𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 4

73 3 0
                                    


***** XERCES

"Good morning sir" bati sa akin ng cashier at tumingin kay Aiola, "Good morning Ma'am"

Hindi sumagot si Aiola, palinga linga lang sya sa paligid, napapaisip tuloy ako, di pa ba nakapasok si Aiola sa ganitong klaseng kainan? "Ano pong order nyo?" tanong ng kahera sa akin.

"Isang lauriat at isang sweet and sour chicken please" sagot ko.

"Drinks sir?" tanong ulit ng kahera.

"Dalawang Iced Tea nalang" casual ko ulit na sagot. Nag simulang mag type sa touch screen monitor ang kahera ng mga inorder ko habang nilalabas ko ang wallet ko para kumuha ng pambayad.

"Dine-in po or take-out?" tanong ng cashier, bago pa man ako maka sagot ay sumabat si Aiola.

"Ikaw bahala" sabat ni Aiola nagkatinginan kami ng cashier, di man nag salita pero na ge gets ko na gusto nyang I klaro ko ang sagot sa tanong nya.

"Dine-in Miss" sagot ko.

"Okay po sir, ihahatid nalang po ng crew sa mesa nyo yung orders" wika ng babae. Tumungo ako sa bakanteng upuan habang nakasunod sa akin ang crew at si Aiola. Pagka upo namin sa upuan ay inilapag ng crew ang orders namin sa mesa.

"Enjoy your meal Sir, Ma'am" wika ng crew at umalis.

"Thank you" sagot ko. Bumaling ang tingin ko kay Aiola, inilapag ko sa harap nya ang lauriat, ayaw ko ng lauriat dahil may shrimp, allergic ako sa hipon, "Ano ba yung sinagot mo sa cashier kanina? Hindi mo dinirect to the point pina isip mo pa yung tao di ka ba naawa?"

"Tagal mo sumagot eh, ikaw ba hindi ka naawa sa kasunod mo sa pila? Gutom na gutom na yun" sagot nya sa akin.

"Haay, sarap magpalamon sa lupa" sagot ko.

"Bata ka pa, gusto mo nang ma tegi?" tanong nya sa akin.

"Expression ko yun" sagot koat sumubo ng pagkain ko.

"Tulad ng pagkamot mo sa ulo mo?" tanong nya.

"Mannerism ko naman yun" sagot ko. Nag text ako kay Mommy na male late kami dahil kakain muna kami.

"Wow! Ang sarap!," sigaw ni Aiola, napatingin ako sa paligid halos lahat ng customers ay nakatingin sa akin, nakaagaw ng pansin ko ang grupo ng mga kababaihan na halos kaedaran ko lang, nakatingin sila sa amin at natatawa sa ginawa ni Aiola, ayaw ko namang mapahiya sa inasta ng kasama ko kaya kinindatan ko sila, para silang kinilikilig habang nagkakalabitan para tingnan ako. Ipinag patuloy ko ang pagkain pero na se sense kong nakatingin parin sa akin ang mga dalaga kaya tumingin din ako sa kanila. Ngumuso sa akin ang isa sa kanila patungo kay Aiola, nang tumingin ako kay Aiola ay naka saksi ako ng di kapanipaniwalang pangyayari, Oh Shit! Hinila nya ang isang strand ng pancit at sinukan ito ng paningin nya.

"Ang habaaa" inosenteng wika ni Aiola, nagtawanan ang mga babae sa amin, napatingin ako sa kanila at muli ay tumingin ako kay Aiola, pambihira, halos di ko na manguya ang kinakain ko. Tinapik ko ang kamay nya dahilan para malaglag sa plato nya ang isang strand ng pancit. Tiningnan nya ako na parang inaapi ko sya.

"Seryoso ka sa ginawa mo?" di ako makapaniwala sa tanong ko. Bahagya akong tumayo, itinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa at bahagyang yumuko para mailapit ang mukha ko sa mukha ni Aiola."Ayusin mo nga ang kilos mo, para kang tanga" bulong ko sa kanya habang magka face to face kami. Nagulat ako ng idikit nya sa aking labi ang isang pirasong hipon, amoy palang ay bigla nang nangati ang katawan ko at pakiramdam ko ay ngangapal na ang labi ko. Agad akong tumayo at hinila sya palabas ng restaurant para magkausap kami sa labas, inis na inis, hindi, galit na galit ako sa ginawa ni Aiola buti na lang at naiiwas ko ang bibig ko sa hipon kaya hindi ko nakain dahil kung nakain ko baka di na ako makahinga at baka mamaga pa ang aking mukha. Pag labas ng restaurant, This is World War 3!

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon