***** AIOLAParang nakakasawa ring lumaban kung yung pinag lalaban mo ay hindi naman karapat dapat ipaglaban. Hmp! sira Ulong Xerces! Pinaparanas nya sa akin na parang hangin lang ako dito ah, ang kapal ng mukha. Isang linggo na akong hindi nambubulahaw kay Xerces mahirap nang ma ignore or masabihang istorbo, mas maigi na ring mag kulong na lang ako sa kwarto na parang daga at lalabas kapag wala ang mga pusa Pusang mahaharot na yan! sigurado akong nag lamierda nanaman ang dalawang yun, magaling naman palang doctor si Xerces eii, mukhang nakaka recover yung ex nya. At ipupusta ko tong UNIT ni kolokoy gagabihin nanaman sila ng uwi at didiretso ng tulog kasi nakakain na sa labas wow!
Pero nagkamali ako, mas napaaga sila ng uwi may liwanag pa how sweet umabot bago mag sunset! okay! talo ako inyo na ang unit ni Xerces King! pinagpatuloy ko na lang ang pag do drawing ng designs ng damit sa drawing book ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Umirap ako nang makita kong si Xerces iyon.
"Uso ang kumatok wag kang bastos" wika ko habang nakadapa sa kama at nag do drawing "Anong kailangan mo sakin?"
"Mag bihis ka" sagot nya habang papalapit sakin.
"Bakit naman?" tanong ko pero ipinag papatuloy ko parin ang ginagawa ko.
"Franchesca organized a party we invite all our friends including you" sagot nya.
"So?" bagot kong tanong "Friends ba tayo? bakit nyo ako inimbita? alam mo namang hindi ako mahilig sa mga party party na yan, nag abala pa kayo sakin"
"Kung ako ang papipiliin hindi kita isasama" sagot nya
"Yun naman pala eh edi mag party na kayo, Go ahead! take your time! enjoy your night!" mataray kong sagot
"But Franchesca wants you to attend" pahabol niya sa sinagot nya sakin kanina. Huminto ako sa pag do drawing
"I'm not her puppet Xerces, kung ikaw napapasunod nya wag nyo akong idamay. Ayaw kong dumalo sa party nyo nagagawin sa baba" pag didiin ko
"Whether you like it or not pupunta ka so magbihis ka na at magpakatao ka please lang" bagot nyang sagot. Binalibag ko ang pag lapag ng lapis sa kama ko dahil narindi talaga ako sa sinabi nya sa akin.
"Anong tingin nyo sakin hayop? para magpakatao ako? bakit hindi ba ako tao sa paningin nyo?" galit kong tanong
"No I mean, be formal wag kang clumsy" depensa nya
"B*ll sh*t ka! at B*ll sh*t si Franchesca!" sigaw ko
"Aiola don't start a fight" pag babanta nya
"Ako pa yung nag start ng away?" matawa tawa ako kay Xerces "Pambihira nananahimik ako dito tapos ikaw tong papasok at mag sasabi ng mga bagay na di ko magugustuhan tapos ako pa ang mag sisimula ng gulo?" tanong ko. Huminga sya ng malalim at pumikit ng mariin senyales na nag pipigil sya ng galit
"Okay Aiola, Mag palit ka na ng damit, a attend ka sa baba ang theme ay black naiintindihan mo?" mahinahon at mabagal nyang paliwanag
"Wala akong black" mataray kong sagot
"Papaanong wala?" tanong ni Xerces
"Ngayon mo lang ako na inform sa party sh*ts nyo tapos oobligahin nyo akong mag suot ng itim? tinanong nyo ba ako kung may black akong damit bago nyo naisip yang theme sh*ts nyo? sana kasi habang nag papakasarap kayong mag shopping naalala nyo akong tanungin para nakapag pabili ako kung saang lupalop ng mall kayo nag lagalag!" inis kong sagot grabe! sila na tong pinipilit akong maki join sila pa tong ma memerwisyo!
" Big deal nanaman sayo yung pagtulong ko kay Franchesca?" tanong ni Xerces
"Big deal kasi Babe mo sya!" sigaw ko totoo naman! Babe tawag nya kay Ms. Ex
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...