𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 6

66 1 0
                                    


***** AIOLA

    Pinag usapan namin lahat lahat lahat lahat ng set up lahat lahat lahat at naboring talaga ako, kung hindi lang dahil sa pangarap ko di ko papatusin to. Gusto kong may mukha akong maiharap sa yayamanin kong pamilya, halos lahat ng mga pinsan ko may maipag mamalaki sa buhay, ako, boobs lang ang malaki chos! Bukod duon, ayaw kong umasenso dahil sa perang tulong ni Tita Megan at Sir Kifer, haay, nahihiya akong banggitin ang salitang Itay, tatay, Ama, Papa, Dad, Daddy kay Sir Kifer. Ni hindi ako nakapag tapos ng High School sa probinsya ni Mama Bell dahil Nung mga panahon na iyon kasi, kasagsagan ng hinanakit ko kay Sir Kifer kahit na hirap na hirap na kami ay pinanatili ko na nakataas ang pride ko. Ni pisong limos mula sa pamilya nya ay di ko tinanggap, gustohin man ni mama dahil hindi na nya ako kayang sustentohan, pati ang tulong na inaabot ni tita Meg sa amin ay ayaw kong tanggapin sa pag aakalang ginagamit nya lang kami para mahalin sya ni Sir Kifer, pero di nag laon ay gumaan ang loob ko sa kanya, lalo na ng malaman kong pinirmahan na ni tita Meg ang annulment paper, duon ko napatunayan na hindi nya kami ginagamit, gusto nyang bumawi sa amin, sa mga panahong kami ang nawalan dahil sya ang pinili ng Lolo ni Sir Kifer para mapangasawa ng Ama ko. Pero tumanggi ako sa easy money, ayaw kong magkaroon ng palabra de honor sa kahit sino sa kanila. Pero talagang dadating din ang panahon na lulunukin mo ang pride mo, Lalo na sa panahong naaksidente si Mama at nalumpo. Patuloy ang pagtulong ni Tita Megan sa mga pangangailangan ni Mama para gumaling, mabuti na lang rin at dumating sa buhay namin si Tatay Jayson, sya ang tumayo kong ama, napakabait nya sa akin at kay mama, at alam ko rin na may gusto sya sa mama ko pero nahihiya lang syang umamin tsaka napaka maginoo nya, hindi nya pinipilit si mama na gustuhin sya kahit na panay ang tulong ni tatay sa amin, hanggang sa tinanong ko si mama kung may gusto sya kay tatay, Meron daw pero nagkakahiyaan pa sila,

    Napangiti ako bigla sa namumuong love story nina mama at tatay Jayson, "Parang teens" bulong ko sa sarili ko. Nasa labas na ako ng conference room at naka sandal sa sementadong pader habang hinihintay ko si Xerces na lumabas. Napagusapan sa loob ang napipintong pagli live-in namin, poker face ako. Yun ba ang appropriate word sa status namin? Pwede namang housemate? Di naman kami nagmamahalan ni Xerces, Ngayon lang naman kami nag kakilala pero infairness ang bilis namin maging close kahit na medyo away bati kaming dalawa.

    Nauna nang umalis si Tita Megan at ang kanyang assistant, mabait sa akin si Tita Megan, ayon na rin sa kwento ni Mama, Nang ikakasal na daw si Tita Megan at Sir Kifer ay handa na syang magparaya, kahit hindi alam ni tita Megan na ipinagbubuntis ako ni mama ay kinausap nya ito na hindi sya sisipot sa kasal para maging maligaya sila mama at Sir Kifer pero tumanggi si mama, alam nyang din ya kakayanin ang pressure ng lifestyle nila Sir Kifer, isa pa ayaw ni mama na maghirap si Sir Kifer, mabait at against sa fix marriage ang ama at ina ni Sir Kifer na sila Kiel At Sun Salcedo, ang problema talaga ay ang lolo nitong si Agustus Corales na grabe mang mata ng tao. Di talaga kumpleto ang pamilya kung walang salbahe hahah. Pero yun nga, hindi bibigyan ng mana si Lola Sun ibig sabihin mawawalan ng mana lahat ng pamilya ni Lola Sun kung di ipapakasal si Sir Kifer kay Tita Meg, no choice sila.

    Habang nag de day dream ako ay nilalaro ko ang dulo ng sapatos ko sa tiles ng sahig, maya maya ay biglang ngumanga ang sapatos ko.

"Hala," mahinang sigaw ko. "Patay, nasira" kitang kita na ang buong talampakan ko dahil sa pagkakahiwalay ng swelas ng sapatos ko.

***** XERCES

    Naka upo parin ako sa swivel chair habang ina absorb ng utak ko lahat lahat ng usapan kanina. Binigyan kami ni Megan ng isang condo unit gusto nilang tumira kami duon sa loob ng six months para magpalagayan ng loob and after that, ikakasal kami. Ayun, ganon kadali ang gusto nilang set up, parang mga atat magka apo, di ko alam kung anong klaseng majika o himala ang gagawin ko para makaramdam ng katiting na pagmamahal kay Aiola sa loob ng six months kung hanggang ngayon ay mahal ko parin si Franchesca.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon