𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 62

39 5 0
                                    


***** AIOLA

Habang nag i sketch ako ng design dahil nagpapalipas na lang naman ako ng oras para sa uwian, Birthday ng anak ko ngayon kaya bawal akong mahuli sa dinner. Simple na nga lang ang request sa akin ni Xerceii eh, kahit hindi bongga ang birthday nya basta kumpleto ang pamilya. Nalungkot ako ng bahagya, sana nandito si Xerces para talagang makumpleto na ang pamilya ng anak ko. Para wish come true talaga ang mangyayari pero mukhang imposible, parang ayaw nang bumalik ni Xerces dito sa Pilipinas, nasarapan na yata sa Spain, bahala sya! kung ayaw nyang umuwi edi wag nya! Biglang tumunog ang cp ko kaya kinuha ko iyon mula sa bag ko

"Hello" bagot kong wika nang makita kong si Alyza ang nasa caller ID.

"Aiola!" tili ni Alyza, bahagya ko pang nilayo ang cp sa tainga ko dahil sa tining ng boses nya.

"Wala si Aiola dito" sagot ko. Maldita talaga tong kapatid ko ayaw nya akong tawaging ate, bahala ka jan di kita entertain ng maayos kapag walang word na ate

"Ate Aiola!" sigaw ni Alyza

"Bakit?" tanong ko "At bakit ka sumisigaw?"

"Nasaan ka na ba? anong petsa na! Birthday ng anak mo hello!" sita ni Alyza "Mag undertime ka na!"

"Fifteen minutes na lang mag co close na ang shop, hindi na uubra ang undertime" sagot ko

"Anong silbi na ikaw ang owner ng shop mo? umuwi ka na at atat na atat nang mag ihip ng sangkatutak na kandila sa cake si Xerceii" reklamo ni Alyza

"Okay, okay wag mo na akong sermonan bruha ka" sagot ko

"Good! Umuwi ka na cause I'm really hungry na" wika ni Alyza "Bye Losyang!"
Nagulat ako sa sinabi nya, Losyang?! agad akong tumakbo sa cr para manalamin at tingnan ang mukha ko Losyang na ba talaga ako? kailangan kong magpaganda sa birthday ng anak ko, walang hiya talaga tong kapatid ko binigyan nya ako ng reason para maging concious sa mukha at katawan ko, nakakainis sya! bibili na nga ako ng mga vitamins at cosmetics na pampaganda! pag labas ko ng C.r ay hinarap ko ang mga empleyado ko

"Guys, uwi na tayo" aya ko. Natulala silang lahat sa akin "Ilang minuto na lang oh"

"Thank you ma'am" masayang wika nila. Gusto ko sanang imbitahan ang mga empleyado ko sa birthday ni Xerceii pero naka plano nang pam pamilya lang muna ang handaan, magtatabi na lang ako at mag dadala ng mga handa ni Xerceii bukas para pag salu saluhan ng mga tauhan ko.

Hindi ko inakalang traffic ngayon, hindi naman rush hour ah, kaya meyo late na ako nakarating kina Graecious. Lakad takbo akong pumasok sa mansion at dumiretso sa dinning room, mag sisimula na sana silang kumain nang dumating ako

"Atlast! dumating din si bruhilda!" sigaw ni Alyza "Gutom na gutom na ako Sis!" reklamo nya. Mukhang humaba ang mesa? nagkaroon ng extension bigla

"Sorry" sagot ko "Yung mga thunders?" tanong ko patungkol sa mga mid thunders haha sina ano ba: Sina Daddy Kifer, Tita Megan, Tito Kierr, Tita Arabella, Mama Belle, Tatay Jayson, Tita Sharina, Tito Alfred, Tita Sabrina, Tito Marco, Tita Solen at Tito Alfie, Mommy Cassandra at Daddy Alexis

"Nasa garden sila nag u ungga-ungga" sagot ni Sapphira. Natawa sila sa word nya kung anu anong naiisip ng babaeng to hahah! "Yung mga Thunder Bolts kasama rin ng mga anakis nila" yung mga thunder bolts ay yung mga literal senior na: Lolo Kiel, Lola Sun, Lolo Janus at Lola Moon

"Tayong mga bagets lang ang nadito, nasa labas ang mga forgets" sabat ni Alyza "Anu na? tatayo ka lang jan? gutom na ako lalamunin na kita ng buo" sita nya sakin, mainit talaga dugo neto sakin eh!

"Si Xerceii?" tanong ko

"Nanduon kasama nila, don't worry" sagot ni kuya Xenon

"I'm not worried, I just missed him" sagot ko

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon