NOTE: 📍
BONDING OF COUSINS LANG TO PWEDE NYO SKIP IF MABO BORED KAYO WALA NAMANG EPEKTO SA STORY, DAGDAG SCENE LANG KASI ITO***** AIOLA
"Sapphira mauna ka nang pumasok mamaya na kami pupunta sa mall" wika ni Nieves na nakahilata pa sa kama
"Nagpaalam ka ba sa Boss mo? mamaya mag alburoto nanaman ang tumbong ng naknakan ng sungit mong Amo" sita ni Sapphira na nag me make up. Dumapa si Nieves at nagtaklob ng unan sa mukha
"Hindi yan nag paalam, ako pinayagan ako ni Sir Athrone!" pagyayabang ni Mierr
"Swerte mo madali mong nauuto ang Boss mo" wika ni Sapphira "Palibhasa naudlot na pag ibig" binato ni Mierr ng unan si Sapphira "Aw! it hurts u know!"
"Di naman tulad ng kay Ate, Nabigong pag ibig" wika ni Mierr, Umupo si Nieves at niyakap pahiga si Mierr. Tumingin ako kay Sapphira
"May past sila sa mga boss nila" wika ni Sapphira sa akin kaya napangiti ako.
"Pumasok ka na Nieves baka palayasin ka ng amo mo bukas sa trabaho" sita ni Sapphira
"Hayaan mo sya" bagot na sagot ni Nieves
"LQ kayo?" tanong ko "Labor Quarrel ba"
"May regla sya everyday" sagot ni Nieves "Alam nyo yun! ang kalmado nya sa iba tapos pag ako kaharap nya nagiging masungit sya tapos ayaw nya naman akong ilipat ng ibang department!"
"The More he hates you the More he loves you" sagot ko
"Kung mahal nya ako sana matapos nyang kunin ang virginity ko ay hindi nya ako iniwan at sinaktan" sagot ni Nieves, napatingin kaming lahat sa kanya
"Nieves?!" gulat na tanong ni Graecious at tumingin kay Mierr. tumungo tungo si Mierr
"Alam ba ni Jenas to?" tanong ni Serenity, umiling si Mierr. "Sino sino pa ang nakaka alam tungkol sa virginity ni Nieves?" tumaas ng kamay si Mierr
"Ngayon ko lang nalaman" sagot ni Sapphira
"Lalo na ako" sagot ko "Bagong salta lang ako sa pamilya"
"Girls, from now on walang lihiman ah! except sa positions nyong mag jowa pag mag se sex kayo" wika ni Graecious
"Eeww ka ate!" sagot ni Sapphira "Virgin pa ako!"
"Girls! wag muna ninyong ibaba ang bandera, dapat sunod sunod tayo ayon sa edad! una si kuya Jenas, next Ako, then si Aiola, Serenity, Nieves at Sapphira at huling mag papa ano ikaw Alyza, Aluza at Mierr" utos ni Graecious "Pero sana sex before marriage is a big no no"
"Hindi na ako virgin" sagot ko, nagtinginan sila sa akin
"May nangyari na sa inyo ni Xerces?" tanong ni Sapphira at Graecious. Tumungo tungo ako "Babanatan ko yung lalaking yun!"
"Kalma ka lang! ikakasal na sila within 2 months Sis" wika ni Serene.
"Hmp! Papasok na ako baka bulyawan nanaman ako ni Orphen!" sagot ni Sapphira.
****** Hapon na nang pumunta kami sa Mall para i dare si Sapphira.
"Asan na yung Boss mo?" tanong ko kay Sapphira
"Hindi ka talaga pumasok Nieves?" tanong ni Sapphira
"Wag mong ibahin ang usapan" sagot ko
"Ewan ko dun? nasa tabi tabi lang yun, pinatapon nya nga ako dito sa malayo" reklamo ni Sapphira "Ano bang bibilhin nyo?"
"Choco Mousse Ate!" wika ni Mierr "Libre mo ako ate Aiola" Gulat na napatingin ako kay Mierr akala ko kay Nieves sya magpapalibre sa akin pala. Agad kumuha ng Choco Mousse si Sapphira at nag punch ng barcode "Ay! yung chocolate cake nalang para mas malaki!" Tumingin ng masama si Sapphira kay Mierr
"Na punch ko na" bagot na wika ni Sapphira
"Ayaw ko nyan" tanggi ni Mierr "Yung cake ang gusto ko"
"Cake din to maliit nga lang" pag pipilit ni Sapphira
"Exactly, kaya ko pinapalitan kasi maliit" sagot ni Mierr
"Aiola bilhin mo nalang din yung choco mousse" pag mamakaawa sa akin ni Sapphira
"Wala akong pera eh" tanggi ko kasi gusto naming bwisitin si Sapphira
"Mangutang ka muna" sagot nya "Ate Graecious ilibre mo si Mierr"
"Wala akong pera" tanggi ni Graecious sa kapatid
"Wala din akong pera kaya nga nag papalibre ako" wika ni Mierr
"Wala kaming pera" sabay sabay na palusot ng mga pinsan kong si Serene, Alyza, Aluza at Nieves
"Wala kaming pambayad jan, di na pala kami bibili" wika ko
"Pambihira!" inis na dabog ni Sapphira "Mierr Ann!"
"Pa cancel nalang yan Sapp! wala kaming pambayad" sagot ni Mierr
"Ipapa void ko pa to! ang layo ng pinagtapunan sakin, mapapagalitan nanaman ako ng supervisor ko eh" reklamo ni Sapphira. Natigilan lang kami sa pagdidiskusyunan nang matanaw ni Mierr si Orphen na palapit sa amin.
"Ayan na sya!" kilig na turo sakin ni Mierr
"Bruha wala kayong pasok?" tanong ni Orphen kina Mierr at Nieves
"Nag absent kami" sagot ni Mierr, ngumisi si Orphen
"Buti pumayag mga amo nyo" sagot ni Orphen
"Ako legal pag absent ko si Ate ewan ko lang, tawag ng tawag si Sir Coud sa kanya pissed off na yata" natatawang kwento ni Mierr
"Kailangan ko pa bang ilakad kay Coud ang pag absent mo?" tanong ulit ni Orphen
"Malaking tulong talaga ang pang lalansi mo sa mga pinsan mo Sir Orphen, paki lakad naman kay Sir Coud yung kaso ko" sagot ni Nieves.
"Gawin mo na!" utos ni Alyza kay Sapphira
"Anong ginawa nito sa inyo? irereklamo nyo ba sya?" tanong ni Orphen
"Binubulahaw nila ako" bagot na sagot ni Sapphira
"Gawin mo na!" utos ni Aluza
"Ano bang gagawin nya?" tanong ni Orphen
"Pa void ako sir" sagot ni Sapphira. Nakita ako ni Orphen
"Hi Aiola" bati nya at pumasok sa counter ni Sapphira "Anong ipapa void mo dito?"
"Sabi ni Aiola Thank you daw" sagot ni Sapphira kay napatingin si Orphen sa akin. Nagulat sya nang bigla syang halikan ni Sapphira sa lips
"Ayyiiee!!" kilig na kilig kami sa ginawa ni pinsan
"What's that for?" gulat na tanong ni Orphen
"It's just a dare don't take it seriously Sir" bagot na sagot ni Sapphira
"Mag IR ka bago mag out" wika ni Orphen at nag walk out
"Lah! nigalit mo si Daddy" biro ni Mierr
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...