𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 17

38 3 0
                                    



Na experience nyo na ba yung sobrang boring? Yung tipong out of boredom talaga, the kind of ennui na dami mong time pero ang liit ng will mo para maging productive ang araw mo, pakiramdam mo sa sarili mo ay ikaw ay isang taong nonsense crapola hahah!

Pwede ka namang lumabas, gumala at mag enjoy pero tinatamad ka hahah! Gawa gawa din ng paraan para mawala ang pagka boring.

***** XERCES

    Medyo nakakapanibago ang buhay ko, although sa bahay palagi kong kasama si Mommy at mga kasambahay namin, hindi ako sanay na may kasama g babae na parang lalaki umasta, akala mo maton eh! Kinakawawa nya ako, hindi sya babae sa bahay kaya madalas ko syang pinapagalitan pero may mga time na close kami at magkasundo.

    Alam kong sinasanay kami ni Aiola para pag ikasal na kami ay hindi kami magka ilangan pero pag hindi kami binabantayan nila Megan ay nag chi cheat kami, hindi kami natutulog sa iisang kwarto at hindikami sweet sa isa't isa, madalas kaming magka pikunan lalo na pag sinumpong ng kakulitan si Aiola, maikli lang ang pasensya ko nitong mga nagdaang araw dahil madalas kong nakikita si Ian sa trabaho kahit na suspendido ako tsk! Kaya ako kinakawawa ni Aiola eh! Para akong house husband ngayon, sya ang naka assign sa distileriya dahil sa taba ng utak nya biruin mong konting uto lang nya ay na close nya agad ang deal sa matagal na naming nililigawang company? Ang Fortalejo Resort na nag aangkat ng malaking supply ng alak dahil sa dami ng bigating events at bisita na dumarayo sa resort nila.

    Umupo ako ng pa indian sit sa kama binuksan mo ang kurtina ng glass window ko na sobrang dikit sa higaan at tumanaw sa kawalan.

    "I'm bored" wika ko sa sarili ko at humiga ulit, this time I'm staring at the ceiling. Bigla kong narinig si Aiola sa kabilang kwarto, yung headboard ng kama ko ay nakadikit sa dingding ng kwarto ni Aiola, kumakanta sya habang nag gigitara. Rap ang kinakanta nya, galing ah! Rapping while playing guitar, talented!

Pinakinggan ko lang sya sa pagkanta nya.

cool! Di kona pinatapos ang kanta hahha! Dahil bigla akong kumatok sa pader kaya napahinto sya. Dinikit ko ang tainga ko sa pader dahil wala ng kumanta

    'bug! Bug! Bug!' masakit din sa tainga ang pag hampas nya ng kung anong bagay kahit na sementado ang dingding

    "Aiola" tawag ko

    "o!" sigaw nya "Istorbo ka sa concert ko"

    "I'm bored" wika ko.

    "Pwes ako hindi" sagot nya

    "Sungit" wika ko. Bakit kasi pinansin ko pa yung nasa kabila wala tuloy akong human radio, hindi ako music lover kaya walang ka music music ang phone ko tanging mga video lang na paulit ulit ko nang pinanuod, matulog na nga lang ako. Dumapa ako sa kama para makuha ang tulog ko, hapon na pero gusto ko paring itulog ang pagka bagot ko. Maya maya ay biglang may bumato sa ulo ko, malambot na bagay lang pero nasaktan ako.

    "The Hell?!" patanong kong sigaw at bumalikwas sa higaan para tingnan kung ano ang lumipad sa ulo ko. Hinawakan ko ang isang unan at tiningnan "Fvck this flying pillow!" sigaw ko at ihinagis ko sa pintuan, napakunot ang nuo ko, i don't have any pink kitty pillow, tumayo ako sa kama ko at tumakbo sa pinto para damputin ang una, I know who throw the pillow, malakas at mabilis kong binuksan ang pinto, pag bukas ko ay akmang sisilip sana si Aiola pero nagulat sya sa pag sulpot ko kaya napatakbo sya papunta sa kwarto nya at hinabol ko sya kaya hindi na nya nagawang isara ang pinto. Naglakad na lang ako palapit sa kanya nang umupo sya sa kama nya at hinawakan ang gitara nya.

    "Jamming tayo" aya nya.

    "You know I can't sing" sagot ko at tumabi ako sa kanya.

    "Lahat ng tao kayang kumanta ang pagkakaiba lang naman ay yung iba magaling at yung iba hindi kagalingan" paliwanag nya at nag strum ng gitara.

    "Pa humble ka pa" sagot ko at humiga ako sa kama nya habang naka sayad ang mga paa ko sa floor.

    "Duet tayo ah" wika nya.

    "If I know the song then, I will try" sagot ko.

    "Wooh! Gutom na ako" wika ni Aiola

    "Ang dami mo nang kinain kaninang lunch" puna ko.

    "Gutom nga ako eh" sagot nya. "Lutuan mo ko"

    "Kanta ka pa ng isa tapos lulutuan kita ng meryenda, you want some french toast?" pang uuto ko sa kanya.

    "Yo ko nun, gusto ko burger na maraming bacon at cheese" sagot ni Aiola

    "Sige gagawan kita nun yung special para masarap" wika ko. "Basta kanta ka muna ulit"

    "Anong gusto mong kantahin ko?" tanong ni Aiola, napaisip ako, ano nga ba? Bigla kong naalala sina Dad at Megan, dati silang love team nuong panahong teen stars sila. "Love team" sagot ko halatang napaisip si Aiola kaya inispecify ko na "Love Team by itchy worms" Nang nagsimula nang mag strum si Aiola ay pinigilan ko sya "wait, i video natin Fb Live tayo para astig" kumuha ako ng monopod, monopod ni mommy na naiwan nya nang minsang nag selfie sila ni Megan, tss, isip bagets. Nang maayos ko na ang monopod at cp ko ay nag simula na syang mag strum at kumanta.

    Nabigla ako nang isandal ni Aiola ang ulo nya sa balikat ko habang nag gigitara sya, Napansin ko sa screen ng cp na natabunan ng buhok ng bahagya ang pisngi nya, ayaw kng mag mukha syang sadako kaya hinawi ko ang buhok nya dahilan para mag pop out ang mga reaction na love sa live vid namin.

    Inalis ni Aiola ang pag sandal ng ulo nya sa balikat ko at nag simula syang banga banggain ang braso ko kaya hinila ko ng malumanay ang pisngi nya.

    Nakipag duet ako kay Aiola sa stanza na ito ngunit binirit nya ang pagkanta at pinanggigilan ang pag i strum sabay end. Alam ko na kapag ginagawa nya ito, ibig sabihin nagugutom na sya.

    "Wooh!" sigaw ni Aiola. "Gutom na ako!" Inilapag nya ang gitara sa kama at nabigla ako nang pabigla syang yumakap sa akin kaya napahiga kaming dalawa sa kama, Ang bigat nya! Joke lang! Yung ulo nya nakapatong sa dibdib ko at bigla nyang inangat para maka eye to eye nya ako. "Lutuan mo na ako, nag promise ka" pabulong nyang sabi, para syang batang nag lalambing, hindi ko na namalayang hawak ko parin ang monopod at navi videohan ang ginagawa namin.

    "Burger?" pabulong kong tanong,

    "Yehey!" pabulong nyang sagot habang napalakpak.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon