𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 44

33 4 0
                                    


***** XERCES

Nasa extension kami ng tropa ni Franchesca nang mag text sa akin si Orphen, haay! buti pa si Orphen naka punta yung mga kaibigan kong iba absent! kung sabagay okay na rin yon at baka masermonan pa nila ako kapag malaman nilang nagkakamabutihan ulit kami ni Franchesca. Knowing Shone and Shine na prangka, Adonis, Raph, Eugene at Mavz na ayaw kay Franz uon pa man ay mas maiging wala sila dito.

Nag paalam ako kina Franchesca para sunduin sa kabila si Orphen, pag open ko ng pinto ay hinarap ako ni Orphen na may bitbit na alak

"Late ka na" sita ko

"Madaming tao sa mall, obligado akong mag OT" wika ni Orphen at pumasok sa Unit, napansin kong may sinisipat sya sa balcony "Si Aiola ba yun?", napatingin ako sa tinuro nya,

***** AIOLA

"Pinayuhan na kita Lucas, it's up to you if makikinig ka o hindi dahil sa huli desisyon mo parin ang masusunod" wika ko kay Lucas Pleaseeee... piliin mo yung babaeng may gusto sayooo.. kahit sa love life mo man lang sana ay maging happy ending ang babaeng katulad ko. "Pero gusto kong malaman kung sino ang pipiliin mo" Biglang tumunog ang cp ni Lucas at nag flash sa screen ang pangalang Sophie "Hmm, mukhang yung Ex mo ang tumatawag, Iba pangalan eh" Pinatayan ng tawag ni Lucas ang babae "Bakit mo pinatay?"

"Nag iisip kasi ako" sagot ni Lucas, bigla akong natawa

"Grabe!" natatawa kong wika "Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na mamili ngayon, take your time Lucas" Muli ay binunot ni Lucas ang cp nya sa bulsa nya at nag dial. Hinintay ko ang susunod na mangyayari.

"Hello" wika ni Lucas sa kausap "Miranee" napataas ang kilay ko si Miranee ba ang pipiliin nya o tatapusin na nya ang namamagitan sa kanila para bumalik kay Sophie?
"Oo maganda dito don't worry di ako uminom ng marami"

"O diba, maaalalahanin pa? san ka pa? package na yang si Miranee mo" bulong ko. Ngumiti sa akin si Lucas

"Uuwi na ako pero didiretso ako sa inyo" sagot ni Lucas "Babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo. Hintayin mo ako" napa thumbs up ako kay Lucas yes! si Nag mamahal ang pinili nya at hindi si Ex! "I love you Miranee" awts! ang sweeeeettttt!!napatawa si Lucas "Hindi ako lasing Miranee, I Love You. Hintayin mo ako jan okay? bibiyahe na ako" Nang matapos ang tawag ay hinarap ako ni Lucas

"So?" tanong ko

"I Chose Miranee" sagot ni Lucas

"Good Boy!" sigaw ko at nag apir kaming dalawa. Nabigla ako nang yakapin ako ni Lucas

"Thank you Aya!" masaya nyang wika "Paano ba yan, looks like I need to go" bumunot ng calling card si Lucas sa wallet nya "I hope tawagan mo ako para kumustahin kami ni Miranee, gusto kitang ipakilala sa kanya"

"Oo naman" sagot ko at kinuha ang calling card sa kanya. Nagpaalam sa akin si Lucas at iniwan ako sa balcony.

***** XERCES

"Mukhang lasing na ang GF mo dude! kung kanikaninong bata na yumayakap" wika ni Orphen. Hindi alam ni Orphen na kasama namin ngayong gabi si Franchesca dahil pag malaman nya ay baka tanggihan nya pa ang invitation ko. Huminga ako ng malalim, isa rin tong mokong na to na may ayaw kay Franchesca pero di nya pinapahalata kahit alam ko naman. "Asan na ang tropz?" tinuro ko ang pinto papuntang extension

"Mauna ka na" wika ko habang nakatingin kay Aiola at sa kasama nyang lalaki. Sino ba yung lalaki na yon? Nakikipag yakapan pa? akala naman nya mag seselos ako tss! kumagat ako sa labi at nag cross arms habang nakasandal sa door frame. Inaabangan ko kung ano ang susunod na hakbang ng dalawa, wag lang nilang subukang mag sex sa pamamahay ko at madadali talaga sila sakin. Nang umalis ang lalaki sa balcony ay napansin kong hindi parin pumasok si Aiola bagkos ay tumingin parin sya sa labas na tila nag iisip ng malalim samantalang ang kasama nyang lalaki ay dumiretso sa kumpol ng mga tao at nakipag usap. Pinagmasdan ko kung babalik ang lalaki pero mali ako, dumiretso ang lalaki sa kinaroroonan ko at lumabas sa unit ko. Hindi ko sya namukhaan, siguro one of Franchesca's friend. Nakahinga lang ako ng maayos nang lumayas na yung lalaki sa pamamahay ko. Lumakad ako papunta kay Aiola ay sumandal sa door frame.

"Lucas akala ko ba" umikot si Aiola paharap sa akin at hindi natapos ang sinasabi nang makitang ako ang nakita nya "Bakit ka nandito?"

"Hindi ka na babalikan ng kasama mo, baka lang kasi umaasa kang magtatagal syang kasama ka" malamig kong sagot, bakit ba? di ko mahal si Aiola pero ayaw ko namang nasasapawan ako ng iba. yan ang pangit sa ugali ko at aminado talaga ako.

"Inaasahan ko na yun, nagpaalam na nga yung tao na aalis dahil babawi daw sa GF nya" sagot ni Aiola "Akala ko bumalik sya dahil may naiwan, iba pala ang dumating" pagtataray ni Aiola "Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?"

"Wala lang I'm just checking you if you're already drunk" sagot ko

"Wala kang pakialam kung mag lasing ako" sagot nya

"Meron akong pakialam kasi baka mag eskandalo ka" wika ko. Ngumisi sya

"Lakas mo magpa party tapos takot ka sa scandal? wag kang mag alala di ko kayo guguluhin mag e enjoy ako mag isa" wika nya

"Akala ko ba wala kang itim na damit?" tanong ko habang nakataas ang kilay pero di ako pinansin ni Aiola.

"Woohh! party party!" sigaw nya at nag simulang pasayaw sayaw na umalis sa balcony para pumunta sa sayawan. Napailing na lang ako. Mukhang mali ako nang desisyon na pasamahin si Aiola sa party na to, mukhang magkakalat sya pag malasing.

Bago pa man mag alas tres ng umaga ay tuluyan nang nakaalis ang mga bisita, nag iwan sila ng sangkaterbang kalat haay! pag sara ko ng pinto matapos mag paalam sa pinaka huli kong bisita na umalis which is Orphen ay bumulaga sa akin si Aiola na naka sandal sa dingding

"Jees!" gulat kong wika kay Aiola, natawa sya

"Waw! alak ang ininom pro ninerbiyosh ka? anong flavor ba ng alak mo kape?" tanong nya, napailing ako, lasing na to. Hindi ko sya sinagot at tinalikuran sya pero niyakap nya ako sa likod "Hell-low Beeybb!" sigaw nya

"Lasing ka" wika ko at pilit kinakalas ang pagkakayakap nya sa likod ko kaya bumitaw sya pero di pa sya tapos, humarap sya sakin at hinila ang leeg ko palapit sa mukha nya

"Ako lashing? di ah! tibay sa alak to boy!" lasing nyang sagot at tinutusok tusok ng daliri ang dibdib ko. Napansin kong nakatingin sa amin si Franchesca

"Franchesca, Go to your room, It's too late you should take a rest" wika ko, tumungo tungo si Franz at tumalikod para sana umakyat na pero habang naka kawit ang mga kamay ni Aiola sa leeg ko ay lumingon sya kay Franchesca

"Sya nga naemen Franceeee.., Goo tooo ur roommm! Pahinga ka naaa, may sakit ka na nga puyat ka pa ng puyat" natatawa nyang pahabol kay Franz

"Don't mind her Babe, umakyat ka na" wika ko at tumakbo si Franchesca papunta sa kwarto

"Good night Francieeeee" pag papaalam nya at nang marinig naming nag sara ng pinto ng kwarto si Franchesca at tiningnan ako ni Aiola sa mata "Babe!" sigaw ni Aiola. "Babe!"

"Shut up Aiola" mahinahon kong sita

"Babe mo sya at Babe mo ko!" sigaw nya "Ang galeng"

"Matulog ka na nga Aiola" utos ko

"Bakit ala syang goodnight kiss sayo pretty boy?" tanong ni Aiola "Gusto mo ako na lang?" hinimas nya ang dibdib ko at naramdaman kong hinawakan nya si Xerces Jr. kaya tinapik ko ang kamay nya "Why? Don't you like to fvck me? fvck me Xerces!" bahagya ko syang tinulak palayo sakin

"Lasing ka lang" wika ko "Di mo alam ang sinasabi mo"

"Di ako lasing!" sigaw nya at pinindot ang tip ng ilong ko "Kiss me"

"You're drunk" iniwasan ko sya

"Kiss me!" sigaw nya at pinipilit na halikan ako pero... bigla syang nasuka sa damit ko

"Sh*t!" mura ko pagkatapos non ay nakatulog si Aiola sa kalasingan. Hindi ko namalayang binalikan pala kami ni Franchesca at nang makita nya ang nangyari ay tinulungan nya akong linisin ang katawan at kalat ni Aiola.

"Pasensya ka na kay Aiola Franz" wika ko

"It's okay Xerces" mahinahong sagot ni Franchesca habang inaayos ang kumot ni Aiola

"You can take a rest now Babe, ako na ang bahala kay Aiola" wika ko at hinalikan sya sa nuo bago sya bumalik sa kwarto namin.

#2 𝒯𝒽𝑒 𝓃𝑜𝓉 𝒮𝑜 𝒫𝑒𝓇𝒻𝑒𝒸𝓉 𝐿𝑜𝓋𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon