Day 3
***** NARRATOR
Kinabukasan ay nag luto si Bell ng champorado para pang almusal, kumakain si Xerces sa salas ng champorado na binudburan nya ng evaporated milk kaya naubos na ang laman at tanging condensed milk na lang ang natira sa harapan nya, Lumabas ng kwarto si Aiola at nag unat unat sabay amoy sa pagkain
"Hmm,, ang bango ah" wika ni Aiola "Amoy pa lang masarap na"
"Talagang pag mabango masarap kainin" sabat ni Xerces. Inirapan sya ni Aiola at pumunta sa banyo para mag hilamos. Pagkatapos nya mag hugas ng mukha ay dumiretso sya sa kusina at nag bukas ng mga kaldero.
"Walang Champu?" tanong ni Aiola, hindi naituloy ni Xerces ang pag subo sa pagkain dahil naalala nya ang nangyari kagabi na pinang shampoo nya ang Feminine wash, tumingin sya ng masama kay Aiola. "Champorado! di pa nga ako tapos mag salita nagta tiger look ka na agad jan" sagot ni Aiola.
"Nasa mesa Aiola" sagot ni Belle habang naghihimay ng gulay na uulamin nila sa tanghali. Pumunta si Aiola sa mesa at kumuha ng aalmusalin nya. Umupo sya sa tapat ni Xerces sa salas
"Wala nang gatas ma?" malambing na tanong ni Aiola
"Nanjan sa mesa ni Xerces" sagot ni Bell, nasa terasa silang dalawa ni Jayson kaya hindi nila nakikita ang ginagawa ng dalawa. Kinuha ni Aiola ang lata ng evap pero wala na itong laman, tumingin sya ng masama sa plato ni Xerces dahil napansin nyang lumalangoy sa malabnaw na gatas ang champorado nya.
"Inubos mo?" tanong ni Aiola kay Xerces na tila naiinis. Dahan dahang itinulak ni Xerces ang condensed milk palapit kay Aiola habang nakikipagtitigan ng malagkit sa dalaga
"Gusto mo ng gatas ko?" pabulong na tanong ni Xerces.***** AIOLA
"Gusto mo ng gatas ko?" pabulong na tanong ni Xerces. Feeling ko nagtaasan ang balahibo ko at may umakyat na kuryente sa utak ko. Ang bastos talaga ng hayup na to. Gusto nya ng asaran ah, deal!
"Ayaw ko ng gatas mo kadiri" sagot ko
"Ayaw mo?" tanong nya at ngumisi "Tsk! imposible, baka kapag matikman mo to hanap hanapin mo" Biglang lumamig ang pakiramdam ko "Manamisnamis pa naman to" di ko na kinaya ang kabastusan nya kaya sinampal ko sya bigla
"Gusto mo paliguan kita ng champorado?!" galit pero pabulong kong wika sa kanya. Tumingin sya sa direksyon kung nasaan sina Mama
"Mama Bell nananampal sa mukha si Aiola!" bigla nyang sumbong, napanganga ako sa ginawa nya ay! parang bata to! de depensahan ko sana ang sarili ko nang biglang naghabol ng salita si Xerces. "Inaalok ko lang naman sya ng gatas ko ibinigay ko na nga yung condensed milk ko, tumanggi na nga sya sinampal pa ako sa mukha" napatingin ako sa latang nasa harapan ko ay shet! akala ko binabastos nya ako condensed milk pala ang ibig nyang sabihin! bobita!
"Aiola ano nanaman yang ginawa mo kay Xerces" puna ni mama "Ano bang ginagawa nyong dalawa jan"
"Bleehh!" pang didila sa akin ni Xerces, How immature
"Misunderstanding lang ma" sagot ko.
"Lakas kasi maka assume" natatawang bulong ni Xerces "Akala mo siguro yung ano ang sinasabi ko" pang aasar pa nya.
"Tumigil ka na jan hahambalusin na talaga kita ng kutsara" pabulong na banta ko
"Mama oh! si Aiola tinatakot ako!" sumbong nanaman ni Xerces, narinig kong natatawa si tatay Jayson. Kakainis talaga tong lalaki na to!
***** NARRATORPagkatapos mag almusal ay naisipan ni Aiola na linisan ang sarili nyang paa, nakiki nuod si Xerces sa ginagawa nya kaya nakigaya nalang rin sya. Habang kuskos ng kuskos sa kuko ng paa si Xerces ay may palipad lipad na lamok sa harapan nya kaya panay ang bugaw nya rito, may time pa nga na gusto nyang patayin.
"Ang lamok dito" reklamo ni Xerces. Naiinis na talaga si Xerces sa pangbubulahaw ng lamok kaya nang dumapo ito sa damit nya ay sinaksak nya ito ng pusher "Affvvvvvvccccccckkkkk!" pamimilipit sa sakit na sigaw ni Xerces. Nasaksak nya ng pusher ang bandang dibdib nya, buti na lang at hindi masyadong malakas kaya di bumaon sa katawan nya. Nakadama ng takot si Aiola dahil sa nakita nya na sinaksak ni Xerces ang sarili nyakaya nang hubadin ng binta ang damit nya at tanging pamumula lang ng balat ang naging. resulta ay gumaan ang loob ni Aiola at natawa.
"Shonga Shonga kasi! ang shonga ng lamok! ano nasaksak mo ba?" tanong ni Aiola, hinipo hipo ni Xerces ang dibdib nya
"Oo ang sakit nga eh" sagot ni Xerces
"Yung lamok ang ibig kong sabihin, concern lang talaga ako sa lamok eh" pang aasar ni Aiola habang nakatingin sa dibdib ni Xerces. "Gwapo ka sana eh, shonga shonga lang"
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...