😱😤🤬😡‼️‼️
😭😢🥺😰😥😓😐😑🙄
Nakakainisssssss!
Nag delete ako ng dalawang chapter na blanko tapos yung nawala yung chapter 63!! uulit nanaman akooooo
iyak-tawa! naghahalo na uhog at luha ko kakainis talaga!
***********Sorry di ko pa ma edit to ah! na stress ako, nalimutan ko ang mga isinulat ko sa nabura kong chapter kaya nag brain storming nanaman ako
Gracias!***** AIOLA
Nasa porch ako at nakasandal sa haligi habang umiinom ng red wine at nanunuod kung paano mag harutan ang mga pinsan ko sa pool, nag lalaro sila ng habulan sa pool parang mga bata hahah kasama nila ang mga date nila charot! napalingon naman ako sa may cottage sa garden, duon naman nakatambay ang mga adults habang nag ku kwentuhan, nagtatawanan at umiinom ng new released brandy ng King Barcelona, Ang mga Lolo at Lola naman ay nasa living room kasama ang kauna unahan nilang great-great-grandchild na naglalaro ng mga gifts na natanggap nya kanina. Nabigla ako nang may mag salita sa likuran ko kaya napatingin ako
"Hinay hinay sa inom, baka malasing ka" wika ni Xerces. Dumiretso sya sa banister at sinampa ang mga braso habang bahagyang yumuko at tumanaw sa mga kasama namin sa pool. Napangiti sya nang makitang hinagis nila Adonis at Orphen si Eugene sa Pool kaya tumingala sya at inisang lagok ang laman ng hawak nyang baso
"Ikaw ang hinay hinay sa pag inom dahil baka malasing ka" sagot ko
"Sanay na ko sa alak" matipid na sagot ni Xerces. Sanay? palagi ba syang naimon sa Barcelona? "Tsaka isang bote palang ang nainom ko kaya wala pang tama sa akin to"
"Red wine lang naman tong iniinom ko kaya hindi ako tatamaan" sagot ko
"Kung moderate ang inom pwedeng di ka tamaan pero naka dalawang bote ka na diba?" tanong nya, napataas ang kilay ko, paano nya nalaman? nginuso nya ang dalawang bote ng wine na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ko. "Kanina pa kita tinitingnan"
"It's rude to stare" pag susungit ko
"Mas rude yung di namamansin" sagot nya
"I think lasing ka na, hindi mo ba alam na yang iniinom mo ang pinaka matapang na alak ng King Barcelona?" tanong ko
"Alam ko, recipe ko kaya to" nakangiti nyang sagot. Pumunta si Xerces sa Barcelona para matuto mag negosyo ng distileriya pero di ko inakalang matututo rin syang gumawa ng alak. "Sabi ko nga sayo kanina, sanay na ako" tiningnan nya ako "Lasing ka na, di mo na naririnig ng maayos ang sinabi ko"
"Excuse me?" tanong ko "Hindi pa ako lasing, Alam ko pa ang ginagawa ko" Hindi ako nasagot ni Xerces nang lapitan kami ni Kuya Jenas, basang basa ang buong katawan nya
"Xerces tara! kulang kami ng isang tao" aya ni kuya habang winiwisik wisikan nya ng tubig mula sa basang kamay si Xerces
"Okay, okay susunod na ako" nakangiting sagot ni Xerces kaya tinantanan sya ni kuya at bumalik sa pool. Nabigla ako sa sumunod na aksiyon ni Xerces dahil halos hindi ako makahinga sa ginawa nya, akala ko ay yayakapin nya ako basta basta pero lumagpas ang braso nya sa katawan ko at inilapag ang hawak na baso sa mesa na katabi ko. It gives me chill and I felt a little dissapointment dahil mali ang inakala ko. Nakahinga ako nang malalim nang hindi ko na naramdaman ang pagtama ng mainit nyang braso sa likod ko.
Agad niyang hinubad ang suot nyang tshirt, I inhale habang nakapikit ako at ninanamnam ang bango ng gamit nyang cologne I was typically in ecstasy upon smelling his mint and spicy scent at nagising nalang ako sa katotohanan nang isinuot ni Xerces ang neck hole ng tshirt nya sa ulo ko at nang mag pop out ang ulo ko ay hinarap nya ako "Sayo muna yang damit ko" what the hell? ano ako hanger? napanganga lang ako nang tumalikod sya sa akin pero mabilis ulit nya akong hinarap "And Aiola, I don't like seeing you wearing clothes that will reveal your cleavage, suotin mo nalang ang damit ko to hide that" nginuso nya ang dibdib ko, sinundan ko ng tingin ang nginuso nya at muli ay tinalikuran nya ako na nakatulala sa bigla. Pero habang papalayo sya sa akin ay may napansin ako sa likod nya
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...