𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 53

32 3 0
                                    


***** JENAS

Parang nakaka dama ako ng kakaibang mangyayari kina Adonis kaya susundan ko nalang sila. Siguro naman tulog na si Cerrah o kaya hindi sya mag lalakas loob na gumala dahil wala sya sa lugar na kilala nya. Tumayo ako sa higaan ko at ibinulsa ang cp ko. Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ay lumabas ako para lumakad sa corridor kung saan madadaanan ko ang kwarto ng mga babae nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Cerrah, natigilan sya at nakipagtitigan sakin

"Bakit ka lumabas?" sabay naming tanong sa isa't isa

"Iimom ako", ani Cerrah "lalabas lang saglit" ani ko habang sabay kaming nag salita

"Susundan ko sana sina Adonis" wika ko.

"Nasaan sila?" tanong ni Cerrah

"Nasa ilog" sagot ko

"So iiwan nyo akong lahat?" tanong ni Cerrah sa akin. Napakunot ang kilay ko

"Iiwan ka ng lahat? bakit wala ba yung mga kasama mo jan?" tanong ko at binuksan ang pinto ng kwarto nila. Pumasok ako sa loob

"Hey, what are you doing?" tanong ni Cerrah habang sinusundan ako, I checked their bathroom and every cabinet even under the bed thinking that they just want to prank me pero wala ni isa sa mga kapatid o pinsan ko ang nasa loob

"Where are they?" tanong ko habang palabas ng kwarto. Sinusundan parin ako ni Cerrah

"Maliligo daw sa ilog" sagot ni Cerrah at isinara ang pinto nang makalabas kaming dalawa ng kwarto. Napatingin kaming dalawa sa hagdan ng patakbo at hingal na hingal na dumating si Adonis

"Excuse kuya" wika ni Adonis. Wow magalang! dumaan sya sa gitna namin ni Cerrah at sinundan lang namin sya ng tingin. Sumunod naman si Eugene na tinulak ako palapit kay Cerrah dahil sa likod ko naman sya dumaan

"Excuse love birds" wika niya at tumakbo rin kasunod ni Adonis.

"Bakit pawis na pawis yun?" nagtatakang tanong ni Cerrah. Sumunod naman na dumaan si Raph kaya lalo akong nagitgit kay Cerrah dahil nakipag unahan sa kanya si Xerces, natagalan sila sa pag uunahan sa likod ko para silang blood cloth naka bara sa daan. Ang gulo nila, napasandal na tuloy si Cerrah sa pinto samantalang ako naman ay napalapit lalo sa kanya. Ramdam ko ang pag subsob ng mukha ni Cerrah sa dibdib ko,

"I'm sorry" wika ko kay Cerrah sabay tukod ng kamay ko sa pinto para di sya ma suffocate at tumingin sa likuran ko "Hoy! ano bang ginagawa nyo jan?"

"Paunahin mo na kasi ako" wika ni Xerces

"Ako muna" sagot ni Raph, ayaw nila akong pakinggan kaya iniipit ko ang braso ko sa likod ng ulo ni Cerrah para di magitgit ang ulo nya sa pinto at hinawakan ko ang doorknob para pihitin. Pag bukas ng pinto ay na out balance si Cerrah dahil hindi nya alam ang plano ko na buksan nalang ang pinto para di kami magitgit ng dalawang kulugo na to, nang mapaatras ng tatlong hakbang si Cerrah ay pinilit kong i ikot ang katawan ko para hindi ko sya madaganan sa pagbagsak sa sahig kaya nang mapahiga ako sa sahig ay napapatong sa akin si Cerrah. Sabay na napatingin sa amin sina Xerces at Raph

"Geeezz get a room" bagot at sabay na sabi ng dalawa sabay takbo papasok sa kwarto namin. Parehas kaming napaupo sa sahig ni Cerrah

"Okay ka lang?" sabay naming tanong sa isa't isa

"Okay lang" sabay naming sagot "Ikaw?" umiling kami ng sabay "Ikaw muna" sabay kaming mag salita kaya tinakpan ko ng kamay ko ang bibig nya

"Okay ka lang?" ulit na tanong ko

"Oo" sagot nya. "Ikaw ba? ikaw yung napahiga sa sahig, may masakit ba sayo?"

"Wala" sagot ko "Ayos lang ako"

"Aalis ka pa ba? nakauwi na ang mga kasama mo" tanong ni Cerrah

"Susunduin ko lang ang mga pinsan at mga kapatid ko. Gabi na dapat hindi sila lumabas ng walang kasamang lalaki" sagot ko

"But I thought safe dito" wika ni Cerrah

"Yes but I want to make sure they're safe" sagot ko "Mahiga ka na at mag pahinga"

KINABUKASAN

Habang nasa hapag kainan kami hiwalay sa hapang kainan ng mga adults ay nagkukwentuhan ang mga girls tungkol sa nangyari sa kanila kagabi.

"Totoo ba yang sinasabi nyo? baka pinag lololoko nyo lang ako ah" di makapaniwalang tanong ni Cerrah

"Oo totoo yun! may mga naninilip samin kagabi" sagot ni Mierr

"Naku kung nahuli namin yun, dudukutin ko ang mata nya with my bare hands!" inis na sabat ni Sapphira at itinaas ang kamao habang ina act kung paano nya dukitin ang mata ng namboso sa kanila. Nakatingin ako sa mga pinsan ko at mga kapatid habang pinipisat ang kalamansi na gagawin kong pang asim sa sasawsawan kong toyo. Di ko alam kung matatawa ako sa pang gigigil nila sa namboso sa kanila kagabi, medyo may hinala akong yung apat kong room mates ang tinutukoy nila, heh! di naman ako pinanganak kahapon, knowing nag punta sila sa ilog at umuwing pawisan at tila taranta.

"Manakit sana ang mata ng namboso satin kagabi no?" patanong na wika ni Alyza, di ko sinasadyang malakasan ang pag pisat sa kalamansi dahilan para tumalsik ito sa mata ni Eugene.

"Aray kooo!" agad napahawak sa mata si Eugene, kung ang mga girls ay nataranta sa nangyari sa mata ni kolokoy ay kabaliktaran naman sa akin dahil natawa talaga ako, mukhang tadhana na ang nagawa ng paraan para mahuli ang mamboboso hahah!

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon