𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 8

60 3 1
                                    

// eto ay medyo boring sa iba pero para sa akin ay hindi kasi dito makikita yung nakakalokong bonding ng mag kapatid, yung tipong kahit na di kayo magkasundo ay hindi naman kayo magkaaway, diba nakakaloka ang logic ko?

***** XERCES
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa department store, pabalik balik na rin ako sa customer service pero ni anino ni Aiola ay di ko makita, nahihiya akong ipa page si Aiola sa buong mall dahil juice-colored ang tanda na ni Aiola para mawala sa department store sa kabila ng matino at napaka ayos naming usapan na magkikita kami sa costumer service. Nasaan na ba yung pandak na yun? Ang liit kasi kaya di ko makita hahah! Joke! Di naman sya pandak, nagkataon lang kasi na mas matangkad ako sa kanya at mas maliit sya sakin kay pandak tawag ko sa kanya. Natatawa ako sa bagong endearment ko kay Aiola pero naiinis rin kasi pagod na ako kakahanap sa kanya.

Pero sa bandang beauty products section kasi ay may nakita akong babae na nakaupo habang inaayusan ng isang babae at sister, kaparehas din ng damit na kinuha ko sa unit ni kuya. Lumapit ako para I check kung si Aiola nga talaga iyon.

"Ahem, excuse me" wika ko sa at tumingin sa babaeng naka upo. Wait si Aiola ba talaga to?

"Yan! Ang ganda mo Ma'am!" bilib na bilib na wika ng babae, tumingin si Aiola sa salamin.

"Oo nga no? nag mukha na akong tao ah" bilib na wika ni Aiola sa sarili nya. Napansin nyang nakatingin din ako sa kanya "Oh nandito ka na pala"

"Oo ngayon ngayon lang" sagot ko at tumingin tingin sa mga brand na ginamit sa mukha ni Aiola.

"Maganda na ba ako?" tanong ni Aiola. Humarap ako sa kanya at hindi ko sya sinagot bagkus ay nag poker face lang ako sa kanya. Ngumuso si Aiola.

"Nag mukha ka nang tao" sagot ko.

"Ay grabe naman ang jowa mo ma'am" puna ng pa girl.

"Jowa? Di ko jowa yan, eh kung magiging jowa ko yan mag ma madre na lang ako" tanggi ni Aiola. Lah!

"Nag mukha ka lang tao yumabang ka na,  pinag nanasaan mo naman ako" biro ko.

"Ew, wew! Kahit ikaw na lang ang nag iisang lalaki sa buong mundo ay hinding hindi kita pagnanasaan" masungit na wika ni Aiola. "Never" pagbigkas nya ay Ne-vah

"Bakit naman Ma'am?" tanong ng pa gay "Ang gwapo gwapo ni Sir, Jackpot ka na sa kanya Ma'am, kahit wala kang ulam tingin pa lang busog ka na"

"Tama!" pag agree ko sa sinabi ng pa gay, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nag video ako na naka pa selfie ang style namin, habang nagvi video ako ay nasa likod ko si Aiola habang kausap ang dalawang nag make up sa kanya.

"Alam nyo kasi yang si Xerces" wika ni Aiola habang tinuturo nya ako at ako naman ay ginagaya kunwari ang sinasabi nya na mayhalong pang aasar. " Masama ugali nyan, para syang utol ni Satanas" natawa ako "Tingnan mo natawa mag isa parang baliw"

"Beh" tawag ko sa pa gay

"Bakit po Sir?" tanong nya sa akin. Inabot ko ang cp ko sa kanya.

"Picturan mo nga kami" utos ko pinicturan nya kami at nang tingnan ko ang gallery ko ay iba ibang itsura ni Aiola ang nakuha. Alam kong naiinis sya sa akin dahil ayaw nya akong pansinin. "Aiola" tawag ko at hinawakan sa balikat.

"Ano? Dedede ka." Inis nyang sagot sa akin, napangisi ako.

"Pwede naman ba?" biro ko.

"Tantanan mo ko na ha high blood ako sayo" inis na wika ni Aiola.

"Maganda ka" sagot ko. Napansin ko ang biglang pag aliwalas ng mukha ni Aiola.

"Ano?" nakangiting tanong ni Aiola.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon