***** XERCES"Are you still mad at me?" tanong ko kahit hindi nakatingin kay Aiola
"Huh?" sagot nya "I-I'm not mad at you Xerces"
"Then why? bakit lahat kayo nag sinungaling sa akin?" tanong ko kay Aiola, hindi sya sumagot "Ni isa sa inyo kahit mga kaibigan ko walang nagsabi sa akin na nabuntis kita"
"Nakiusap ako sa kanila na wag sasabihin sayo" sagot ni Aiola. I smirk at huminga ng malalim "Nang araw na kinausap namin sina Mommy Cass at Daddy Alexis ay inamin kong nabuntis mo ako pero sa kasamaang palad ay nasa Barcelona ka na. Sinabi nila sa akin ang dahilan ng pagpunta mo duon kaya sinoportahan ko ang pangarap mo. Ayaw kong makagulo sayo Xerces"
"Hindi ko naman iisipin yon sayo" hinarap ko sya
"I know, pero ayaw kong maudlot ang plano mo dahil sa responsibilidad na kaya ko namang gawin kahit mag isa ako" sagot
"That's exactly my point kung bakit nag aalburoto ako sayo ngayon Aiola" inis kong wika "Inalisan mo ako ng karapatang makita, mahawakan at maalagaan ang anak natin. Inalisan mo rin ako ng karapatang asikasuhin at damayan ka sa paghihirap mo para sa bata. Maraming taon kayong naglihim sa akin, nakatulog ba kayo ng maayos sa loob ng anim na taon?" tanong ko "I'm really thankful dahil pinatawad nyo ako, tinulungan nyo ang pamilya ko at hindi nyo pinagkait sa pamilya ko ang bata pero bakit ganon? iyon ba yung ganti mo sa nagawa ko sayo? iyon ba yung parusa mo sakin kasi kung Oo sobrang nasaktan ako" Di ko na napigil ang pagtulo ng luha ko, bwiset, nakakahiya kalalaki kong tao naiyak ako pero di nyo naman ako masisisi, handa kong isuko ang lahat para kay Aiola. Kung alam ko lang na nabuntis ko sya sana saglit na panahon lang ako naglagi sa Barcelona sana hindi na ako nagtagal pa, sana kasama kong lumaki ang bata at natulungan ko sa pag sustento ng kailangan ni Xerceii si Aiola.
"Hindi Xerces" umiling iling si Aiola at yumakap sa braso ko "Hindi ko inisip na parusahan o gantihan ka. It's the best way para mahanap mo ang sarili mo ng walang iniisip na problema"
"Pero matagal akong nawalay sa inyo" nanghihinayang ako sa mga oras at araw na nasayang paano ko mapupunan ang limang taon na wala ako sa tabi ng anak ko at sa tabi ng babaeng Mahal ko? Aiola ko.
"Okay lang" mahina nyang sagot "Atleast bumalik ka diba? atleast hindi ka nag GF?"
"I never had relationship since we broke up" sagot ko
"Walang closure ang pag hihiwalay natin kaya nanatili akong tapat sayo" wika ni Aiola "Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na makipag relasyon sa ibang lalaki at lalong lalo na ang mag entertain ng iba" masaya ako sa narinig ko, masaya akong hinintay nya ako
"Nung huli tayong nagkasama sa opisina ni Megan, Paulit ulit kong sinasabi na hindi kita mahal I'm sorry about that, ang totoo ay mahal na mahal kita pero kinakain ako ng konsensya ko kaya ko nagawang mag sinungaling sayo, nahihiya ako at nagagalit sa sarili ko, that time litong lito na ako" paliwanag ko "I loved you 6 years ago and I will always love you tonight until time reaches the last line of our blood" Tanging ngiti ang isinagot sa akin ni Aiola, Ngiti ng pag asa at ligaya. Napasinghap sya nang bigla ko syang niyakap.
"Ah, Xe-Xerces?" nagtatakang tanong ni Aiola
"Ang tagal nating hindi nagkausap tapos hindi man lang kita kinumusta kanina" wika ko habang sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg "Kumusta ka na?"
"Okay lang, ikaw?" tanong nya
"Ayos lang pero mas okay ako nang makita kita. Sobra kitang na miss" sagot ko
"Talaga? hindi ba yung ma miss mo ay yung kausap mo kanina sa cp?" di ko alam kung nag bibiro si Aiola
"Sina kuya nga yon kahit kumpiskahin mo pa ang cellphone ko wala kang makikitang kakaiba jan" sagot ko. Naramdaman kong yumakap din sa akin si Aiola "Ikaw ba? na miss mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd Story
Teen Fiction" Aiola is my responsibility. I don't want to hear anyone scolding or shouting at her, Even you Miss Megan is no exception" Hindi sumagot si Megan. Hinawakan ko ang braso ni Aiola at hinila sya paupo sa upuan. "Umupo ka" utos ko at tahimik na umupo...