𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 52

33 2 0
                                    


***** AIOLA

After nang event na ginawa ni Xerces ay inimbita kami sa Mansion nila Lolo at Lola para masulit ang bonding ng buong pamilya, tanggap nila ako at napaka saya ko dahil nararamdaman ko ang pag mamahal nila sa akin. Nagpapasalamat ako kay Orphen dahil pinakiusapan nya ang mga pinsan nya na Boss nina Mierr at Nieves na bigyan ang mga pinsan ko ng one week vacation. Pumayag si Mr. Athrone De Silva  at gayun din si Mr. Coud Van Heilden. pero matindi si Mr. Coud, kahit pinayagan nya si Nieves ay kailangang monitor nya ang ginagawa ni Pinsan akala mo BF nya kung umasta pero based nga sa kuwento ni Nieves ay Ex BF nya si Coud, sya rin ang lalaking kumuha ng virginity nya at muntik namang maging BF ni Mierr si Athrone kung nuong panahon na iyon ay legal age na si Mierr. Pumayag rin si Orphen na pasamahin si Sapphira, medyo nagtampo nga sya kasi di daw sya pinayagan ng Daddy nya na sumama kawawang Orphen, Si kuya Jenas din ay sumama dala si Cerrah dahil Christmas break naman nila sa school.

"Ate Aiola, malapit ka nang makalbo" nagulat ako nang bulungan ako ni Alyza

"Ha?" napatingin ako sa salamin "Hindi naman ah!"

"Kanina mo pa sinusuklay ang buhok mo tapos nakatulala ka pa, nag da drugs ka ba?" tanong ni Sapphira na nag gugupit ng kuko sa kamay

"Baka nami miss agad si Xerces" biro ni Serene na nag ta type sa laptop

"Oii, itigil mo muna ang trabaho" sita ni Nieves at dinaganan si Serene

"Wait masisira ang laptop ko" itinabi ni Serene ang gadget sa side table nya

"Wag kang mag alala nasa kabilang kwarto lang yun" wika ni Graecious

"Ligo tayo sa ilog!" aya ni Mierr

"Gabi na" sagot ni Aluza

"Masarap maligo ngayon, mainit ang tubig" gatong ni Sapphira "Tara!"

"Motor nalang sana tayo" wika ni Mierr

"Ayaw ko, baka hablutin ako ng zombie" sagot ko. Oo, kapag gabi na at naka motor tapos madilim pa ang dinadaanan namin feeling ko may Zombies.

"Nilamon ka na ng systema ng mga zombies" sagot ni Sapphira

"Sasama ka ba Cerrah?" tanong ko sa kanya, nagtinginan ang mga pinsan at kapatid ko sa kanya

"Gusto ko sana kaso ayaw na akong palabasin ni Jenas, ayaw ko namang suwayin sya sa utos nya kasi nong huling sinuway ko sya muntik nang syang malagay sa alanganin" sagot ni Cerrah "Ayaw kong mapahamak sya ng dahil sakin"

"Wowww ang sweet" parang natutunaw na puri ni Nieves

"Sana ikaw ang makatuluyan ni kuya Jenas" wika ni Sapphira

"Oo nga, we like you Cerrah" sagot ni Graecious "Kung yan ang desisyon ni kuya na wag kang lalabas hindi dapat kami makialam, bisita nya si Cerrah means, Cargo de Konsensya nya kung mapahamak sya"

"Hayaan mo Cerrah, papasalubungan kita ng tubig galing sa ilog" malambing na wika ni Mierr at ngumiti "Saglit lang kami dun promise"

Napagkasunduan naming lahat na pumunta sa ilog. Marunong naman mag drive ng Hilux si Sapphira

****
Nang nasa ilog na kami ay nabigla ako, sabay sabay na nag bold ang mga pinsan at kapatid ko

"Bakit kayo nag bobold?" tanong ko

"Tayo tayo lang ang tao dito Sis, tsaka buwan lang ang ilaw natin, kahit na may ibang tao hindi tayo masisilipan liban nalang kung malapitan" paliwanag ni Alyza

Naki join na lang ako sa trip ng mga pinsan ko, naki bold narin ako.

"Yuck! ang manyak ni Mierr" reklamo ni Alyza

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon