***** AIOLAMaghapon akong gumala sa Mall, na boring kasi ako sa bahay, nakaka boring din talaga ang mag isa kaya nag liwaliw ako hahah, bahala na basta makapag enjoy ako tapos!
Gabi na nang pinasya kong umuwi, nag commute lang ako lulan ang taxi at salamat naman dahil ligtas akong nakauwi. Habang papalapit ako sa pinto nang inuupahan ko at kinakapa ng kamay ko ang susi ng bahay sa loob ng bag. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay napansin ko itong naka uwang. Medyo natigilan ako sa pagtataka.Dahan dahan kong binuksan ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw. Binuksan ko ito at nabigla ako sa nakita ko. Si Xerces ay naka higa sa sofa at nakapatong pa ang paa sa unan ang kapal!
"Anong ginagawa mo dito?! paano mo nalaman kung saan ako nakatira? paano ka nakapasok dito?!" gulat at sunod sunod kong tanong
"Easy, isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban" sagot ni Xerces
"Anong easy? " lumapit ako kay Xerces at hinawakan ang paa nya para pabalibag na bitawan
"Aw!" reklamo ni Xerces nang tumama ang paa nya sa sahig, umupo sya
"Bakit nandito ka? paano ka nakapasok ditO?!"
"Walang imposible sa akin Aiola, marami akong source para mahanap ka, tsaka yung pag pasok ko dito? you won't believe me" sagot ni Xerces
"Paano nga?" tanong ko
"Di mo ni lock yung pinto mo" sagot ni Xerces, umiling iling ako
"Sinungaling..." ayaw ko maniwala
"Tanungin mo pa si Orphen" wika ni Xerces at tinuro ang kusina, nagulat ako nang biglang dumungaw si Orphen
"Tawag mo ko?" tanong ni Orphen bitbit ang isang bowl ng...
"Kinakain mo ang ice cream ko?!" di ako makapaniwala, pambihira "Ang yayaman nyo tapos nag akyat bahay na nga kayo kumain pa kayo ng pagkain na di nyo pag aari?" sita ko.
"Sakit mo mag salita Aiola, kagaya mo yung pinsan mong amasona" sagot ni Orphen
"Bakit ba kasi nandito kayo?" tanong ko. Hinagis ni Orphen sa akin ang isang paper bag na nakapatong sa kitchen counter "Ano to?"
"Wag kang mag alala hindi bomba yan, takot ko lang sumabog kasama ka" sagot ni Xerces "Isuot mo yan may pupuntahan tayo"
"At saan naman?" tanong ko. May binabalak to eh, pero hindi naman ako nag aalala kasi alam ko namang hindi nila ako papatayin "Baka ipa salvage mo ako ah"
"Grabe ka talaga sa amin Aiola" sabat ni Orphen "Mag bihis ka na kasi maaga pa pasok ko bukas"
"Pakialam ko sa pasok mo" pagtataray ko.
"Ay talaga Xes! grabe sya" reklamo ni Orphen
"Sige na! mag bibihis na" nagdabog akong pumunta sa kwarto at nag bihis, parang pamilyar tong cocktail dress na ko ah kamukha ng design ko pero iba lang ang accessories at kulay, nag ayos na rin ako ng mukha ko
"Ang tagal" reklamo ni Xerces
"Pag su suotin nyo ako ng dress tapos walang make up?" sita ko "Tara na nang matapos tong kalokohan nyo at pagod na talaga ako"
"Wow" napanganga si Orphen kaya tinakpan ni Xerces ang bibig nya
"You look good" puri ni Xerces sa akin
Sumakay kami sa kotse at pinagmamasdan ko sina Xerces at Orphen sa harapan na busy sa pag te text
"Huy! nagda drive ka tapos nag c cp!" sita ko kay Xerces
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...