Note📌
Kahit medyo lantutay tong chapter na to, promise may trivia kayong mababasa heheh
***********After 6 Years
***** XERCES
Anim na taon din akong nag stay sa Barcelona para magpaturo ng pagnenegosyo ng alak sa tiyo ko, pero kahit matagal na panahon ang lumipas ay hinding hindi ko parin makakalimutan ang bakas na iniwan ko sa Pilipinas. Marami akong natutunan habang nasa Barcelona ako, pag harvest ng bark para gawing cork ng alak, pag gawa ng bote ng alak at pag produce minsmo ng alak traditionally. Nakaipon ako ng malaki dahil kahit na nag aaral ako mag negosyo ay sinasahuran parin ako ni Tio Alexander dahil nagustuhan nya ang pagiging desidido ko sa trabaho kaya sobrang nalungkot siya at ang kanyang asawa na si Tia Asunta na uuwi ulit ako dito sa Pilipinas para mag settle.
Itinaon kong umuwi sa mismong kaarawan ng pamangkin kong si Xerceii (Ser-Sey) para makita nya ako for the first time. Madalas mag send ng pictures sina kuya tungkol sa mga ganap nila habang nasa malayo ako pero pinagbawalan ko silang mag send ng videos para maiwasan ko ang pagka home sick, may goal ako na dapat maabot kaya kailangan kong isakripisyo ang kaligayahan ko at makakahadlang ang pagka sabik ko sa pamilya ko pagmagkataon.
Updated din ako kay Aiola, binabantayan ni Kuya ang bawat kilos ni Aiola mabuti na nga lang at hindi nag se selos si Gracious na sunod ng sunod si kuya sa pinsan nya. Paano ko kaya haharapin si Aiola? after what I did, umalis ng walang pasabi at hindi nagparamdam sa kanya? kakausapin parin kaya nya ako? maniniwala ba sya na kaya ako umalis ay para maayos ko ang buhay ko? para maipagmalaki nya ako? para matulungan ko ang pamilya ko?
Tumingin ako sa relo ko, ang tagal nila kuya grabe? nag commute na lang sana ako pauwi pero sabi kasi nya along the way na sila. Sino bang kasama non? nakalimutan kong itanong. Biglang may bumusina na sasakyan sa akin at bumaba sya para lapitan ako
"Sir!" masayang wika ng lalaki, di ko mamukhaan kung sino sya "Sir! ako po yung bagong driver ninyo ako po yung susundo sayo"
"Akala ko kasama si kuya?" tanong ko. Nakakapagtaka, tss! hindi ako pwedeng sumama basta basta, baka bigla akong kidnapin anak ng baka! mahirap lang ako wala kayong makukuhang ransom sakin. Naisipan kong tawagan si kuya "Anong pangalan mo?" tanong ko habang nag ri ring ang cp
"Shev po" sagot ng driver "shev-ro-ley" napangisi ako, hindi ko alam kung hahalakhak ako sa narinig ko. Seroso ba to sa pangalan nya? "shevroley nga po pangalan ko"
"Wala akong sinabing di ako naniniwala sayo" natatawa kong sagot, Mautak ang magulang nito hahah! palibhasa mali ang pronounciation ng iba sa brand ng kotseng Chevrolet kaya niliteral na pronounciation ang pinangalan sa anak nila.
"Sus!" sagot ni Shev "Lahat ng nakakarinig ng pangalan ko natatawa ayaw nila maniwala na pinangalan ako sa pronounciation ng brand ng kotse"
"Naniniwala nga ako" sagot ko "Bakit ba ayaw sumagot ng lalaking to?" tanong ko sa sarili
"Dumaan po kasi sila ni Ma'am Graecious sa Mall dahil nakalimutan bumili ni Sir ng regalo kay Xerceii" sagot ni Shev
"Hindi na nag bago yang amo mo, makakalimutin masyado" natatawa kong sagot "So" may naisip ako "May mga kapatid ka?" baka naman brand ng kotse rin ang pangalan nila? waheheh!
"Opo" sagot ni Shev "Si Bey-em-vey yung sumunod sakin" natulala ako sa sinabi ni Shev.
BMW in German way: bey-em-vey. Which of course stands for Bayerische Motoren Werke, pronounced bayerishuh motoren verke. The 'w' becomes a 'v'.
"Ang galeng" mahina kong wika
"Si folks-va-gun yung pangatlo" hala! seryoso talaga?!
Volkswagen: If Germans turn their 'w's into 'v's. Well, their 'v's also become 'f's. What the FFF, right? So the biggest German carmaker is folks-va-gun, with that last syllable a clipped enunciation of "gun" (as in pistol)
"Si Porsha yung pang apat at nag iisang babae" kwento pa ni Shev. Napataas na lang ang kilay ko. Aba matindi!
Porsche: Instead of stopping at porsh, go right for the overrun: porsha.
"At ang bunso ay si Poo-jsho" nakangiti nyang wika. Hehe! maypagka car lover tatay neto.
Peugeot: Those French intricacies the most troublesome of which is the 'g'. It's essentially a jsh sound rather than an outright j as in jet. Poo-jsho.
"Seryoso ka ba?" tanong ko, "Lakas ng tama ng tatay at nanay mo ah. Racer ba sila?"
"Hindi Sir Para daw walang ka HIT sa NBI, mahirap mag hintay nakaka ulcer" casual na sagot ni Shev, I smirk, seryoso talaga sya. Biglang sinagot ni Kuya ang tawag ko
Hello Xerces, nandiyan na ba si Shev? pinauna ko na sya dyan, nalimutan kong bumili ng regalo para kay Xerceii kaya sya na lang ang susundo sayo walang hinga hingang paliwanag ni kuya And by the way, please don't be rude kapag sinabi nya ang buong pangalan nya dahil hindi sya nag bibiro Dumiretso kayo sa bahay ko nanduon sina Dad at Mom
Nang makasigurado ako na hindi masamang tao si Shev ay sumama na ako sa kanya, dumaan muna kami sa mall para bumili ng regalo para kay Xerceii at kumain na rin kami sa isang restaurant, nahihiya pa si Shev dahil sa itsura ng damit nya, ayos naman eii pero na iirita daw sya na tumabi sa akin dahil mukha talaga syang yayo, sira ulo hahah! sa pag uusap namin ay nakilala ko sya kahit papaano, 19 years old palang sya Nagtatalyer ang tatay nya at nag titinda ng homemade products ang nanay nya, Lima silang magkakapatid na puro brand ng kotse ang pangalan, siya ang panganay at working student. Driver sa umaga at estudyante sa gabi, scholar sya ni Kuya at pati ang tatlong nakababata nyang mga kapatid. Dahil sa masayang kasama si Shev ay dinala ko nalang sya sa department store, pinapili ko sya ng mga natipuhan nyang damit, pantalon, sapatos, bag at kung anu ano pang pang porma nya para hindi na ma insecure haha! nung una ayaw pa nyang mamili dahil akala nya ikakaltas sa sahid nya pero nang sinabi kong libre ko ay nag simula syang pumili ng mga... Maliliit na damit at gamit na para sa mga kapatid nya, okay lang daw kahit wala sya basta meron ang mga kapatid nya. Mabuti syang kapatid, kagaya sya ni kuya, na touch naman ako hahah!
"Sige na sige, mag papauto na lang ako sayo, pumuli ka na lahat ng gamit na kailangan mo ililibre din kita" bagot kong utos
"Talaga Sir?" nangingintab ang mata nya sa tuwa, parang si mommy, anime yung mata kapag masaya "Seryoso yan ah! di mo ako sisingilin"
"Hindi nga" sagot ko "Bilisan mong mamili at bibili rin tayo ng grocery mo para may maipasalubong ka sa mga kapatid mo"
"Yes! ang bait mo Sir! sabi ni Sir Xenon mag ingat daw ako sayo kasi g*go ka" masaya nyang kwento. abat!
"Sinabi nya yon?" gulat kong tanong
"Opo sir" sagot nya
"Naniwala ka?" tanong ko. Umiling iling sya "Akala ko naniwala ka babawiin ko yang pinamili mo" biro ko.
****
So ikli ng Chapter? sinadya ko yun para ma stress kayo joke!Oo nga pala
Half Canadian-Half Filipino ang Daddy ni Xerces na si Alexis King pero bakit nasa Barcelona Spain ang kapatid ni Alexis? simple lang! Half Brother ni Alexis King si Alexander King, iisa ang Daddy nila pero ang Mommy ay hindi. Filipina ang Mommy ni Alexis at Spaniard ang Mommy ni Alexander! that's why!! heheh! now you know! nakalusot ako!
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...