, parang nasusunog na ang balat ng kamay ko! Grabe sobrang init sa balat, so hinuhugasan ko at binababad ko sa ice ang kamay ko kapag nainit na pero pag inaahon ko sa tubig at natutuyo sobrang umiinit at kumikirot sabi nila tiisin ko daw kasi lalong kikirot sa kapag nabasa kaya nag laro ako ng baraha solitaire mag isa hahah at pilit kong kinakalimutan na mahapdi ang kamay ko, grabe ang kalbaryo ko, umaga hanggang hapon ko tiniis at kahit ngayong gabi medyo mahapdi parin ang kamay ko pag nababasa.
Waaaahhh!! Sili! Nadala na ako sayo next time talaga iimgat na ko,
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...