𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 15

50 3 0
                                    

Short chapter lang dahil paglilinaw lang to ng ilang katanungan

***** XERCES

Habang nag papatila ako ng ulan sa bahay nila Aiola ay tinitingnan ko ang buong paligid ng bahay. Umupo sa harapan ko si Aiola habang si mama Bell at tatay Jayson ay nasa kusina dahil nag huhugas sila ng kinainan namin kanina.

"Wala ba kayong balak lumipat ng bahay?" tanong ko.

"Meron, pero di pa ngayon" casual na sagot ni Aiola.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Megan at sa Daddy mo?" tanong ko, na cu curious talaga ako sa buhay nya.

"Sapat na sakin yung naitulong ni tita Meg nuong bata pa ako, tsaka sya ang dahilan kung bakit mapapangasawa ko ang isang mayamang kagaya mo" matapang na pag amin ni Aiola.

"Magpapakasal ka sa kagaya ko kahit di mo ako mahal" it's not a question for me, it's clearly a statement, I snort

"Ikaw rin naman diba? Magpapakasal ka sa akin kahit di mo ako mahal" sagot ni Aiola, matalino makipag usap si Aiola, binabalik nya sa akin lahat ng tanong ko at ang resulta ako ang na ha hot seat sa killer questions ko.

"Di ka ba natatakot na baka gawin ko sayo ang ginawa ng Daddy mo kay Megan?" tanong ko ulit.

"Di ka rin ba natatakot na mangyari sayo ang nangyari sa ama ko nuong pinakasalan nya ang babaeng di nya mahal?" tanong ni Aiola. Sh!t naiipit ako sa mga tanong ko, totoo nga talaga na curiousity kills the cat. Huminga ako ng malalim.

"Natatakot ako Aiola, at ang totoo, hindi pa ako handa na magpakasal sa iyo pero wala talaga akong magawa" sagot ko, magpapakatotoo na ako. "Hindi ko maipapangako na mamahalin kita ng buo at tapat"

"Pero mapapasaya mo ako?" tanong ni Aiola. Alam kong nakikinig sina Mama Bell at tatay Jayson and I have no idea kung na o offend sila sa tuwing naririnig nila ang tungkol kay Kifer pero gusto ko talagang malinawan tungkol kay Aiola.

"Sa anong paraan?" tanong ko.

"Masaya ako na naging magkaibigan tayo kahit madalas tayong di magka sundo, pero kapag mag asawa tayo iba na ang magpapasaya sa akin" sagot ni Aiola, nagtaka ako sa ibig sabihin ni Aiola kaya napainom na lang ako ng tubig. "Siguro naman aktibo yang junjun mo, pakilusin mo lang yan sasaya na ako" di ko alam kung lulunukin ko o idudura ang tubig sa bibig ko dahil umangat ang tubig at lumabas sa ilong ko dahil sa narinig ko.

"What the Hell?" tanong ko biglang nagtawanan sina Aiola, mama Bell at tatay Jayson, napatingin ako sa kanila, talaga lang? Plano ba nila akong pagtripan?

"Aiola naman, pati ba naman si Xerces gaganyanin mo?" natatawang wika ni mama Bell, napatingin ako kay mama Bell na mukhang 'Ano pong ibig sabihin nyo mama Bell?'

"Ang boring kasi ng usapan namin mama" sagot ni Aiola.

"Wag kang mag alala Xerces, ganyan din ginawa sa akin ni Aiola nuon, mas matindi pa nga kaysa sayo" wika ni tatay Jayson.

"Gulat na gulat ka Xerces?!, si Tatay Jayson nga sabi ko kung gusto nyang maging asawa si mama ihanda nya ang oten nya dahil ready na akong magkaroon ng kapatid" bagot na wika ni Aiola.

"Nakikipag kaibigan pa lang si Jayson sa akin nuon Xerces" sagot ni mama Bell at biglang napangiti "Sa gulat nga ni Jayson ay namutla sya, parang tinakasan sya ng dugo sa katawan" Wow, I'm speechless.

"Kapag ikasal na tayo kahit hindi mo ako mahalin basta anakan mo lang ako" seryoso ang mukha ni Aiola sa akin "Parehas lang tayong may motibo sa isa't isa kaya pumayag tayong magpakasal."

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon