***** XERCESPag labas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa salas, nanduon sina Mama Bell at Aiola kumakain sila ng kung ano di ko alam, pag upo ko sa upuan ay inabutan ako ni Aiola ng isang tasa.
"Ano yan?" tanong ko at kinuha ang tasa, inamoy ko ang kulay tsokolateng kanin, ang bango ng amoy at mainit init pa.
"Champorado" sagot ni Aiola "Eto" inabot nya naman sa akin ang isang tasa ng tsokolate.
"What's this? Hot chocolate?" tanong ko.
"Milo! Hot choleyt hot chocolet ka pa jan di namin afford ang tsokolet pang rich lang yun, yung pang masa like us Milo! Inchendes?" paliwanag ni Aiola na tonong nasapian ng espiritu ng alak. Natatawa si Mama Bell sa ginagawa ni Aiola. "Higupin mo na yang milo para mabawasan ang ginaw mo"
"Di ako giniginaw" sagot ko,huminto sa pag higop si Aiola at tiningnan ako ng matalim "Why?"
"Don't englesh englesh me" sagot ni Aiola at lalong natawa si Mama Bell.
"Aiola, hinay hinay sa chocolate nagiging hyper ka" puna ni mama Bell.
"I'm home!!" wika ni tatay Jayson, basang basa sya sa ulan bitbit ang isang bilao ng maliliit na puto with cheese.
"Wow! Yan gusto ko sayo tatay J! walang kupas ang puto mo!" puri ni Aiola at kinuha ang bilaopara ilapag sa mesa.
"Jayson maligo ka na baka magka pulmunya ka nyan nababad na sa ulan ang likod mo" wika ni mama Bell " Heto" inabot nya ang isang tuwalya at mga damit "Kumpleto na yang pamalit mo"
"Ayyyiiee" pang aasar ni Aiola.
"Sshhhtt!!" sitsit ni mama Bell, sumandal sa akin si Aiola at bumulong sa tainga ko pero sinadya nyang iparinig sa aming lahat.
"Tingnan mo si mama at tatay Jayson namumula pareho sa kilig" malakas na bulong sa akin ni Aiola, natawa ako dahil pag tingin ko ay namumula nga sila.
"Aiola!" nahihiyang sit ani mama Bell, patay malisya naman si Tatay Jayson.
"Maligo na nga ako" pag iwas ni tatay Jayson, nagtawanan kami ni Aiola at bumulong din ako ng malakas.
"Oo nga namula silang dalawa sa kilig" malakas kong bulong at nag apir kaming dalawa sa tuwa.
"Kayong dalawa!" gusto kaming pagalitan ni mama Bell pero di na nya naituloy dahil sumegway si Aiola. Agad nyang kinuha ang isang gatas evaporada sa harapan namin at nilagyan ang tasa ng champorado ko.
"Ay! Xerces mas masarap ang champorado kung maraming gatas" pag iiba ni Aiola at kumuha ng puto nang mailapag nya ang lata ng gatas sa mesa, sinawsaw nya sa champorado ko ang puto at itinutok sa bibig ko. "Best combination sa tag ulan ang puto at champorado, yung iba gusto nilang combination tuyo at champorado tsaka puto at dinuguan pero di kasi kami nakain ng dinuguan kaya champorado na lang" I just realized that Aiola rambles a lot pero hinayaan ko na lang baka pag sinita ko sya mag away nanaman kami dahil lang sa maliit na bagay.
Kahit di pa gabi ay madilim ang kalangitan dulot ng pag ulan, walang kuryente at madilim ang buong bahay dahil isinara ang mga pinto at bintana nila Aiola, tanging ilaw mula sa kandila lamang ang nagpapaliwanag sa buong kabahayan. Naisipan ni Aiola na mag laro, tss! Parang bata pero sumali ako, haha mga isip bata lang eh, first time kong ma experience ang mga ganito, kapag wala kasing kuryente sa bahay hindi ko naman nararamdaman dahil may generator kami.
"Bugtong bugtong?" sambit ni Aiola habang kinakalabit ako.
"O? ano?" tanong ko habang hinihintay syang mag salita, humigop muna sya ng champorado nya.
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...