𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 46

34 4 0
                                    


***** AIOLA

Pagkatapos akong babuyin ni Xerces ay tumakbo akong umiiyak sa itaas para mag kuling sa kwarto. Agad akong naghilamos ng mukha at naligo pagkatapos nuon ay nag empake ako ng gamit ko para lumayas kung saan. Pero sa pag e empake ko ay nahulog ang wallet ko at nang buklatin ko ito ay nakita ko ang nakaipit na calling card ni Lucas. Si Lucas na lang ang pag asa ko. Kahit na naging pangit ang trato sa akin ngayon ni Xerces ay naging mabuti naman sa akin ang pamilya nya kaya hindi ko sila pwedeng pabayaan. Kailangang matuloy ang plano ni Tita Megan para matulungan ko ang kumpanya nila tita Cassandra. Hindi ko naman pwedeng ipaalam kina mama ang problema ko dahil ayaw ko na syang mag alala, ayaw ko ring malaman ni Kuya Xenon ang ginawa ni Xerces dahil ayaw kong mag away sila at lalong ayaw kong magkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Tita Meg at Tita Cassandra. Naiyak akong bigla habang naaalala ko ang ginawa sakin ni Xerces kanina.

ring
ring
ring

boses ng isang babae ang sumagot sa numero ni Lucas

"Hello?" malambing na tanong ng babae

"He-hello?" sagot ko, saglit na natigilan ang nasa kabilang linya "Miranee? is that you?"suminghot ako at nag punas ng luha.

"Ahm- O- Oo, sino to?" nauutak na tanong ni Miranee

"Ahm, kaibigan ako ni Lucas, si Aya?" patanong kong sagot. Paano ko ba sasagutin si Miranee na hindi sya mag iisip na kabit ako ng bf nya? hindi sumagot si Miranee

Aya? narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Lucas na tila malayo kay Miranee Kausapin mo muna sya love, wag kang mag alala mabait sya, remember yung kinukwento ko sayong babae na nag advice sa akin? sya yun

"Ahm, Aya?" tanong ni Miranee "Naliligo pa kasi si Lucas"

"Ganon ba? sige tatawag na lang ako mamaya" wika ko

"Aya! wait" pigil nya "Thank you" pasalamat nya "Thank you sa advice"

"Sana maging matatag kayo ni Lucas Miranee, Wag mo syang sasaktan dahil sumugal sya sayo" paliwanag ko

"Hindi ko sya sasaktan promise" pangako ni Miranee "Pero, Pwede ko bang malaman ang dahilan kung bakit napatawag ka?"

"Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Lucas na maghanap ng bahay na uupahan at magpasundo sa kanya mamayang gabi para ihatid ako" sagot ko, medyo natahimik si Miranee "Miranee wag kang mag alala walang"

"Aya hindi" sabat ni Miranee "Hindi ako nag iisip ng masama sa inyo ni Lucas at lalong lalo na hindi ako nag se selos, naisip ko lang kasi yung bahay na inuupahan ko ngayon, balak ko na kasing umalis don next week dahil gusto ni Lucas na tumira ako sa bahay nya, naisip ko lang na kung gusto mo, dun ka muna sa place ko?" suhestiyon ni Miranee. Napangiti ako

"Sure ka Miranee? totoo bang papatuluyin mo muna ako? wag kang mag alala ako na ang mag babayad ng upa at ibang bills" masaya kong wika

"Naku Aya kakabayad ko lang kahapon ng upa, kuryente at tubig kaya wala ka munang iisiping bayarin this month" sagot ni Miranee "Anong plano mo? tutuloy ka ba mamaya sa place ko?"

"Oo Miranee thank you talaga"masaya kong wika

"Wala yun, mas malaki ang utang na loob ko sayo. Hayaan mo sasabihin ko kay Lucas ang napag usapan natin para sunduin ka nya mamaya" wika ni Miranee. Pareho kaming natigilan at nabigla ako sa sinabi ni Miranee "Wag ka nang umiyak Aya, hayaan mo mamaya pag punta mo dito dadamayan kita" Paano nya nalamang naiyak ako? pwede namang may sipon lang kapag nasinghot diba?

"Halata bang naiyak ako?" tanong ko

"Oo" sagot ni Miranee "Anong oras mo gustong masundo ni Lucas?"

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon