𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 41

34 4 0
                                    


***** AIOLA

Tila nag enjoy si Xerces sa bakasyon namin dito sa tagaytay kaya na extend pa kami ng another 3 days sa pag gagala, lalo kaming naging close at gabi gabi ang date namin sa mga restaurant. Ganito ba mag mahal si Xerces? I mean, hindi nya ako mahal pero ganito ba sya sa mga babaeng dine date nya? sweet? caring? loving? sa ginagawa nya ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya pero okay lang, nangako naman syang mamahalin nya rin ako eh, yun ang panghahawakan ko.

"Ma mi miss ko yung pag gagala natin dito" wika ko habang nag eempake ng mga gamit namin sa malaking back pack

"Hayaan mo next time mag a out of town ulit tayo pero sisiguraduhin kong biglaan din para matuloy kasi kapag planado yung lakad 80% na hindi matutuloy yun" sagot ni Xerces habang nag bibihis dahil kakapaligo lang nya. After naming mag do nung nakaraang araw ay hindi na kami nahihiya sa isa't isa na maghubad at magpalit ng damit.

"Grabe ka talaga Xerces" wika ko hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang sumabat sya

"Babe" sabat nya

"Babe?" tanong ko

"Babe, diba Babe?" tila may gusto syang ipaalala

"Ahh! Oo nga pala" napangiti ako "Babe! endearment natin"

"Don't forget that Babe" wika ni Xerces at lumapit sa akin "Ang dami pala nating pinamili no?"

"Oo, dumating tayo dito na damit lang ang bitbit pero uuwi tayo na parehong may sukbit na malaking bag" sagot ko. Kumamot ng ulo si Xerces

"Kaya mo bang buhatin ang isang yan?" tanong nya sa bag na pinabili ko

"Oo naman, naka motor naman tayo" sagot ko

"Sure ka ah, okay na ba ang balakang mo? wala nang masakit sa katawan mo?" tanong nya

"Matagal na yung may mangyari satin naka recover na ang katawan ko" nakangiti kong sagot. Napaka maaalalahanin nya sa akin ngayon, pinaparamdam nyang fragile ako purke ba sya ang naka virgin sakin?

"Ganito ka ba sa mga navi virginan mo?" tanong ko. Tumingin sya sa akin

"Ganito ako sa espesyal na tao" sagot nya "Maniniwala ka bang ikaw lang ang virgin na natouch ko?"

"Hindi" sagot ko, nakikita ko sa mata nyang hindi sya nag sisinungaling sadyang trip ko lang syang asarin

"Judgemental ka" sagot ni Xerces at niyakap ako "Kiss mo ko"

"Ayaw ko" pakipot ko, pinilit nyang halik halikan ako sa leeg kaya nag dulot ito ng kiliti sa katawan ko "Nakikiliti ako..." para akong nanghihina sa pangingiliti nya "Babe..."

***********

Magka holding hands kami ni Xerces na pumasok ng elevator hanggang sa marating namin ang floor na kinaroroonan ng unit namin. Masaya kaming naglalakad na magkahawak kamay nang biglang napahinto si Xerces, tiningnan ko sya

"Bakit ka napahinto?"tanong ko at tumingin sa lugar kung saan sya nakatitig. Medyo natigilan din ako sa nakita ko, isang babae ang naka upo sa harap ng pinto namin habang nakayuko na tila nakatulugan ang posisyon ng pagkakaupo nya sa sahig.

"Franchesca?" tanong ni Xerces, biglang kumirot ang puso ko sa pangalang narinig ko pero nanatili akong tahimik. Nag angat ng ulo ang babae at nang makita si Xerces ay masaya itong tumayo at naiiyak na tumakbo palapit kay Xerces.

"Xerces!" agad niyakap ni Franchesca si Xerces. Kumalas sa pagkakayakap ang babae at tumitig kay Xerces, agad syang hinawakan ni Xerces sa pisngi

"What happened to your cheeks? who did this?" halata ko ang pag aalala ni Xerces para kay Franchesca

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon