𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 47

35 3 0
                                    


***** AIOLA

Tanghali na nang makarating kami sa apartment ni Miranee. Kahit na hindi pa kami nagkikita ay nang pag baba ko sa kotse ni Lucas ay sinalubong nya ako ng ngiti at yaka

"Hello Aya!" bati nya at yumakap sa baywang ko, lumambit ang puso ko sa lambing ni Miranee "Halika pasok" aya niya sa akin "Feel at home, nilinis ko agad ang magiging kwarto mo pasensya na kung amoy pawis ako ah" kwento nya napangiti ako at tumingin kay Lucas. Lumapit si Miranee kay Lucas para sana tumulong na mag buhat ng bag ko pero hinawakan sya ni Lucas sa magkabilang pisngi at tinitigan

"Ako na Babe, mabigat ang bag ni Aya" wika ni Lucas at hinalikan sya sa nuo ahhwww how sweet. "Ang mabuti pa gawan mo nalang kami ni Aya ng paburito kong meryenda yung niluluto mo palagi"

"Oo nga!" masaya nyang sigaw "Nakaluto na ako ng turon, mainit init pa yun saglit lang ah, aayusin ko lang! halika Aya!" Nang makapasok si Miranee ay tiningnan ko si Lucas na kakasara lang ng compartment at binuhat ang bag ko

"Let's go" aya ni Lucas at habang papasok kami ay kinausap ko sya.

"Di mo man lang nasabi na hyper pala si Miranee pero ang sweet nya" wika ko. Ngumiti si Lucas "Nagtataka ako sayo, sa ugaling ganyan dapat hahabol habulin mo sya hindi yung nag dadalawang isip ka pa sa kanya"

"Hindi naman sya masigla dati" natatawang wika ni Lucas "Tahimik lang sya at mahiyain sa akin"

"Oh?" tanong ko di naman kapanipaniwala at naka pasok na kami sa living room.

"Tsaka lang sya naging ganyan nang pinili ko sya over Sophie" sagot ni Lucas. Inilapag nya ang bag ko "Upo ka muna" wika nya. Umupo ako at sya naman ay umupo sa tapat ko, tiningnan namin si Miranee na busy sa pag aayos ng meryenda namin sa kusina "Pero kahit na naging makulit sya ay mas nagustuhan ko yung bagong Miranee, yung masigla, yung punong puno ng self confidence. Thank you talaga Aya"

"Heto na" wika ni Miranee bitbit ang tray, tumayo si Lucas para tulungan sya.

"Masarap tong luto ni Miranee, Aya, tikman mo" wika ni Lucas. Favorite ko rin ang turon ah! kaya nilantakan ko rin

"Alam nyo, ang cute nyong tingnan talagang bagay na bagay kayo" puri ko sa magkatabing mag jowa. Namula ang pisngi ni Miranee "Ilang taon ka na Miranee?"

"22" sagot ni Miranee habang kumakain

"Kaedad mo pala ang mga kapatid ko" wika ko

"May kambal kang kapatid?" tanong nya

"Hindi sila kambal pero sabay silang pinanganak" sagot ko, napaisip sya

"Diba kambal ang tawag sa ganon Love?" tanong ni Miranee kay Lucas, nagtinginan silang dalawa.

"Actually magkaiba sila ng nanay pero sabay sila ng araw nang maipanganak" pagtatama ko.

"Sorry Aya" mukhang na guilty si Miranee

"Wala yun, kahit ako iba nanay ko eh" natatawa kong pahabol "Alamat kaya ang tatay ko ang galing mag magic ng bata" natawa sila sa sinabi ko. Haay sorry Tatay Kifer kung ikaw ang naisip kong ipain para gumaan ang pakiramdam ko. "Ikaw Lucas ilang taon ka na?"

"24" matipid na sagot ni Lucas

"Ka edad mo ang kuya ko, yung pinsan ah" wika ko. Tumingin si Miranee kay Lucas

"Can I call you KUYA ha? KUYA LUCAS?" biro nya. natawa ako sa kanya

"Subukan mo lang" pabirong pikon ni Lucas at niyakap si Miranee awts kainggit sila "Aya" tiningnan ako ni Lucas at huminga ng malalim "Tell us Aya, anong meron sa inyo ni Xerces at ganon nalang ang selos nya sa akin kanina?" tanong ni Lucas

"Sus! di nag seselos yun" sagot ko at sumandal sa sofa "Si Franchesca ang mahal non"
Tumaas ang kilay ni Lucas "Confuse ka no?" natawa si Miranee "Ganito kasi yon, Naka fix marriage kami ni Xerces pero si Franchesca ang mahal nya, alam mo naman siguro yung nangyari sa kanila nuon diba?" tumungo tungo si Lucas "Ayun, bumalik si Franchesca tapos nabaliw nanaman sa kanya si Xerces kaso nagalit ako kay Franchesca at napagsabihan ng masasakit, tsaka pinalayas ko rin ayun nang makaalis si Francie na Ul*l si Xerces"

"Pero bakit ganon na lang ang reaction nya kanina? para syang over protective sayo" tanong ni Lucas

"Mataas kasi Ego non, ayaw nyang nasasapawan ang balls nya. Kahit hindi nya ako mahal ayaw nyang may iba akong pinapansing lalaki gusto nya sya lang" sagot ko, ngumisi si Lucas

"Kakaiba" wika nya

"Ikaw, how come hindi ka nya kilala?" tanong ko

"Inaya lang naman ako ng kaibigan ni Franchesca, napabarkada lang ako nuong gabing dumalo ako sa party dahil nga problemado ako sa dalawang babae" sagot ni Lucas "Pero ngayon hindi na kasi may magandang Baby na ako diba Love?" lambing ni Lucas kay Miranee. Naputol ang kwentuhan namin nang may tumawag sa cp ko. Pagtingin ko si Xerces kaya pinatayan ko sya ng tawag

"Bakit mo pinatay?" tanong ni Miranee "Na miss ka nya agad, wala ka pang isang araw na nawala tumatawag na" nakangiting biro ni Miranee

"Sana nga ganyan ang nasa isip nya, may kailangan lang sakin yang mokong na yan" inis kong wika

"Pag tumawag i loud speaker mo tapos magkunwari tayong may ka anuhan ka" natatawang wika ni Lucas. Lumaki ang mata ko "Bakit? kunwari lang naman eh, sagutin mo pero wag kang mag salita hayaan mo kami ni Love ang trumabaho sa jowa mong hilaw"

"Anong gagawin natin?" tanong ni Miranee

"Yung trip natin kapag inaaya ako ng barkada" sagot ni Lucas, hindi ko sila ma intindihan pero mukhang gets na nila ang ibig sabihin ng isa't isa. Muli ay tumawag si Xerces, sinagot ko iyon at ni loud speaker.

"Hello" napatingin ako kay Miranee nang bigla syang sumagot sa tawag

"Aiola nasan ka?" tanong ni Xerces

"Ha?" tanong ni Miranee napakunot ang nuo ko nang mapansin kong inaamoy ni Lucas ang leeg ni Miranee at hinahalik halikan, bahagyang umungol si Miranee dahil siguro sa kiliti kaya napataas ang kilay ko sa ginagawa ng dalawang to sa harapan ko pa mismo

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Xerces. Hindi nag sasalita si Miranee, ungol lang ang sinasagot nya

"Hmm?" ungol na tanong ni Miranee kay Xerces. Tinakpan ko ang bibig ko sa bigla.

"Babe sino ba yang kausap mo?" malambing at tila nang aakit na tanong ni Lucas kay Miranee, napa face palm ako shuta! ganyan na ganyan ang tono ng boses ni Xerces nuong nag sex kami at panigurado akong nasa isip ni Xerces na ganyan na ganyan naman ang ungol ko nung nag chuk chak kami. Ano na kayang naiisip ni Xerces ngayon.

"Nakikiliti ako, aahhhh!!" malakas at mahabang ungol ni Miranee, tumingin ako sa kanilang dalawa, nanlaki ang mata ko sa bigla at napa nganga, paano nagagawa ng dalawa na to na mag kunwaring nag se sex? kuhang kuha nila ang tunog ng ungol ah! partida naka damit pa yang mga yan intense na

"Mamaya na yang tawag" halinghing na ungol ni Lucas

"P*ch@ Aiola sino yang kasama mo jan? yung lalaking sumundo ba sayo?" tonong galit na si Xerces

"Oh My Gosh! Aaaahhhhhhhhh!!" ungol ni Miranee, sinapo ko ang bibig ko ang nag pigil ng tawa, grabe sila mang trip!

"Babe I'm commmiinngh!" mahabang ungol ni Lucas

"Sabihin mo sa lalaking yan gag* sya, humanda sya sakin kapag ma trace ko sya gamit ang plate number nya" galit na sigaw ni Xerces at pinatay ang tawag

"Ahhh" naudlot ang ungol ni Miranee at tiningnan ang cellphone ko "Ay! na end call?" painosenteng tanong ni Miranee

"Grabe kayong dalawaaa" di ako makapaniwala sa dalawang to.

"Grabe yung jowang hilaw mo Aya! nakarinig lang ng ungol nabaliw na agad?!"
natatawang wika ni Lucas "Hindi ba nambabaril yon? baka mamaya ipapatay ako non ah" biro nya

"Sira ulo lang yun Lucas pero hindi sya killer" sagot ko.

"Maigi nang malinaw ang usapan" sagot ni Lucas

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon