***** XERCESTila may isang liwanag ang tumutusok sa talukap ng aking mata, medyo mahapdi ang silaw nito kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, umupo ako sa banig na tinutulugan koat nakita kong nahihimbing sa pagtulog sa tabi ko si tatay Jayson, humikab ako dala ng antok at tumingin sa relo kung anong oras na. Alas onse palang ng gabi, nakatulugan ko yata sa pag se cellphone ang ilaw kaya hindi ko napatay sa pagkakaalala ko ay mga alas diyes ng gabi ako nagsimulang antukin. Tumayo ako sa higaan at kumakamot sa ulong pumunta sa switch para patayin ang ilaw at bumalik ulit sa pagkakahiga.
Alam kong nakatulog na ulit ako eh, pero naramdaman ko kasing may naglalakad na tila sinulid sa mukha ko, agad hinuli ng kamay ko ang nag di disco sa mukha ko at nagulat ako nang bigla itong gumalaw dahil nakiliti ang palad ko agad kong hinagis ang bagay na nahawakan ko at nag mamadaling umupo, kinuha ko ang cp ko at inilawan. Wala namanakong nakita lalo na yung hinagis ko sa dereksiyong iyon, tumingin ako sa oras
"Sh*t" bulong ko. It's 12:15 am bumalik ako sa paghiga para matulog pero muli akong nagising nang biglang may gumapang sa hita ko papasok sa loob ng short ko, medyo kinilabutan ako sa kiliting nadama ko kaya tumayo ako para ipagpag ang nasa loob ng short ko. Agad kong dinampot ang cp ko para ilawan ulit "Bwisit na ipis to naisipan pa akong gapangin ng ganitong oras" bulong ko sa sarili ko. Tulog na tulog parin si tatay Jayson "Fvck it's 1:05 Am" grabe putol putol ang tulog ko ang sakit sa ulo at ang bigat talaga ng mata ko sa antok kaya bumalik ulit ako sa pagkakatulog.
"H*yup ka! lumayas ka dito! magsama kayo ng babae mo!" sigaw ng boses babae
"Talaga! akala mo ba maganda ka pa rin? nag titiis na lang ako sayo! maalat ka na!" sigaw ng boses lalaki. Medyo naalimpungatan ako at nagising tiningnan ko ulit ang oras "Holy Crap! 1:56 Am may shooting sina Sharon at Gabby?" tanong ko sa sarili ko. Nakakainis naman wala akong diretsong tulog. Inilawan ko si tatay Jayson paano nila nagagawang makatulog ng mahimbing sa sitwasyong ganito? padabog akong humiga at nagtaklob ng unan sa ulo para mabawasan ang ingay na naririnig ko buti na lang talaga at hindi nahilik si tatay Jayson atleast nabawasan ang kalbaryo ko.
Minomonitor ko kung anong oras matatapos ang shooting ng mag asawang kapitbahay napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil konting konti na lang ay mag a alas dos na ng madaling araw nang matapos silamag ingay ay nakahinga ako ng maluwag "Haay salamat" humiga ako sa banig pero biglang may kumahol na mga aso, kahit madilim ay nakadilat na lang ako habang naka straight ang paningin ko sa bubungan "The Hell" nang tumigil ang mga aso ay pumikit na ako "Thank you Lord" wika ko
Automatic na dumilat ang mata ko nang marinig ko ang malakas na tilaok ng manok ng kapit bahay, nang matapos tumilaok ay may sumunod na ibang manok ang tumilaok hanggang sa sunod sunod silang nag tilaok relay, tiningnan ko ang oras sa cp ko and it's 4:23 Am
"I'm hopeless" bulong ko, hindi na ako dinalaw pa ng antokpero ramdam kong pagod ang katawan ko, nakadilat na lang ako hanggang sa mag alarm ng alas sinco ang cp ko. Tumayo ako sa higaan at ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa puyat, nag timpla ako ng kape, biglang lumabas sa kwarto si Aiola bitbit ang tuwalya, humikab ako habang nakatingin sa kanya
"Ang pula ng mata mo, suminghot ka ba ng katol?" tanong nya sakin, tinitigan ko sya ng masama at hindi sinagot, ganitong puyat ako ayaw kong makipag biruan. "Aga aga suplado" at iniwan ako sa kusina.
Bumiyahe kami nang 5:30 a.m at talagang doble ingat ako para hindi kami maaksidente at nang makarating kami sa unit ni kuya ay sinalubong kami ng kasambahay nila mommy
"Manang why are you here?" tanong ko
"Dito kasi ako natulog sir, Nag stay kasi si Sir Xenon sa unit ni Ma'am Graecious" paliwanang ni Manang
"I though he's out of town?" tanong ko
"Sus Sir, nagpauto ka nanaman sa kuya mo." inabot nya sa akin ang tatlong folder "Eto yung pinapadala sayo ni Sir Xenon" kinuha ko iyon atmabilis na hinatid sa opisina para i drop duon ang files pero umuwi agad kami sa unit ko dahil pagod na ako at may inaasahan akong bisita.
Nang makarating kami sa unit ay agad akong humiga sa sofa
"I'm home at last!" wika ko at pumikit.Umupo si Aiola sa katabing upuan "Sya nga pala Aiola bibisita dito mamayang 9 ang kinakapatid ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya matutulog muna ako. wake me up kapag 8:45 na"
"Cerrah Jane BuenaVista" sagot ko "Do you know her?" tanong ko hoping she knew Cerrah.
"Hindi eh" sagot ni Aiola. Nakita ko ang pag aalala sa mukha nya
"Don't worry she's nice" wika ko "Di sya nangangagat"
********
Short Chapter? sorry I'm tired. bGaling kami sa birthday sa kabilang bundok haha, naka Bigbike kami kaya sobrang napagod ako dahil ang hirap umangkas.
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...