𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 38

31 2 0
                                    


***** AIOLA

Nasa Mall parin kami pero pumasok kaming dalawa sa isang game zone. Dumiretso kami sa isang machine kung saan nag papalit ng tokens ang isasalpak mong bills at dumiretso kami sa basketball. Nag simula nang gumulong ang bola sa pwesto namin at nag start na rin ang timer. Sunod sunod na shinu shoot ni Xerces ang bola. Magaling sya, hindi pumapalya ang pag tira nya, magaling rin kaya sya sa tunay na laro?

"Tulungan mo ko" natauhan ako ng magsalita si Xerces

"Ha?" tanong ko "Hi-hindi ako marunong" Kinilabutan ako nang pumuwesto sya sa likod ko, kumuha ng bola at inalalayan ako kung paano ang gagawin ko sa pag shoot at naging successful nga, naka shoot ako ng bola!

"See? kaya mo, let's play together" wika ni Xerces at umalis sa likod kopara pumuwesto sa kinalalagyan nya kanina. hindi ko alam ang magiging reaction ko feeling ko nanlalambot ang tuhod ko nang maramdaman ko ang init ng braso ni Xerces, ang hangin na nalabas sa bibig nya habang nagsasalita na dumadampi sa leeg ko ay nagbibigay kilabot sa aking katawan "Aiola what are you waiting for? help me" wika ni Xerces kaya agad ko na lang syang tinulungan.

Sunod na pinuntahan namin ay ang video game na tekken, habang nag lalaro sya at gigil sa pag gamit ng mga controllers ay pumuwesto ako sa likod ni Xerces para makinuod, hindi ako maka pwesto sa gilid nya dahil may mga katabi ring nag lalaro si Xerces at may mga babaeng naka yakap sa kanila habang nasa likuran ng players. Panalo si Xerces at habang hinihintay nya ang next round ay nabigla ako nang isandal ni Xerces ang ulo nya sa tiyan ko. Di ko alam kung namumula na ako nang hawakan nya ang mga kamay ko para ipatong sa balikat nya di ko alam ang dahilan nya kung bakit nya iyon ginawa, hindi naman nya ako kinakausap o tinitingnan basta focus sya sa screen ng nilalaro nya. Umayos sya nang upo nang mag sisimula na ulit ang laban samantalang ako ay kagat labing nakasampa ang palad sa magkabilang balikat nya. Nang matapos ulit ang laban ay sinadal nya muli ang ulo nya sa tiyan ko at humawak sa isang kamay ko na nakapatong sa balikat nya. Xerces, bakit mo ginagawa to? pinapalakas mo ang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako.

Tahimik na lang ako na sumusunod kung saan gustong maglaro ni Xerces, I'm speechless di ko alam kung gusto ako ni Xerces o gusto lang nya akong ma fall sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay hindi parin sya nakaka move on kay Franchesca. Huminto kami sa may barilan, ano ba X? lahat nalang ba ng trip mong laro ay di ko alam laruin?

"Tara multiplayer tayo" aya ni Xerces

"Di ako marunong jan" sagot ko

"Tsk!" umiling iling si Xerces at pumuwesto sa likod ko, kinabahan ako nang halos mayakap na nya ako para turuan kung paano humawak ng baril at i asinta sa mga zombies na nasa screen. Kasa, baril iyon ang ginawa nya, para kaming sumasayaw sa iisang ritmo, para akong tela na sumasabay sa galaw ng mananayaw, ganon kaming dalawa, sya ang gumagawa lahat habang inalalayan nya ako sa likod ko at ako naman ang nagpapaubaya "O diba?!" masayang wika ni Xerces "Panalo!" nakipag apir sya sa akin "Gutom ka na?" tanong nya. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila nanaman nya ako sa isang ice cream booth.

Habang kumakain ako ng matcha Ice Cream na nasa sugar cone ay biglang tumikhim si Xerces sa ice cream ko, napatingin ako sa kanya na halatang nabigla

"What?" tanong nya at hinawakan ang gilid ng labi ko para punasan ng hinlalaking daliri ang ice cream na naiwan sa bibig ko "Wag ka nang magulat Aiola, pag makasal na tayo mag ha honeymoon tayo, pag mag honeymoon tayo syempre di naman pwedeng di tayo maghahalikan di ako papayag nun" parang sinasadya ni Xerces na gawing detalye ang gagawin namin sa honeymoon kasi parang nag eenjoy sya sa itsura ko na magkahalong what? tsaka eeww!, yung tindero naman at tindera pinipigil nilang matawa. "Pag maghalikan tayo syempre mag sasanib laway natin"

"Eew!" sigaw ko. Natigilan sa pagkukwento si Xerces

"Preparation mo yang pag dila ko sa ice cream mo kasi kahit baliktarin natin ang mundo mag sasanib talaga ang laway natin" patuloy nya

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon