𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 21

43 3 0
                                    


***** AIOLA

Naistorbo ang gising ko dahil ang kati ng likod ko, sobra talagang kati, bumalikwas ako mula sa pagkakahiga, pag upo ko sa kama ay bumungad sa akin ang liwanag ng araw mula sa salamin ng bintana, umaga na pala hindi ko namalayan dahil napasarap ang tulog ko kagabi dala siguro ng matinding pagod, pero naiirita talaga ako pilit kong inaabot ang parte ng likod ko na makati pero hindi ko talaga maabot, kumuha na ako ng suklay at ballpen pero di talaga ako makuntento sa pangkamot ko kaya naisipan kong tumakbo papunta sa kwarto ni Xerces, Siguro naman sisiw lang sa kanya ang ipapakamot ko, nagawa nga nyang mag kamot ng kati ng iba likod ko pa kaya?

Mabuti na lang talaga at hindi nya ni lock ang pinto ng kwarto nya kaya agad akong naka pasok sa loob, nakita ko syang tulog, nakadapa sa kama habang naka talukbong ng unan ang kanyang ulo mabilis akong tumakbo at tumalon sa kaman ya sabay yugyog sa katawan nya.

"Xerces! Xerces!" wika ko habang niyuyugyog sya.

"Hmmm?" ungol nya na tila antok na antok pa.

"Gising ui!" yugyog ko pa habang nag kakamot ng likod.

***** XERCES

Naramdaman kong umuga ang higaan ko maya maya ay may humawak sa akin at niyugyog ako.

"Gising ui!" narinig ko si Aiola, I'm still sleepy, pakiramdma ko pagod na pagod ako, my back and waist ache and my head hurts like hell, it's like cracking into two hindi naman ako uminom ng alak, nagulat ako nang biglang inangat ni Aiola ang unan sa ulo ko "Xes!" pabulong na sigaw ni Aiola sa tainga ko. Hinampas ko ang mga kamay ko sa kama at bahagyang inangat ang ulo ko para tingnan sya.

"Damn'it Aiola! Natutulog ako!!" sigaw ko, inagaw ko ulit ang unan at itinaklob ko sa ulo ko. Lalo nya akong niyugyog.

"Pakikamot ang likod ko" wika ni Aiola, bigla ulit akong nag angat ng ulo at tiningnan muli sya.

"What?! Iistorbohin mo ang pagtulog ko para lang kamutin ang likod mo? Are you out of your mind?" tanong ko, muli ay nagtalukbong ako ng mukha.

Naramdaman kong nanahimik si Aiola, hindi na rin nya ko niyuyugyog pero pinapakiramdaman ko sya that's why I know she's still here, maya maya ay umuga nanaman ang kama na tila nag kakamot, ano ba tong babae na to? Ginagalis ba ang likod nito? Kakainis, napapikit ako ng madiin.

"Haay" buntong hininga ni Aiola, Oh great Xerces wala ka talagang kapantay, ang lupit mo pre! Ubod ka ng sama lodi! Naramdaman kong tumayo na sya hehe! Sumuko na yata napangiti ako ng kaunti pero agad akong bumalikwas mula sa pagkakahiga at nang makita ko syang palayo sa higaan ay hinila ko ang braso nya dahilan para mapaupo sya sa kama, napatingin si Aiola sa akin na tila nag tataka.

"San yung makati?" bagot kong tanong

"Kakamutin mo na?" nakangiting tanong ni Aiola. Bagot akong humiga sa kama.

"Wag na, tinamad na ako, ang bagal mo kasi" reklamo ko, gumapang si Aiola palapit sa akin.

"Kamutin mo na!" pilit ni Aiola, tumalikod sya sa akin at sinimulang itaas ang damit nya, ako naman ay bagot na umupo.

"Bakit kaya ang lakas mong maka budol?" tanong ko. napansin kong dirediretso ang pag huhubad ni Aiola ng damit hanggang mapansin kong di na naka hook ang kanyang bra "Hoy! Aga aga nag bo bold to sa harapan ko, mag damit ka nga!"

"Di naman ako nakaharap sayo kaya wala kang makikita, ang arte neto, kamutin mo na" sagot ni Aiola.

"Puro pula na yang likod mo"wika ko at nag simulang mag kamot

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon