𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 19

40 2 0
                                    

May kakaibang hilig din ba kayo sa pagkain? Yung parang katulad sa akin, iinom ako ng softdrinks pero kalahating baso soda at kalahati naman ay tubig, tinatanong nila ako kung anong lasa ang isasagot ko lasang tubig lang pero gustong gusto ko paring inumin, yung stick-o ginagawa kong straw o yung mga biscuit na cream-o, bingo, oreo ay isasawsaw ko sa tubig para lumambot tapos isusubo ko hanggang mag melt sa dila ko after non iinumin ko yung tubig, in short, may mga gamol habbits ba kayo sa pagkain? Hahahaha

****************************************************************************

***** XERCES

"Mag luluto muna ako kids" wika ni Mommy at dumiretso sya sa kusina, sumunod sa kanya si Daddy para tumulong HEN i heard some noise at the living area, I saw my great brotherdoing some freakin business, what the! Nag a assemble sya ng tent? Sa salas?

"Kuya? Jan ka talaga magka camping?" tanong ko, pambihira naman talaga anong trip neto? Pupuntahan ko sana si kuya sa salas para pigilan ang ginagawa nyang kalokohan nang dumaan sa harapan ko si Aiola galing sa kusina. She was holding a glass of water at nabigla ako sa straw nya. "Straw ba yan?"

"Stick-o" sagot ni Aiola habang nakatingin sa akin maya maya ay lumangitngit ang paa ng couch ko sa sahig the heck inalis nya sa pwesto ang couch ko, busy talaga ang sira ulo sa pag gawa ng tent?

"Can you please stop messing all my things bro?" di ko alam kung saan ako unang babaling sa kusina ba kung saan nag sisimulang mag lutulutuan sina Mommy at Daddy, ahhh,, Sana hindi nila masunog ang kusina ko kung hindi babaha talaga ng tubig ang buong unit namin, knowing Mom and Dad, they don't really know how to cook "Hey, Mom, Dad, sana nag order nalang kayo ng pagkain"

"Nah, we can handle this" pagyayabang ni Dad "Sisiw lang to"

"Syanga naman" gatong ni Mommy

"Wow! Ang cool mo kumain Sis!" bilib na puri ni kuya, binaling ko ang paningin ko kay Aiola, She was sitting on my settee dipping her chocolate biscuit to the water then..

"Oy! Oy! Aiola!" tawag ko para awatin sya sa kalokohan nya pero huli na ang lahat, isinubo na nya ang biscuit at ininom na ang tubig, halos naduwal ako sa nakita ko "Oh my!" napahawak ako sa magkabilang buhok ko at sinabunutan ko ang sarili ko "Mababaliw ako sa inyong lahat" padabog akong umupo sa settee at nakasimangot na pinapanood ang pag destroy nila sa gamit ko.

Nang maayos na ang tent ay nanuod ng movie sina kuya at Aiola, nakaupo sa loob ng tent si kuya habang nanonood at kumakain ng salted caramel flavor nyang popcorn, si Aiola naman ay naka upo sa carpet at kumakain ng sour cream flavor na popcorn, maya maya ay lumapit sa akin si Aiola at inabutan nya anko ng sweet chees flavor na pop corn,

"Ano to suhol?" masama ang loob kong tanong sa kanya.

"Pop corn, sweet na cheese, para maging sweet ka na maging cheesy ka pa ayyyiieee..." hugot ni Aiola, napangiti ako sa sinabi nya langya!

"Ayos pick up line ah" wika ko.

"Alam mo, maki join ka na lang sa trip namin, kung mag mumukmok ka jan tatanda ka lang ng maaga" wika ni Aiola at hinila nya ako patayo. Sumunod na lang ako sa kanya, pinaupo nya ako sa carpet at tumabi sya sa akin, kumalma lang ang pakiramdam ko nang isinandal nya sa balikat ko ang ulo nya. "Kuya next nating panuorin Avatar ah"

"Naka ilang ulit mo nang napanuod yan ah" sita ko.

"Nakaka inlove kaya yung forest nila lalo na pag gabi, madaming ilaw" sagot ni Aiola.

"Akala ko ba sa poinciana tree ka na inlove" wika ko

"Kahit anong puno basta kulay orange ang dahon at bulaklak kakainlove-an ko" sagot nya.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon