𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 7

60 1 0
                                    

   
***** XERCES

After namin bumili sa isang Tindahan ay dumaan kami sa isang mall.
    "bakit tayo nandito?" tanong ni Aiola.
    "Bibili ng sandals mo" matipid kong sagot.
    "Bakit dito pa? pwede naman sa palengke tsaka wala akong pera" reklamo ni Aiola.
    "Sagot ko na, don't worry" matipid kong sagot sa kanya para tumigil na sya.
    "Ang bait mo ngayon ah, nagpapahiwatig ka na ba?" tanong ni Aiola habang nag lalakad kami. "Kukunin ka na ba ni Lord?" huminto ako sa paglalakad at tiningnan ko sya
    "Nasa mood ako ngayon kaya mabait ako sayo, sulitin mo na kasi kapag ma saltikan nanaman ako kawawa ka ulit" pag babanta ko.
    "Chillax Sis" naka surrender ang kamay nya habang sinasabi nya yun.
    "Sis?" tanong ko. Hindi nya ako sinagot bagkos ay nilagpasan nya ako sa pag lalakad.
"Aiola, hindi pa ready si Lord na kunin ako, masamang damo kasi ako"
    "Sayang naman" poker face na sagot ni Aiola sakin.
    "Aba!" di makapaniwalang sambit ng bibig ko, talagang hindi sya papatalo sa usapan ah.
    Una kaming pumunta sa department store para bilhan sya ng mga sandals at rubber shoes, medyo natagalan kami at nahirapan sa pagpili kasi naman...
    "Bakit kasi ang laki ng paa mo? Size-9 ang lapad pa parang barko" reklamo ko, suko na ako. Napaupo ako sa upuan ng store at nagpupunas ng pawis, grabe pawis na ako sa lagay na yun samantalang air conditioned ang lugar. Tumayo ako at nag cross arm habang nakatingin sa kanya na naka upo at sinusukatan ng sales lady, ang dami nang box ng sapatos sa harap nya "Di kana naawa pati sales lady pinagod mo" biro ko, napangiti ang pagod na sales lady.
    "Sorry Miss ah" wika ni Aiola.
    "Naku Ma'am, okay lang po, trabaho ko naman po to" nakangiting sagot ng sales lady,
    "Kino konsensya kasi ako ng kasama ko" sagot ni Aiola at tinuro ako.
    "Totoo naman ah, ang liit liit mong tao, mabigat ka na nga ang laki pa ng paa mo" puna ko sa kanya.
    "Maka maliit ka, 5'2"naman ako ah" depensa ni Aiola.

     After 123456789 years ay naka hanap kami ng fit sa paa ni Aiola tapos dinala ko sya sa mga wedge at stiletto shoes, tulad ng bilin ni Megan, bihisan ko daw sya na parang ka level namin. Unfortunately, nag hanapan ulit kami ng size at this time inabot naman kami ng 987654321 years, sa inis ko nagiging exaggerated na ako mag isip.
    "Ayaw ko mag palda" reklamo ni Aiola habang pinipilian ko sya ng dress.
    "Hindi palda yan" matipid kong sagot. "suot mo" ibinigay ko sa kanya ang damit at umupo ako sa sofa na wingback style para makita ng maayos ang paglabas ni Aiola sa dressing room.
    "Edi bistida" sagot nya saakin
    "Dress" pagtatama ko. "A tea length dress"
    "Ayaw ko nito" hinagis sa akin ni Aiola ang damit, tumayo ako at hinila sa loob ng fitting room si Aiola.
    "Ay sir, bawal po-" paliwanag ng sales lady pero pinutol ko ang gusto nyang sabihin.
    "Please" sagot ko sa sales lady, "This woman here" tinuro ko si Aiola "Is hard headed kailangan pa syang pilitin bago sumunod" paliwanag ko.
    "Ayaw ko nga nito" reklamo ni Aiola. Pumasok din ako sa loob ng fitting room at isinara iyon.
    "Isusuot mo yan o huhubaran kita para isuot yan sa katawan mo" Pananakot ko.
    "Paano ko isusuot to nakatingin ka?" halatang nabahag ang buntot ni Aiola pero sige I will give her privacy. Tumalikod ako sa kanya at humarap sa pinto. "Hindi ka lalabas?"
    "No" sagot ko sa kanya.

    Mahigit 20 piraso ng iba't ibang style at design ng damit ang binili ko sa kanya, bumili rin ako ng 15 piraso ng iba't ibang sandals at sapatos, pati mga bags at accessories, hindi naman ako nanghinayang gumastos dahil ang perang hawak ko ay ibinigay sakin ni Megan para ibili ng mga needs ni Aiola. Bukod pa ang sarili kong pera.
    Hinawakan ko ang kamay ni Aiola at inabutan ng 15 thousand.
    "Ano to?" tanong ni Aiola.
    "Pera" matipid kong sagot
    "Alam ko, ibig sabihin ko, para saan to?" Paglilinaw nya.
    "Pocket money mo. Hindi ko na alam kung ano pang mga kailangan mong pampaganda at luho kaya malaya ka nang gumala dito, mag kita nalang tayo sa customer service" paliwanag ko.
    "Hindi naman ako maluho tsaka hindi ko na kailangan ng pampaganda kasi, maganda na ako" sagot niya, di ko alam kung seryoso sya o hind sa sinabi nya pero gustohin ko mang tumawa ay pinilit ko na lang na wag "Diba?" tinitigan ko lang sya at pagkurap kurap ng mata ang isinagot ko. "Maganda naman ako diba?" tanong ni Aiola, maganda naman talaga si Aiola kahit walang make up pero mas maiging manahimik lang ako kasi pag positive ang isagot ko at isipin nyang compliment iyon ay baka lumaki ang ulo nya at pumalakpak ang tainga nya sa tuwa.
"Sige lang, pag gumanda ako lalo who you ka sakin" pagkatapos ng mga salita nyang iyon ay agad nya akong tinalikuran at nag walk out.

***** AIOLA

    Binigyan ako ni Xerces ng Fifteen thousand peso, malaking halaga to para sa chechebureche ko sa katawan, siguro 3k ang iba budget ko para sa make up make up na yan at yung tira, mag oopen ako ng bank account para maitabi ko lahat ng allowance na ibibigay sa akin ni Xerces, Saan ba ako mag sisimulang mag hanap ng bibilihin? Luminga linga ako para mag hanap hanggang sa  may makaharap ako na beki.

    "Hello Ma'am, ang ganda naman po ng attire mo, bagay na bagay sa gorgeous face mo, halika ma'am baka po gusto mo I try ang products namin" pang se sales talk sakin ng beki, sa ayos ng itsura nya ay kitang kita ang pag aalaga nito sa sarili, tutal sya na ang lumapit sa akin, sya na lang din ang mag assist sakin para makabili na ako ng mga kailangan ko mukha naman syang magaling magdala ng cosmetic products dahil nag be blend ang make up nya sa kanya. Inaya nya ako sa isang lugar kung saan may upuan, salamin at iba't ibang cosmetics

    "Hi Ma'am," bati ng  babae, "upo ka po dito" inaya nya akong umupo at sumunod naman ako, kung nasa labas ako ng mall siguro madali lang akong ma budol o di kaya ay ma kidnap dahil kung kani kanino lang ako nasama.

    "Anong gagawin nyo sakin?" tanong ko.

    "I ta try po namin ang newest products namin sayo ma'am, naku ma'am kung maganda ka na ngayon, mas lalo kang gaganda pak ganern" active at bibong bibo na paliwanag ng beki, napangiti ako. "Akong bahala sa face mo ma'am at si Kelly ang bahala sa hair mo"

    "Okay, sige" sagot ko.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon