AIOLAHabang tumatagal ang pagsasama namin ni Xerces sa iisang bubong ay nagiging magkasundo kami sa lahat ng bagay. Unti unti naming na ge gets ang ang ugali ng isa't isa at pakiramdam ko... nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero bakit malungkot ako? ilang buwan nalang ay maikakasal naman ako sa kanya dapat maging masaya ako kung tuluyang mapamahal sya sakin pero sa kabilang banda hindi ko parin magawang ma excite at matuwa dahil ba hindi nya ako mahal o may mahal parin sya at umaasang magiging sila ulit? Ano bang nagustuhan ko kay Xerces? palagi lang naman nya akong inaasar at pinagtitripan. Siguro ang nagustuhan ko sa kanya, kahit ayaw nya nuon sa akin ay nagawa nyang makipag palagayang loob
"Ui!" biglang may bumato sa mukha ko, pagtingin ko sa binato sa akin ay isang pirasong popcorn. Tumingin ako ng masama kay Xerces
"Bakit mo ko binato?" tanong ko at ipinatong ang mga paa ko sa inuupuan kong sofa at kumain ng popcorn na nasa tabi ko
"Lalim ng iniisip mo" sagot ni Xerces at hinagis ang isang popcorn at sinalo nya ng kanyang bibig
"Wow, nag effort ka pang lumingon sa akin ah" wika ko. totoo naman nasa tabi lang ng inuupuang swivel chair nya ang t.v samantalang ako ay nasa tapat, may kalayuan sa t.v
"Kinakausap kasi kita kaso di ka sumasagot kaya nilingon kita" sagot ni Xerces, pinagulong nya ang swivel chair palapit sa akin, inilapag ang popcorn sa mesa at umupo sa tabi ko. "Bored ka na ba sa pinapanuod natin?" tanong nya. Hindi pa ako nakakasagot nang sumabat ulit si Xerces "Mall tayo, I'm bored eh"
"Jan ka magaling! tsaka mo lang ako aayain mag mall kapag boring ka pero pag ako ang boring wala kang pake" reklamo ko
"May pang libre ka ba sakin kapag bored ka?" tanong nya
"Wala" sagot ko
"Wala naman pala eh" sagot ni Xerces "Tara na" tumayo sya at hinila ako patayo, nabigla ako sa hila nya kaya nabunggo ang mukha ko sa dibdib nya.
"Ang tigas" bulong ko
"Ng?" tanong nya na tila may naisip nanamang kababuyan sa sinabi ko
"Dibdib mo" sagot ko. ngumisi sya
"Ah, akala ko yung sinturon ko" natatawang sagot ni Xerces, inihipan ko sya sa mukha kaya napa pikit pikit sya
"Hintayin mo ako mag bibihis lang muna ako" sagot ko.
***** XERCES
Inaya kong mag mall si Aiola dahil wala lang trip ko lang hahah, hindi ba pwedeng kahit minsan naman maging galante ako sa kanya? kahit na limpak limpak na pera ang allowance na binibigay ni Megan ay iniipon nya lang dahil balak magpayaman, gagawin daw nyang panimula sa business na itatayo nya. Good for her may naiisip sya para sa future nya di tulad ko hayahay lang kaya kung pinanganak akong mahirap? talagang di ako aasenso dahil sa kapabayaan ko pero unti unti ko na rin namang binabago ang sarili ko, kailangan ko nang maging mature, ikakasal na kaya ako hahah, sa taong hindi ko mahal.
"Mamaya na pala tayo mag mall" wika ko habang nagda drive ng motor
"Ha?" lalong dinikit ni Aiola ang katawan nya sa likod ko para marinig ang sinasabi ko
"Mamaya na tayo mag mall" ulit ko
"Saan tayo pupunta?" tanong nya
"Shhh!" sagot ko. Dami tanong hahah. Nang nasa stop light kami ay may nakita akong couple na naka sakay din sa motor. Wow sweet inggit ako kaya hinawakan ko ang mga kamay ni Aiola ay pinayakap ko sya ng mahigpit sa baywang ko. Iaalis sana ni Aiola ang pagkakayakap nya pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...