𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 29

42 3 0
                                    


***** XERCES

Naging maganda naman ang naging party, walang nag drama, walang nag O.A at walang panira ng moment pero maaga kaming nagpahinga ni Aiola dahil maaga rin kaming bi byahe bukas para di kami maipit sa traffic.

Kinabukasan...

Hindi maganda ang pakiramdam ko habang nag da drive ako pero pinilit ko na lang dahil mas mahirap mag drive kung tutok ang sikat ng araw at traffic, masakit ang ulo ko dahil nag take two pa ako ng inom kagabi nang makatulog si Aiola at feeling ko lalagnatin ako dahil nagbabad ako sa dagat pagkatapos kong uminom.

Malapit na kami sa condo pero kailangan ko munang magpahinga kahit sandali lang kaya inihinto ko ang kotse sa kalsada na hindi masyadong dinadaanan ng mga tao at sasakyan

"Bakit tayo huminto?" tanong ni Aiola

"I'm tired" sagot ko at tinanggal ang seat belt ko "I need some fresh air" binuksan ko ang pinto at lumabas sa kotse "Do you want to come?" tanong ko

"Saan?" tanong ni Aiola habang ina unbuckle ang seat belt nya, binuksan nya ang pinto at lumabas. Suminghot si Aiola ng sariwang hangin "Ahhh, fresh air!" sigaw nya, nag echo ang boses nya sa paligid "Upo tayo dun" tinuro ni Aiola ang batong upuan sa di kalayuan sa amin. Habang naglalakad kami ay napansin namin ang kulay kahel o orange na bulaklak sa lapag, nakakalat ito sa sementadong kalsada at sa bermuda grass

"Ang ganda no? Parang Carpet" wika ko habang naka yuko dahil hinahawi ng sapatos ko ang mga bulaklak para di ko maapakan. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatugtog ang favorite kong kanta ni Neyo na I Never Knew I Needed.

"Bagong ring tone?" tanong ni Aiola

"Oi di ah!" tanggi ko "Pinatugtog ko to, naka Spotify ako rich kid ako eh" biro ko

Natawa si Aiola

Biglang humangin ng malakas dahilan para maglaglagan ang mga bulaklak na kulay orange mula sa puno, sabay kaming napatingala

Habang napauulanan kami ng mga bulaklak ay nakatingala kami tumingin ako kay Aiola nakangiti sya habang nakapikit, ninanamnam nya ang gaan ng pakiramdam na tila pinapaulanan kami ng blessing mula sa kalikasan

Unti unti nyang itinaas ng bahagya ang mga kamay nya at nagpaikot ikot ng mahina na tila prinsesang ubod nang saya, still naka ikit sya at naka ngiti

Pasimple ko syang tinatawanan sa ginagawa nya, yung tipong di nya maririnig ang hagikhik ko para di sya mahiya pero nang muntik na syang ma out balance ay bigla ko syang hinawakan sa likod at kamay

Napadilat sya at nagkatama ang mga mata namin

Parang biglang nag slow motion ang paligid ko nang matitigan ko ang mga mata ni Aiola

Those light purple and hazel iris, para akong hinihila sa kailaliman, seryoso at taimtim kong tinititigan ang mga mata nya

"Gusto mo ba akong kumurap o hindi?" Tanong ni Aiola, parang may gumasgas na plaka sa pandinig ko

"Kainis naman to oh, panira ng momentum" reklamo ko at binitawan sya

Napakamot ako ng ulo ko.

"Parang mainit ka" wika ni Aiola at dinikit ang likod ng palad nya sa noo ko "May lagnat ka Xerces!"

"Kaya pala parang masama ang pakiramdam ko" wika ko

"Ang mabuti pa umuwi na tayo para makapag pahinga ka na" wika ni Aiola, bumiyahe na ulit kami

Pinatapos ko lang ang kanta bago ko i off ang cp ko, medyo naiirita ako sa ingay. Pag uwi namin ay pinahiga ako ni Aiola sa sofa

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon