𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 59

34 1 0
                                    


***** NARRATOR

Magkaharap na nakaupo sina Graecious at Xenon sa isang coffee shop, matalim na nakatingin si Xenon na talagang nakakapang tunaw kay Graecious, pareho silang hindi nag iimikan nang biglang may dumaang mga teenager sa gilid nila palabas ng shop

"Hindi pa ba kayo mag uusap? nauna pa kayong pumasok sa amin at ngayong paalis na kami hindi parin bumubuka yang bibig nyo puro kayo titigan ng titigan" sita ng babae, napatingin sina Graecious at Xenon sa kanila

"Hinihintay naming isa sa inyo ang makipag break dahil type ko si kuya" wika ng isang babae kay Xenon, natawa si Graecious "Bakit natawa ka ate? Beki ba si Kuya?"

"Umalis nga kayo dito" inis na wika ni Xenon

"Suplado" reklamo ng isa

"Gwapo sana kaso supladito" pahabol pa ng isa

"Tara na guys wala tayong mapapala kay kuya, bakla yan" wika pa ng isa habang paisa isa silang umaalis

"Walang poreber" pahabol pa ng isa

"Tss! daming alam" iritableng wika ni Xenon. Tumingin sya kay Graecious "Bakit mo ako tinawagan? sabi mo ayaw mo na sakin" May kinuha si Graecious sa bag nya at inilapat ang PT sa ibabaw ng mesa. Bagot na tiningnan ni Xenon ang Pregnancy Test at ngumisi kay Graecious "Wala pa namang nangyayari sa atin ah" wika nya "Kaya ba ang bilis mo lang makipag hiwalay sakin?" umiling iling si Xenon at tumayo

"Wait bakit aalis ka?" tanong ni Graecious

"Para ano pa at mag stay ako dito? yan lang ba ang dahilan ng pakikipagkita mo sakin? para ipamukha sakin na nabuntis ka ng ibang lalaki?" pabulong nitong sumbat. Ayaw nyang mapahiya si Graecious sa ibang costumer, mahal ni Xenon si Graecious at ayaw nyang masaktan ang damdamin nya kapag i judge sya ng mga tao sa paligid.

"Hindi naman talaga sayo ang bata" wika ni Graecious

"Kaya nga" sagot ni Xenon "Masaya ka na bang nakikita na nasaktan ako sa pagtataksil mo?"

"Anong pagtataksil? umupo ka nga" utos ni Graecious. Hindi sana susunod si Xenon "Hon, umupo ka" mahinahon nyang lambing. Parang pumalakpak sa tuwa ang tainga ni Xenon nang marinig nya ang endearment nila kaya sumunod si Xenon

"Ano pang sasabihin mo? magaling sya sa kama?" tanong nya.

"Eto ang O.A mo talaga" wika nya at Natawa si Graecious napakunot ang ni Xenon "This is not mine"

"Hindi maganda ang prank mo Graecious, stress na stress na ako kung anong gagawin kong remedyo para makatulong sa pamilya ko at konti nalang mababaliw na ako kung paano ko maibabalik yung dating tayo tapos ipa prank mo ako ng ganyan? ang sakit kaya ng biro mo alam mo nang pinakita mo yang PT na yan parang gumuho ang mundo ko" paliwanag ni Xenon

"Totoo yung PT pero hindi sakin" sagot ni Graecious

"At kaninong buntis ka naman nakipag sabwatan para i prank ako" pagtatampo ni Xenon

"sabwatan agad? hindi ba pwedeng gusto ko lang ibalita sayo na magiging tito ka na?" nakangiting wika ni Graecious

"Ha? what do you mean? buntis si Sapphira? sino ang nakabuntis sa kanya?" tanong ni Xenon

"Buntis si Aiola at si Xerces ang ama, nasan na ba napadpad yang kapatid mo" sagot ni Graecious "Di ko sya mahagilap ni anino nya"

"Wait" huminto si Xenon "I a absorb ko muna yung binalita mo" huminga sya ng malalim "Paano nangyari yon?"

"Syempre nag sex sila" sagot ni Graecious

"No I mean, Oo nakakabuntis ang pag se sex pero paano nabuntis si Aiola isang buwan nang wala sa Pilipinas si Xerces?" tanong ni Xenon

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon