𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 35

36 5 0
                                    


**** AIOLA

Inaayos ko na ang mga plato sa mesa nang biglang may nag doorbell, tumingin ako sa orasan at 9 a.m nanakalimutan kong gisingin si Xerces kaya tumakbo ako sa kanya

"Xerces nandito na yata si Cerrah" bulong ko. dinilat nya ang isa nyang mata at tumingin sa akin. Shuta, bigla yatang lalo syang gumuwapo sa paningin ko dagdagan pa ng konting spotlight galing sa sinag ng araw para syang greek God na puyat! Shuta ka gurl wag kang mag isip ng kahalayan bakla ka. Natauhan ako nang itinapal ni Xerces ang kamay nya sa mukha ko

"Relax ka lang sinabi ko nang mabait si Cerrah" wika ni Xerces at umupo. Natigilan ako. Anu yon? shuta talaga beks! pati boses nya parang naging tunog anghel sa pandinig ko ohmegas! Tumayo sya at naglakad para buksan ang pinto, Naamoy ko ang mabango nyang cologne weh di nga? bakit ganon? bakit biglang naging positive lahat sa akin si Xerces? what happened to my brain? Shuta ka brain! shuta ka brain cells. Na love at first sight nga ba akong agad agad kay Xerces? bulong ko sa sarili ko Shuta ka heart wag kang dumagdag na i stress ako sa organs ko.

***** XERCES

When I opened the door agad akong niyakap ni Cerrah

"Kuya! long time no see!" bati sa akin ni Cerrah

"Long time no see, tumangkad ka ah" puri ko habang niyakap din sya.

"Di naman masyado" nakangiti nyang sagot at napalingon sa likod ko "So, is she the one?" tanong nya, lumingon ako sa likod ko kung saan nakaupo si Aiola sa Carpet habang nakasampa sa sofa ang braso at nakatingin sa amin. Ngumiti ako

"Yeah" sagot ko lumapit ako kay Aiola at inalalayan syang tumayo "Tara na ipapakilala kita" umiling iling si Aiola senyales na ayaw nya ang ideya ko. "Wag kang matakot" bumulaga sa likod ko si Cerrah

"Oo nga, don't be afraid, I'm not going to bite you" nakangiting sabat ni Cerrah at hinawakan si Aiola sa magkabilang kamay para alalayang tumayo "She's pretty" napansin kong namula si Aiola "Oh, she blush so cute"

"She's Aiola" pakilala ko kay Cerrah "Aiola, sya si Cerrah, kinakapatid ko"

"Hello My future Ate" nakangiting wika ni Cerrah at niyakap si Aiola.

"Ahem" bigla akong napatingin sa pinto nang biglang may narinig akong boses ng isang lalaki sa likod namin, nakita ko ang lalaki na naka cross arms habang nakasandal sa door frame, hindi ko nagustuhan ang aura ng lalaki para syang mayabang, Nagkatitigan kaming dalawa ng lalaki. Sino ba to?

"Oh kuya! I almost forgot" tumakbo si Cerrah sa pagitan namin ng lalaki "He's Jenas Rivaii" pakilala nya. Hindi ako sumagot at nag cross arms din "He's my, ahm, uhm" hindi masabi ni Cerrah kung kaano ano nya ang lalaki, tumingin lang ako kay Cerrah at tinataas ang isang kilay para hintayin ang sasabihin nya. "Unfortunately he's my future husband"

"Unfortunately?" tanong ko. Tumayo ng maayos ang lalaki at akmang makikipag shake hands.

"Jenas Dranrebb Rivaii" pakilala nya "great grandson of Corales" Napakunot nuo ako. Corales? Ang kilala ko lang na Corales ay ang dating higanteng distillery sa North na naging Salcedo Distillery nang ipamana kay Sun Corales-Salcedo ang negosyo.

"Corales Distillery?" tanong ko

"Yes" sagot nya. So, kamag anak sya ni Aiola? kaya pala parang nagulat si Aiola nang makita si Jenas. Kilala nya lahat ng kamag anak nya sa Salcedo Clan pero hindi naman sya kilala ng mga kamag anak nya.

"Kaano ano mo si Kifer Salcedo?" tanong ko

"He's my uncle" sagot nya "Pinsan sya ng tatay ko"

"Tatay?" tanong ko. Tatay ang tawag nya sa Dad nya samantalang mayaman ang pamilya nila?

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon