𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 12

54 2 0
                                    


***** XERCES

Kinilabutan ang buong katawan ko sa lamig na naramdaman ko, bahagya akong dumilat at napansing nasa kwarto ako, kahit na dim ang liwanag sa paligid dala ng makapal na kurtinang tumatakip sa bintana ng kwarto ko ay sigurado akong nasa kwarto ko nga talaga ako, kinapa ng paa ko ang laylayan ng kumot pero di ko madama kaya kumuha nalang ako ng unan at pabalagbag na niyakap iyon pero naka dama ako ng hapdi sa ilong ko ng malakas na humambas sa mukha ko ang itaas na parte ng magic pillow ko.

"Aray!" reklamo ko at umupo sa kama dahan dahan kong kinapa ang ilong ko at nang may maramdaman akong kakaibang naka tapal ay tumakbo ako sac r para tingnan sa salamin, "Bakit may plaster ako sa ilong?" tanong ko sa sarili ko, may bahagyang kirot din akong nararamdaman sa ulo ko, wala akong maalala kagabi bukod sa pumasok ako sa office ni Dad at ininom ang favorite brandy nya, yari ako pag hinanap nya yon haha! Medyo nagugutom na rin ako, anong oras na ba? Tiningnan ko ang wrist watch ko. Hala! 11a.m na! di ko namalayan ang oras, dali dali akong bumaba at dumiretso sa kusina, naabutan kong nag hahanda ng tanghalian ang cook namin

"Good day sir" bat isa akin ng cook.

"Good day" sagot ko habang kumukuha ng platito at nilalagyan ng butter ang whole grain bread ko. "Manang patimpla naman ako ng kape" utos ko sa katulong namin na kakapasok lang sa kusina bitbit ang isang tray, pagkatimpla nya sa akin ng kape ay pumunta na ako sa tv room, manonood ako ng Fairytail na Anime hahah! Solo ko ngayon ang tv wala si Alpha at wala si Luna, wala din si Beta, I mean, wala si Dad, at wala si Mom, wala din si Kuya.

Pag pasok ko ng tv room ay nadismaya ako, nandito si kuya at nag hahari harian sa tv habang nanunuod ng Attack on titan na anime, well trip ko rin ang anime na yan so manonood nalang din ako.

"Good morning sa iyooooo" kanta ko sa kuya ko sa hindi malamang tono, matalim na tumingin sa akin si kuya at halatang bagot sa effortless na pag kanta ko. "Bakit di ka pumasok?" tanong ko.

"Sa tingin mo?" tanong ni Kuya.

"Napano yang pasa sa panga mo?" tanong ko.

"Seryoso Xerces? Di mo naalala?" tanong ni kuya at binato nya ako ng balat ng saging, umilag ako pero sinigurado kong di matatapon ang hawak kong platito na may lamang tatlong patong na wheat bread at isang giant mug na may lamang coffee barako. Tumayo sya at naglakad palapit sa akin habang nag sasalita "Sinapak mo ako sa panga matapos mo akong pagkamalang si Ian" paliwanag nya at itinapal sa mukha ko ang palad nya, umilag ako dahil sa nakakasukang amoy,

"What's that freakin smell?" kung nakatingin ako sa salamin ay sigurado akong ang makikita kong itsura ko ay tipong hindi maipipinta ng kahit sino mang pinakamahusay na pintor sa era na ito.

"That freaking smell is your vomit" bagot sa sagot ni kuya at umupo sa couch "And I can't take it away, nakailang hugas na ako, sabon at pahid ng sanitizer at alcohol pero nakadikit parin ang amoy sa kamay ko, ano bang kinain mo Bro? lamang loob ba ng tao ang kinakain mo?"

"Tingin mo sakin canibal?" tanong ko. Hah! Grabe si kuya, "Ikaw may gawa ng sugat ko sa ilong no?" tanong ko.

"Di mangyayari sayo yan kung di ka nanguna" sagot nikuya.

"Ang sama, pumapatol ka sa walang kalaban laban" biro ko pero tonong nag papaawa.

"Sos! Kaw nga tong nanununtok ng walang kasalanan sayo" reklamo ni kuya. Nakarinig ako ng malakas na kulog at kidlat, sumilip ako sa glass window na natatakpan ng thick curtain.

"Umuulan pala?" tanong ko habang nakatanaw sa bintana at ngumunguya ng tinapay.

"Nakarating ka sa kusina na puro bintana ni hindi mo man lang napansin na umuulan" wika ni kuya habang nanonood, nakita ko ang bubong ng guard house namin na halos liparin ang yero

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon