𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 28

54 1 0
                                    


***** XERCES

After namin kumain at mag ayos ng gamit sa kwarto namin ni Aiola ay dumiretso kami sa beach

"Ang itim itim ko na nga ibababad mo pa ako sa araw" reklamo ni Aiola.

"Di ka naman maitim, masyado mong dina down ang sarili mo" sagot ko, "Nandito tayo para mag enjoy!" Hinila ko sya sa tubig

"Wag mo kong dadalhin sa malalim" wika ni Aiola.

"Bakit di ka marunong lumangoy?" tanong ko

"Marunong ako konti pero madalas kasi akong pinupulikat" sagot ni Aiola

"Hayaan mo papakainin kita ng saging" sagot ko

"Mo?" bigla kaming natigilan, si Mavz, si Mavz na nakakainis ang trip hahah! "Saging mo?"

"Saging tan-g-a to" sagot ko kay Mavz habang binabasa ko sya ng tubig. "Bakit ka nan dito?"

"Maliligo natural" sagot ni Mavz

"Naliligo ka pala?" tanong ko para asarin si Mavz

"Oo hayop ka!" sigaw ni Mavz "Punta muna ako kina Shone" tinuro nya sina Shone sa bandang gitna ng dagat habang nasa salbabida sila, kasama si Shine. Pumunta kami sa hanggang baywang lang dahil takot si Aiola, pero unti unti syang nag enjoy nang turuan ko sya na kada hampas ng alon sa amin ay iaangat lang namin ang katawan namin.

"Woohh!" sigawan ng mga tao sa huge wave, pagka hampas sa amin ay na out balance ako at nahila ko si Aiola dahilan para matumba kami sa dagat, pag ahon namin ay parehas kaming napapa ubo ubo

"Bakit mo ako hinila? Ang sakit ng ilong ko" wika ni Aiola, hinawakan nya ang ilong nya "Napasukan ng tubig"

"Sorry di ko na balance ang sarili ko" sagot ko habang nag hihilamos ng tubig sa mukha "Ahon muna tayo, ang hapdi rin ng ilong ko" hinawakan ko si Aiola sa kamay at naglakad kami papunta sa dalampasigan, nang kaya na nyang mag lakad mag isa ay bumitaw sya sa kamay ko at nahuli sa pag lalakad, maya maya ay may bumato ng buhangin sa likod ko "Aray!" reklamo ko at lumingon sa likod ko nakita ko si Aiola na nag papatay malisya kaya inisip ko na sya ang bumato sa akin, kumuha ako ng buhangin at bago ko pa maibato kay Aiola ay hinagisan nya ulit ako sa tiyan naman, nang babatuhin ko sya ay tumakbo sya palayo sa akin, binato ko sya pero di sya tinamaan

"Ahh! Duling!" pang aasar sakin ni Aiola habang natakbo kaya hinabol ko sya at nang mahuli ko sya ay niyakap ko si Aiola, binuhat at pinaikot ikot, tawa kami ng tawa hanggang sa mahilo ako kaya binitawan ko sya at sabay kaming napaupo sa buhangin.

"Aray!" sigaw ni Aiola, tumingin ako sa hita nya dahil kinakamot nya iyon "Ang sakit" nakita kong nadaganan ng hita nya ang isang dikya o jelly fish

"Wait, don't rub your thigh, the jelly fish stung you" awat ko sa kanya, "Come here, Let's go to cottage, I'll carry you" tumayo si Aiola pero hindi na sya nag pabuhat sakin, nagpa alalay lang sya habang nag lalakad kami.

Nakita namin sina Serene, Adonis, Alyza at Raph sa cottage

"May vinegar ba?" tanong ko kay Adonis, inabot sakin ni Adonis ang suka sa akin, binuhusan ko ng suka ang hita ni Aiola

"Grabe Xerces nag sasayang ng suka" sita ni Adonis

"Gusto mo bang may lasa yung hita ni Aiola?" biro ni Eugene, natawa ako

"Mga Sira talaga to, may tweezer ba kayo?" tanong ko "Nadikitan ng dikya yung hita ni Aiola"

"Here" binigay ni Alyza ang tweezer saakin "Ginagamit ko yan pang plock sa kili kili ko ah"

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon