***** AIOLANasa Van Heilden Mall kami nina Lucas at Miranee para mag shopping, ipinamili kasi ni Lucas si Miranee ng mga damit na gagamitin sa 2 weeks vacation nila sa Argentina. Pure Argentine kasi ang Daddy ni Lucas at half Filipino-Half British naman ang Mommy nya at ngayon ay nakatira ang mga magulang nya sa Argentina, seryoso na talaga si Lucas kay Miranee dahil balak nyang ipakilala si Miranee sa mga magulang nya kaya masaya ako para sa kanilang dalawa. Pagkatapos naming mag shopping ng mga damit ay pumunta naman kami sa Seigel Super Market kung saan una kong nakilala si Orphen, kaibigan ni Xerces hinanap ko sya pero wala naman kaya hinayaan ko nalang
"Bilhin mo na lahat ng needs mo Aya, wala kami ng 2 weeks kaya dalawang linggo kang walang driver" malambing na wika ni Miranee. Alam na nilang Aiola ang tunay kong pangalan pero nasanay silang Aya nalang ang itawag sakin.
"Grabe kayo sakin" sagot ni Lucas at nagtawanan kami. Kumuha ako ng mga i stock ko ng pagkain samantalang sina Lucas at Miranee ay nasa beverages section.
Habang namimili ako ng mga canned goods ay may tumawag sakin
"Aiola?" napatingin ako sa tumawag sakin at nagulat ako dahil si Xerces iyon kasama si Orphen, agad kong tinulak ang trolley para iwasan si Xerces pero hinabol nya ako kasama si Orphen. "Aiola wait!" napahinto kami nang biglang bumulaga sa harap ko si Lucas.
"San ka ba galing Aya? Kanina pa kita hinahana-" hindi natapos ni Lucas ang sasabihin dahil umangat sya ng mukha at si Xerces ang una nyang nakita, His body stiffened at lumakad palapit sa akin, pumuwesto sya sa harapan ko kung saan makakapag tago ako sa likod nya. Nag iba rin ang aura ni Xerces nang makita si Lucas, nangangamoy away? "Aya, go find Miranee at mag hintay nalang kayo sa Glamourosa Café" utos ni Lucas
"Pero yung mga pinamili-" wika ko pero di natapos
"Ako nang bahala dito I can handle it, Just listen to me, pumunta na kayo ni Miranee sa sinabi kong lugar" sagot ni Lucas. Sumunod ako at iniwan sila, Sana hindi mauwi sa away sa pagitan nina Xerces at Lucas.
***** XERCES
Nang makita kong kasama nanaman ni Aiola ang lalaking to ay nag init ang dugo ko
"Dude, nasa establishment kita" bulong ni Orphen "Kalma lang, ayaw ko ng gulo"
Nang umalis si Aiola at sumunod sa inutos ni mokong ay aready na akong makipag basagan ng mukha pero kalmadong pumunta sa harap ko ang lalaki para kumuha ng de lata
"Cool ka lang Pre" mahinahon nyang wika "Wala kang dapat ika selos walang namamagitan sa amin ni Aiola" wika nya "Tulad ng kaibigan mo ayaw ko rin ng gulo" tumingin sya kay Orphen at binalik sa mga de lata ang tingin "I'm just trying to help your girl. Sa katunayan super close sila ng Girlfriend ko kaya wala kang dapat ipag alala pa, I'm sure magkasama na sila ngayong dalawa at nagkakape sa Glamourosa" kwento nya. Bumunot sya ng pitaka at humugot ng calling Card "I'm Lucas Fietroe" pagpapakilala nya "If you want to talk about Aya call me and I will tell you everything I know, even her address" wika nya habang nilalahad sa akin ang calling card. Kinuha ko iyon "Bigyan mo lang sya ng panahon na makapag isip isip, yun lang ang kailangan nya" pagkatapos ng mga talatang iyon ay tinulak nya ang trolley nya at kay Aiola "Oo nga pala, yung tumawag ka at may sumagot na parang nag se sex? ako yun at girlfriend ko, pinagtripan ka lang namin"
***Nang makarating ako sa unit ay naisipan kong pumasok sa kwarto ni Aiola, simula nang umalis sya ay hindi na ako nag atubili pang tingnan ang loob ng kwarto nya. Nakita ko ang punit punit na drawings sa loob ng trash bin, dinampot ko ito at pinagtagpi tagpi, nakakita ako ng scotch tape at idinikit ko ang mga punit punit na papel at nang makita ko ang kinalabasan ay napaka gandang sketch ng mga damit ang nilalaman, may nakasulat pa
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...