𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 25

42 2 0
                                    

Kalbaryo ng mga lalaki sa mga babaeng may dugo bow!
********************************************************************************
***** XERCES 

    Alam nyo yung feeling na nakahiga ka sa sarili mong kama pero nasa gilid ka at sobrang nag pipigil para hindi malaglag? Yun ang pakiramdam ko. Langya! Ang gulo matulog ni Aiola! Inokupa nya buong higaan ko pati unan ko inangkin na. Wala akong magawa kundi mag tiis, bukas na bukas talaga ipapagawa ko na ang aircon sa kwarto ni Aiola.

***** AIOLA

    Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong may basa sa bandang pwetan ko napatayo agad ako sa kama at tiningnan ang higaan

    "Hala" gulat na bulong ko, May dugo! Lagot nagkaroon ako ng means at natagusan ko pa ang higaan ni Xerces, napamulat si Xerces dahil sa biglang pag balikwas ko

    "What happened?" antok na tanong ni Xerces

    "Natagusan ko yung higaan" sagot ko, biglang umupo si Xerces

    "What?! May period ka?!" di makapaniwalang tanong ni Xerces at tumingin sa higaan, "Yuck! Blood!" tila nandidiring wika ni Xerces "Aiola naman, may blood stain sa bedsheet ko kadiri"

    "Tigilan mo yang pag iinarte mo isasampal ko sa mukha mo yang dugo sa bedsheet ng higaan mo!" inis kong banta kay Xerces, ang arte arte ng lalaking to. "Akala mo! Hmp! Hindi ba nireregla yung ex mo? Ano ba yang ex mo lalaki?" inis na inis talaga ako.

    "Wag mong idamay dito si Franchesca walang ginagawa sayo yun, atleast hindi gamol ang ex ko madalas man kaming magtabi kahit may period sya pero never nyang tinatagusan ang higaan ko" depensa ni Xerces sa ex nya, talagang didipensahan nya yung ex nya, sobra nya ba talagang mahal si Franchesca?

    "Wag kang mag alala lalabhan ko yan para matahimik yang kaluluwa mo" inis kong wika at padabog na hinihila ang bedsheet pero di ko mahila dahil naka dagan ang nakaupong si Xerces, "Alis! Pano ko malalabhan to nakabalandra ka jan!"

    "Pano mo lalabhan yan e wala naman tayong washing machine puro tayo pa laundry lang, don't tell me papalaba mo pa yang tinagusan mo di ka ba nahihiya?" wika sa akin ni Xerces, ang yabang talaga ng lalaki na to.

    "Di ba nga sabi ko lalabahan KO" inemphasize ko na ang KO para ma gets nya.

    "Ikukula mo yan? Mas malaki pa nga sayo yang bed sheet ko, tingnan mo ang kapal pa nyan kapag mabasa yan mas mabigat pa sayo yan" judgemental masyado tong lalaki na to maliit man ang muscles ko pero batak to sa mabibigat na trabaho, biglang nakadama ako ng kirot sa puson ko, parang hiniwa ang puson ko, makapal sa pakiramdam na masakit, bigla akong napahawak sa puson ko parang may gumuguhit na karayom, maya maya ay may naramdaman akong basa sa laylayan ng pajama ko hanggang sa maramdaman kong may tumutulong likido sa hita at binti ko, pag tingin ko ay dugo, first time mangyari sa akin iyon kaya talagang nabigla ako at di naka galaw sa takot.

***** XERCES 

    Anong nangyari kay Aiola? Para syang namimilipit sa sakit pero ang nakakapag pabagabag ay ang biglaang pamumutla ni Aiola.

    "Hoy, What happened to you?" tanong ko, halos sabay kami ni Aiola na tumingin sa hita nya pababa sa binti at nang bigla nyang inangat ng kaunti ang laylayan ng pajama nya ay bumungad sa akin ang dugo, agad akong napatayo sa kama para lapitan si Aiola "Anong nangyari? Bakit dinudugo ka? Nakunan ka ba?" tanong ko, bakit ang daming dugo?

    "Paano ako makukunan virgin pa ako?" tanong ni Aiola at maglalakad sana papunta sa cr ng kwarto ko, hinawakan ko ang isang kamay nya habang inalalay ko ang isang kamay ko sa likod nya "Period lang to, baka kaya maraming lumabas kasi 3months akong hindi nadatnan" paliwanag nya. "Irregular kasi ako"

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon