NAKA EXPERIENCE NA BA KAYO NANG MAY NA CLICK KAYO NA ISANG VIDEO NA AKALA MO SIMPLENG PALABAS LANG DAHIL IBA NAMAN ANG COVER NYA SA TUNAY NA CONTENTS? Tapos naka full ang volume ng speaker mo then pag click mo sa video ay audio lang pala ito at maririnig mo ang malakas na pag moan o pag ungol ng isang babae dahil inaano sya, grabe kabog sa dibdib, gabing gabi na at inaantok na ako non, huling video clip na lang sana ang papanuorin ko pero pag click ko sa vid na yun umalingawngaw ang ungol nang babaeng ginagalaw, bigla akong nagulantang at di ko alam kung saan ang papahinaan ko sa speaker ba o sa computer mismo, grabe hiyang hiya ako dahil plywood lang ang ding ding ko sa kabilang kwarto hooohhh! Baka narinig yun ng mga pinsan kong religious tapos baka narinig din nila mama at papa sa ibaba. Nakakaloka, di ko alam kung paano sila titingnan sa mata kinabukasan.
***************************************************
***** XERCES
Nagising ako nang marinig ko ang tugtog ng gitara ni Aiola mula sa ibaba, Nakaka relax marinig ang tugtog nya lalo na nang mag simula syang kumanta. Lumabas ako at sinilip sya sa hagdan, nasa settee sya nakatambay at kumakanta
Habang nakanta sya ay dahandahan akong bumaba at lumapit sa kanya, sinira ko ang pag mo moment nya nang magtanong ako.
"Anong title nyan?" tanong ko. Huminto si Aiola at tumingin sa akin
"Sakayan ng jeep, halata naman sa kanta ko diba?" pag susungit nya.umupo ako sa tabi nya
"Ang sungit mo nanaman siguro kanta mo yan sa ex mo no?" biro ko at inakbayan sya sa balikat habang naka sandal ako sa sandalan ng upuan, tinapik nya ako para maalis ang pagkaka akbay ko sa kanya.
"Kanta ni Nikki Gil to heller! Tsaka, wala akong ex, boyfriend nga wala ex pa kaya" sagot ni Aiola. "Igaya mo pa ako sayo na ubod ng landi"
"Hah!" bigla kong sigaw, grabe tong babae na to nag de quatro ako ng binti "Judgemental ka"
"Ikaw nga tong judgemental, sinabi mong may ex ako kapal mo" pag susungit nya.
"Bat ba ang sungit mo? Aga aga sungit neto" puna ko
"Aga aga kasi nakita kita kainis" sagot ni Aiola.
"Wala talagang magkakamaling magkagusto sayo bukod sa amasona ka ang lapad pa ng nuo mo" biro ko sabay tapik sa nuo nya "Tingnan mo parang landingan ng eroplano" pang aasar ko, di naman malapad nuo ni Aiola gusto ko lang sya pikonin.
"Hala!" sigaw ni Aiola at humawak sa nuo nya "Hindi naman malapad nuo ko ah!"
"Lapad kaya, tsaka yung pisngi mo, pumuputok na, parang siopao" biro ko ulit, di rin mataba pisngi ni Aiola, gusto ko lang makita yung reaction nya hahah. Pinisil pisil ko ang pisngi nya. Bigla nyang hinawakan ang magkabilang pisngi nya at tumayo papunta sa cabinet na may salamin.
"Hindi naman" sagot nya.
"Oo kaya" sagot ko
"Mamatay ka man?" tanong nya. Abat!
"Hell No!" sagot ko
"Edi nag sisinungaling ka, ako pa lokohin mo, lela mong bulok" wika ni Aiola at lumapit ulit sa akin.
"May pagkain na ba?" tanong ko.
"Wala" sagot ni Aiola.
"Bat di ka nag luto?" tanong ko,
"Bilihan mo ako ng gas at kalan, alam mong di ako marunong gumamit ng rice cooker at yan de kuryenteng lutuan mo" sagot nya. Padabog akong tumayo papunta sa kusina
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...